Zaia's POV
Mabigat ang mga hakbang ko habang sinusundan si Cayn papasok sa isang maliit na tower sa bandang likod ng kastilyo.
Nawawala na ako sa sarili ko. Ilang beses na rin akong natapilok dahil hindi maalis sa isipan ko ang utos ng hari na magpaalam na ako sa kanya.
This will be the most painful command and the worst goodbye.
Binuksan ni Cayn ang malaking pinto sa tower. Pinauna niya na ako pumasok at hindi na siya sumunod pa at sinarado na lang ang pinto.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa mapaliko ako sa isang malaking kwarto na walang bintana at gawa sa malalaking bato.
Punong puno ito ng dahon dahon at may mga puno pa sa loob ng malaking kwartong ito. Marami ring iba't ibang uri ng malalaki at naggagandahang mga bulaklak at dahon.
Naglakad lakad pa ako paikot pra hanapin si Sensui pero hindi ko talaga siya makita dahil puro halaman lang ang nandito sa loob ng kwartong ito. Aalis na sana ako nang may nagsalita.
"Where do you think you're going?" agad kong nilingon kung saan iyon nanggaling at napukaw ng atensyon ko ang isang lamesang gawa sa bato. Isang lalaking nababalot ng ugat ng mga dahon.
Agad akong tumakbo patungo roon at nakita ko si Sensui na nakahiga roon. Hindi ko alam kung anong meron ang sistema nila dito para ibalot siya sa mga ugat ng dahon pero nakatulong ito sa pagtago ng mga nagliliwanag na ugat ni Sensui.
Tinulungan ko si Sensui bumangon at inalis ang mga ugat ng dahon na nakapalibot sa kanya. Wala itong damit pang itaas pero mayroon naman siyang saplot sa ibaba.
"We need to talk." panimula ko rito. Halatang may gulat sa kanyang mga mata dahil sa seryosong pagkasabi ko.
"Is that your new way of welcoming your boyfriend?" tanong nito. Pinagpagan niya ang bato sa tabi niya at sinenyasan ako na umupo roon. Hindi na ako tumanggi pa at sumunod na lang.
"Nag-usap kami ng hari." bungad ko rito. Tinitigan niya lang ako at nag-abang ng mga susunod kong salita. Pero ilang buntong-hininga lang ang naibigay ko sa kanya. Mahirap para sa akin na magpaalam sa kanya dahil hindi naman ganoon kadali yon.
"Ano nanaman ang sinabi niya sa'yo?" tanong pa nito. Nag-iwas na lang ako ng tingin dahil pakiramdam ko ano mang oras ay tutulo na ang mga nangingilid na luha sa mga mata ko. "he is forcing you to say goodbye to me, isn't it?"
"Ayoko" dahan dahang bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ko. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Pupunasan na sana nito ang mga luha ko kaya mabilis akong tumayo at tumakbo palayo sa kanya.
"Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na gagawan ko ng paraan." seryosong sambit nito sa akin. Tumayo na ito at nginitian ako. His arms are wide open. I quickly ran towards him and give a warm hug like I always want to.
"I'd love to just hold you tonight." he whispered while he ran his fingers through my hair.
Niyakap ko siya ng mas mahigpit ng maramdaman ko ang mga luhang nangingilid sa aking mga mata. Pero mas niyakap niya ako ng mahigpit kasabay ng matamis na paghalik niya sa aking noo.
"Kung alam ko lang. Kung alam ko lang sa simula na isa ka palang prinsipe. Hindi sana mangyayare lahat ng ito. I'm so sorry for being such a naive, Sensui. " naiiyak na sambit ko rito.

BINABASA MO ANG
Who Are You? (COMPLETED/ UNDER REVISION)
FantasyCOMPLETED || HIGHEST RANK: #48 in Fantasy As Zandria Louie Smith continues herself to study in Hangro School of Intelligence, she tries out sorts of things to make a living. Her ordinary days are suddenly shaken up when the Prince of Engrovia, Kyle...