Chapter 25

356 17 0
                                    

Cayn's POV


Isa't kalahating linggo. Isa't kalahating linggo na kaming nakulong sa rest house na ito. Hindi namin macontact ang Engrovia dahil pansamantala nilang pinutol ang koneksyon mula sa loob. 



Sa tingin namin ay isinara na rin ang lagusan papasok sa Magic world dahil hindi kami makakuha ng signal sa loob. Mukhang may nangyayaring hindi maganda sa Engrovia kaya mas lalo na naming kailangan bumalik. 


"Mukhang nakapagplano ang mga hunters ng mabuti. Panigurado ay sabay nila tayong nilusob kaya ipinasara na ng tatlong hari ang lagusan papasok sa Magic World. Tiyak na hinahanap tayo ng mga hunters ngayon dahil alam nilang hindi pa tayo nakakapasok sa loob." paliwanag ni Kyle.



"Ligtas pa ba tayo dito sa Bailon?" baling sa akin ni Aldrin.



"Hindi ako sigurado pero mahihirapan silang hanapin tayo dahil nasa gitna tayo ng gubat. Wala rin namang nakakaalam ng lugar na ito kundi tayo"sagot ko rito.



"Kailangan na nating makapag-isip ng paraan para makapasok sa loob ng Magic World. Hindi tayo pwede magtagal dito. Magsimula na rin kayong mag-ensayo dahil paglabas natin sa Bailon, gera ang sasalubong" payo ni Kyle.



"Sa ating tatlo nila Adri, madali nalang iyon. Pero paano sila Cayn? Wala silang abilidad katulad natin lalo na si Zaia na hindi pa sigurado kung makakakita pa ulit" singit ni Aldrin.


"I'll protect her" nakayukong sagot ni Kyle.



"Then who's gonna protect you?" I asked him. Natahimik naman ang buong kwarto matapos kong itanong sa kanya iyon. Mahal niya nga talaga ang bestfriend ko kaya umabot ito sa puntong mas uunahin niya si Zaia kesa sa sarili niya.



"I'll do my best to master my ability" deretsong sagot nito. 


Kyle's ability is not a joke.He can manipulate the weather and summon a great thunder and lightning. He can also make a strong tornado. Pero mahirap ito dahil isa itong negative ability. Karaniwang abilidad ng mga masasamang tao.



That's what happens when a supernatural man had a child from an ordinary human. Kaya hindi rin namin masisisi ang hari kung bakit tutol siya sa pag-iibigan ni Kyle at Zaia. It's the main reason why Kyle is forced to marry a princess who has an ability.


"Hindi pa ba sila tapos sa taas?" basag ni Aldrin sa katahimikan.


Yung tatlong babae ay nasa taas. Sinusubukan kasi ni Adri na alisin yung black smoke sa mata ni Zaia. Kyle has a point. Ang isang bulag na tao ay nawawalan na ng sense sa mata. Hindi ito nararamdaman at wala itong makikita kahit kadiliman. But Zaia's case? she can still see the darkness. Hindi pa siya bulag, tinatakpan lang ito ng black smoke.

Who Are You? (COMPLETED/ UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon