Chapter 15

451 17 5
                                    

Zaia's Pov


Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kagabi. Para talaga akong prinsesa sa mga oras na iyon. Hindi ako makapaniwala na nagkaroon ng ganoong pangyayari sa buhay ko. Nasanay ako sa simple at mahirap na buhay, hindi ko naisip ang mga ganitong bagay. 


Kaya malaki ang pasasalamat ko kay Sensui kasi kahit ang sama sama ko sa kanya, binigyan niya ako ng pagkakataon maging masaya at magkaroon ng masayang ala-ala kasama siya.



"Zaia, Dalian mo baka ma-late tayo!" Sigaw ni Adrianna. Sumabay kasi ako sa kanila ni Aldrin. May pupuntahan kasi si Sensui at Kheana.



***

Andito kami ngayon sa airport. Kaming ang lima na lucky ones na makakapunta sa Engrovia. Si Sensui, ako, Aldrin, Adri, at Cass. Syempre hindi naman namin pwedeng iwanan si Kheana kaya isasama nalang namin.


Hinihintay nalang namin ang flight namin papuntang Engrovia. Ang weird dahil kami lang ata ang pupunta doon.


"Let's go?" Aya ni Sensui. Tumango ako at kinuha na ang luggage ko. Sabay sabay na kaming pumasok sa loob.


Si Cassandra nalang ang wala. Pa-VIP naman ito.


Pagtapak na pagtapak ko sa eroplano, hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang kinakabahan ng walang dahilan. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng plane. Napakagara at napakaganda. Hindi ko maiwasan ang hindi mamangha.


"Just in time" napalingon kami ng nakarinig kami ng isang pamilyar na boses. Its Cassandra, kasama ang mga bodyguards niya.  


Akala mo naman magbabakasyon siya sa Engrovia sa sobrang dami ng dala niya tapos ang arte arte pa ng pananamit niya. Nakasumbrelo pa, tapos shades eh wala namang araw sa loob ng eroplano.


"Chill ka lang. Highblood ka na eh" Napangisi naman si Sensui at nagtungo na sa upuan niya.


Inilagay ko nalang ang bagahe ko sa itaas at naupo na sa sofa. Umayos ako ng upo dahil pakiramdam ko talaga anytime susuka na ako. First time kong sumakay sa ganitong klaseng sasakyan. Inilabas ko ang cellphone ko at nagsalpak ng earphones. Pinatugtog ko ang favorite song ko at itinuon ang pansin sa labas.


The plane is taking off now. Kinakabahan na ko ng maramdaman kong unti unti ng lumilipad ang sasakyan ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit nalang matulog.


"Open your eyes" narinig kong sambit ni Sensui. Kaya ibinukas ko ang mga mata ko. He's now sitting infront of me.


"We're here" dagdag pa nito.


Who Are You? (COMPLETED/ UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon