chapter 1

4.3K 49 0
                                    

"Beshie!!!!!! Wake up!!" Naalimpungatan ako dahil sa nakakarinding sigaw ng best friend ko. "Argh. Roxanne ang ingay mo." Reklamo ko.

Mas lalo pa niya kong niyugyog kaya bumangon na ko ng mabilis. Sinamaan ko siya ng tingin. Bigla naman nito akong niyakap at binola-bola.

"Oy beshie, sorry na. Baka kase ma-late ka sa trabaho mo." Wika niya. Nanlaki ang mata ko at agad na hinanap ang cellphone ko. Pagtingin ko ay 30 minutes na lang bago mag-start ang trabaho ko.

Kumaripas ako ng takbo papuntang cabinet ko para kumuha ng damit ko at saka naligo. "Beshie!! Luto lang ako sa baba ah!" Sigaw niya mula sa labas.

"Oo!!" Nako buti na lang pala at binulabog ako ng best friend ko. Kung hindi, baka naglalaway pa ko ngayon sa higaan ko. Nang matapos akong maligo ay bumaba na ko at kumain.

"Nako, pasensya ka na jewel sa kaibigan mo, napaka iskandalosa!" Natawa naman ako sa sinabi ni aling tess, mama ni roxanne. Dito na ko ngayon nakatira sa kanila. Nang umalis ako galing ng korea ay dito na ko tumuloy kila roxanne. 5 years na rin akong nakatira dito.

Yung tita ko din pala sa korea, she died 2 years ago dahil sa cancer. Yung bahay doon ay ibinenta ng isa pa nilang kapatid. Buti na nga lang at may kaibigan akong mabait na kumupkop sakin. Baka isa na kong dakilang pulubi ngayon.

"Nako okay lang po tita. Kung hindi po ganyan yan eh baka na-late na din ako sa trabaho ko." Tinusok ko ng tinidor yung ham at kinain. "Oy beshie. Bilisan mo baka ma-late na tayo!" Sigaw niya.

Binilisan ko ang pagkain sa sinangag at ham na niluto ni roxanne. "Ma! Alis na kami!" Sigaw niya. Everyday yan. Ganyan siya ka energetic. Kaya kahit anong bored mo, kapag kasama mo si roxanne, mawawala at baka maging baliw ka na din.

"Oh siya mag-ingat kayo ah!" Sagot naman ng mama niya. Nilapitan ko si aling tess at humalik ako sa pisngi neto. She's been my second mom. Siya na ang tumayong magulang ko. Parang magkapatid na din ang turingan namin ni roxanne. Wala na din pala siyang tatay kase namatay na din. Kaya nagsisikap si roxanne para maiahon sa kahirapan ang mama niya.

Ayaw niya na din kaseng pagtrabahuhin ang mama niya dahil sa may edad na din ito. ''beshie!!!!! Dali! At baka maiwan tayo ng jeep!" Hinila niya na ko papunta doon sa jeep. "Teka lang!"

Sa isang mamahalin na hotel kami nagtatrabaho ni roxanne. Assistant ako sa lobby at ganun din siya. Er? Assistant again? Hahaha pero syempre in other way at magkaiba na yun sa dati kong trabaho.

"Para po!" Sigaw naming dalawa sabay tawa. Masaya ako sa araw-araw na ganitong gawain namin ni roxanne. She always make me comfortable. Kaibigan na mahirap hanapin.

Pagkababa namin ng jeep ay tiningala ko ang matayog na building ng mcfoster hotel dito sa manila. Isa sa mga pinakasikat na hotel. Halos lahat ng nag che-check in dito ay puro mayayaman.

"Whooh! 2 minutes na lang hahaha." Wika ni roxanne ng makapasok kami sa loob. Buti at inabot pa kami. Pumunta na kami sa respective areas ng aming trabaho. pumwesto na ko sa may counter.

"Good morning!" Bati nung isa naming katrabaho na si jasmine. "Morning!!" Sagot naman naming dalawa.

"Annyeong haseyo!" Wika naman ni angel. ''Hello." Kinawayan ko naman siya. Ayokong sumagot ng korean words.

-☆-

"Ano kayang magandang isuot bukas no?" Tanong ko kay roxanne. Bukas kase ang isang napakahalagang araw sa buhay ko. That day will be my promotion. Magiging assistant manager na ako. Mas nauna kase ako ng 1 year kay roxanne. Nag-aaral pa kase siya noong nag-apply ako dito kaya mas mauuna ako sa promotion.

He Who fell in love with me |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon