Zaia's Pov
Dito na natulog yung apat. Si Adri at Kheana doon na natulog sa tapat ng kwarto na tinutuluyan ni Cayn. Si Aldrin naman dun natulog sa sofa, tapos si Sensui pinatulog ko muna sa kwarto ni Cayn.
Matapos kong maligo, nagbihis na ako ng PE uniform ko. Inayos ko na rin ang sarili ko, inabot rin ako ng ilang minuto maayos lang mabuti yung buhok ko. Ang hirap pala ayusan ang ganitong klaseng buhok, kailangan talagang pagtiyagaan lalo na't makapal ang buhok ko.
Lumabas na ako na kwarto, maaga aga rin ako nagising kaya naisipan kong magluto muna ng umagahan. Nilabas ko yung mga tasty bread and ifrench toast ko lahat to. Nagluto din ako ng cheesy scrambled egg and cheese dog para naman kay Kheana. Matapos kong magluto ay pumunta ako sa sala para gisingin si Aldrin.
"Aldrin, kakain na. Tulungan mo kong gisingin sila" pag-gising ko sa natutulog na si Aldrin. Tumayo naman ito. Umakyat na ako sa taas at dumaretso na rin siya.
Siya na ang gumising kela Kheana kaya naisipan kong gisingin si Sensui. Kumatok muna ako ng ilang beses pero wala akong narinig na sagot mula kay Sensui kaya naisipan ko namang pumasok na.
Agad akong tumingin sa kama ngunit wala siya at maayos ang pagkatupi ng kumot sa kama. Marunong pala siyang magtiklop, akala ko hindi, mayaman kasi eh. Lumingon ako sa may sofa sa gilid ko pero wala din siya. Wala rin namang tunog na nanggagaling sa banyo kaya panigurado wala siya.
Baka naman bumalik siya sa bahay ni Aldrin dahil hindi siya komportable dito. Baka doon siya natulog. Lumabas na ako ng kwarto at nagtungo muna sa kwarto ko at nagpalit na ng tshirt ko na PE. Matapos nun ay lumabas na ako.
"Hoy ipis!, may iba pa bang nakatira dito? I saw a toothbrush in that room" Nagulat ako sa biglang paglitaw ni Sensui.
"Wala bakit mo natanong?" Tanong ko sa kanya at paderetso kami sa kwarto na tinuluyan niya.
"I left my toothbrush at Aldrin's house. I found a toothbrush in the medicinal cabinet . Sabi mo walang nakatira kundi ikaw so I used it" aniya.
Nandilat naman ako. Agad akong nagtungo sa banyo at binuksan ang medicial cabinet. Kinuha ko yung kaisa-isang toothbrush at ipinakita ko mismo kay Sensui.
"Ito ba ang sinasabi mo?" Tanong ko dito. He nodded.

BINABASA MO ANG
Who Are You? (COMPLETED/ UNDER REVISION)
FantasyCOMPLETED || HIGHEST RANK: #48 in Fantasy As Zandria Louie Smith continues herself to study in Hangro School of Intelligence, she tries out sorts of things to make a living. Her ordinary days are suddenly shaken up when the Prince of Engrovia, Kyle...