Chapter 7

503 23 0
                                    

Zaia's Pov


Pagkatapos ko gawin ang morning rituals ko, bumaba na ako para kumain pero naabutan ko agad si Aldrin na patungong kusina.


"Good morning" bati ni Aldrin. Dumaretso ako sa kusina pero si Kheana lang ang nadatnan ko. Asan yung kumog na 'yon?


"Good Morning, si Sensui?" tanong ko kay Aldrin.


"Uyy hinahanap niya. Nasa labas may kausap sa telepono" aniya. Tumango nalang ako. Sumilip lang ako sa pintuan saglit at nakita ko si Sensui na nakatayo sa harap ng gate. Mukhang seryoso ata.


Bumalik na ako sa kusina at kinain na ang breakfast ko. Kakaibang breakfast naman ang inihain ng lalaking to. Pancake na may icing na kung ano ano pa. Patatabain niya talaga ako.


-----


Pagpasok namin sa classroom, sunod sunod na tsismis nanaman ang naririnig ko. Syempre, kasabay ko si Sensui pumasok eh. Dumaretso nalang ako sa upuan ko.


"May nakalimutan lang ako sa kotse" banggit ni Sensui. Paglabas na paglabas niya, sunod sunod na tinginan nila sa akin.  Nagulat naman ako ng may humampas sa lamesa ko.


"Will you stay away from him, Smith?" Cassandra approached. Siya ang leader ng five queens.


"Ano bang problema mo kung sa akin siya lumalapit at hindi sayo?" Sagot ko dito. Nagulat naman ako ng sinabunutan niya ako at itnayo niya ako hawak hawak ang buhok ko.


Ouch! ang sakit.


"Wow! matapang ka na ngayon. Lumaki naman ata masyado yang ulo mo para sagot-sagotin ako" aniya. Pilit kong inaalis ang kamay niya na mahigpit na nakahawak sa buhok ko.


"Ikaw ang matapang ngayon, Cass. Hindi mo magawa gawa 'yang kamalditahan mo sa harap ni Kyle diba? You are scared of him, Cass. Duwag ka" sagot ko dito, pilit na nilalabanan ang sakit sa sabunot niya.


"N-NO! why would I be scared? kaya ko siyang patalsikin dito" sambit nito. Hanggang saan kaya aabot ang katapangan nitong babaeng ito? Palibhasa kasi napahiya siya sa sinabi kong duwag siya. Lahat lang naman ng nasa classroom ay nakatutok sa amin.


"Oh bakit di mo gawin?" sagot ko sa kanya at inaangatan ng tingin kaya napangisi naman siya.


"You are my target, Zandria. Naghahanap ka pa ng makakasama"


Who Are You? (COMPLETED/ UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon