Zaia's POV
Ilang minuto na kaming nakatayo dito sa harap ng round table habang na-inom ng wine. Nagkekwentuhan tungkol sa past days nila. Hindi naman ako maka-relate sa kanila dahil si Cayn lang talaga ang kaibigan ko buong buhay.
"The parade will start in few minutes. Everyone, go to your assigned places" sambit nung speaker na nakatayo ngayon sa harap.
Yung ibang students naghihiyawan. Yung iba naman ay excited na excited at nagbabaka sakaling sila ang makuha na King and Queen. Malaking opportunity din kasi ang makapang-ibang bansa lalo na sa Engrovia pa. Am I the only one who gets curious about how i t looks?
Naglakad na kami papunta sa kanya kanya naming pila. Si Aldrin iba ang partner niya saka sa ibang section siya. Si Adrianna naman ay kapartner niya si Cayn at andun lang sila sa harap ni Cass.
Pumunta na ako sa pwesto ko. Magtataka pa ba ako? Ako naman ang huling papasok, wala pang partner. Asan na ba si Sensui?
Wala pa kasi siya dito. Ang lakas pa ng loob niyang sabihin na bawal ma-late eh magsisimula na nga yung parade tapos wala pa siya. Pero okay lang kasi mawawalan ng partner si Cassandra.
"Where is Kyle? What did you do to him?" nagulat ako ng nilingon ako ni Cass.
"I haven't seen him yet" sagot ko dito. Napangisi naman siya at iniharap ang buong katawan nito sa akin.
"Don't hide him. You don't even deserve him. Nag-effort ka pa talagang magpaganda para magyabang sa akin, ano?" napangisi naman ako at naglakad palapit sa kanya. Aaminin ko, ang tangkad niya ngayon.
Ang tangkad ng mga tao ngayon
"Why would I hide him away from you? He'd still avoid you even if I have'nt told him so" sagot ko dito. Halata namang nagbakas ang inis sa mukha nito. Umunsad na ang pila. Nagsisigawan ang mga students. Baka may natipuhan nanamang gwapo.
Halata namang nababagot na si Cass sa sobrang tagal tapos wala pa siyang partner. Mas lalong nairita si Cass ng susunod na sila Adrianna na papasok sa loob. Siya na kasi ang susunod at wala pa ang pinakahihintay niyang lalaki sa mundo.
Nakakabingi ang sigawan ng mga tao sa loob. Sumilip ako at kitang kita ko ang spotlight na nakatutok doon sa dalawa. Ang ganda pa ng background music nila. Napalingon ako kay Cassandra na ngayon ay nakakuyom na ang mga kamao sa galit.

BINABASA MO ANG
Who Are You? (COMPLETED/ UNDER REVISION)
FantasyCOMPLETED || HIGHEST RANK: #48 in Fantasy As Zandria Louie Smith continues herself to study in Hangro School of Intelligence, she tries out sorts of things to make a living. Her ordinary days are suddenly shaken up when the Prince of Engrovia, Kyle...