"Okay na ko roxanne." Pinigilan ko na siya sa pagpapaypay sa akin.
"Sigurado ka?"
"Oo.."
Ipinatong niya ang pamaypay sa lamesa. "Inom ka ulit ng tubig jewel." Inabot naman sakin ni jaehyun ang isang basong tubig.
"Sa-salamat." Nauutal kong sabi. "Ano ba kaseng nangyari?" Tanong nito sa akin.
"May narinig kaming alingawngaw ng nabasag kanina." Sabat naman ni roxanne.
Nag-isip pa ko kung sasabihin ko ba na nabagsakan ko sa paa si taeyong? "N-nabitawan ko yung pitcher eh." Sagot ko.
"Eh bakit para ka namang nakakita ng multo? Halos di ka makagalaw." Wika ni roxanne.
"S-si taeyong."
"Anong meron kay TY?" May interes na tanong ni jaehyun.
"Nabangga ko siya kaya bumagsak yung pitcher. May sugat siya sa paa." Kwento ko. Napatayo kaagad sa sofa si jaehyun. "Si TY? Bakit di siya nagsabi?"
"Tara puntahan natin." Aya ni roxanne.
"Mamaya mapano si taeyong. Ayaw pa naman 'nun ang dugo." Mas lalo akong kinabahan. "Halos lahat naman tayo eh. Sino ba naman kaseng may gusto uminom ng dugo?" Natatawang sabi ni roxanne. Puro kalokohan talaga ang isang 'to.
"Hindi nainom si TY; ayaw niya lang makakita ng dugo." Seryosong sabi ni jaehyun. Pero ako, nabagsakan ko pa siya sa paa. Pero diba dapat magalit pa siya? Dapat sigawan niya pa ko na ang 'tanga' ko. Pero ang tangi lang niyang sinabi ay 'enough'.
"Sige jewel. Puntahan lang namin si taeyong sa kwarto." Papunta na sila ng tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Hindi nila alam na dalawa na sumunod ako.
"Taeyong?" Wika ni jaehyun mula sa loob ng kwarto. Hindi ako pumasok. Andito lang ako sa labas at nakikinig.
"Wae?" Buong-buo ang boses ni taeyong ng magtanong ito. (Wae means why).
"Patingin kami ng paa mo." Wika naman ni roxanne.
"Bakit mo kami kinunotan? Patingin kami ng paa mo TY. Sabi ni jewel may sugat daw." -jaehyun. Naramdaman ko ang ilang yapak ng paa.
"Wag na. Nilagyan ko na ng bethadine." Sagot naman ni taeyong.
"Patingin pa rin. Mamaya mapano yang paa mo, may bubog pala sa loob." Napaka-maaalalahanin talaga ni jaehyun pagdating sa best friend niya. Although lahat naman ng nasa NCT ay best friend niya, di pa din mapagkakaila na si taeyong pa din ang mas umaangat sa lahat. Pagdating kay jaehyun.
"Hindi na nga. Okay na ko." Makulit na sabi taeyong. Humakbang ako ng ilang hakbang at sinilip sila mula sa pinto.
"Taeyong, mamaya makita pa yan ni Manager eh! Baka mapagalitan pa sina direk."
"Parang ito lang? Kayang-kaya ko ito itago." Pagkasabi niya noon, ay sakin tumapat ang tingin niya. Di ko alam kung nakita ba niya kong nakasilip mula dito sa kinatatayuan ko or baka dito talaga siya titingin.
"Anong ginagawa mo dito?" Nagulat ako ng magsalita siya. Tumingin naman sa direksyon ko sina jaehyun at roxanne.
Di ako nakasagot. Umalis ako doon at sumandal sa labas ng kwarto. "TY, grabe ka naman makapagtanong. Parang di mo kilala yang tinatanong mo." Panunuway ni jaehyun.
"But i don't know her." Parang nanikip yung dibdib ko sa biglaan niyang pagsasalita. Ilang araw at linggo siyang di nakibo sakin tapos ngayon sasabihin niya, hindi niya ko kilala?
"Ty!"
"Lumabas na kayo. Gusto kong matulog." Utos niya.
"Teka nga TY. Di kita maintindihan eh! Di mo kinakausap si jewel tapos ngayon sasabihin mo na lang bigla na di mo siya kilala?"
BINABASA MO ANG
He Who fell in love with me |COMPLETED
FanfictionHighest Rank: #1 on Istillloveyou Sequel of He Who Fell In Love With A Fangirl I LEFT HIM Oo ganyan ko kase siya kamahal. Kahit masakit para sakin, wala eh. Kailangan ko pa ding gawin. Natakot lang naman ako na baka dumating yung araw na, araw na k...