Chapter 39

1.2K 28 0
                                    

Taeyong's p.o.v

Nilapitan ko ang mga litrato na nakasabit sa dingding.

Her smile.

Her eyes.

Everything about her.

Siguro 'yun yung dahilan kung bakit di ko siya magawang iwan.

"Taeyong..." Tawag niya. Kaagad ko siyang nilingon at nilapitan.

"Let's go." Hinawakan ko siya sa kamay at iginawi palabas ng kwarto. Pagkagaling namin ng airport ay dumito muna kami sa bahay niya para kumuha ng damit.

I can't leave without her.

"Let me handle it." Kinuha ko sa kaniya yung backpack niya. "Saan na tayo ngayon pupunta?" Tanong niya.

"Basta. Hindi nila ko pwedeng makita. Ayokong bumalik ng Korea na hindi ka kasama." Niyakap ko siya at hinalikan sa noo.

Bumaba kami ng hagdan at nadatnan ang tita niya na nag-aabang samin doon. "Mag-iingat kayo ija." Niyakap niya ng mahigpit si jewel.

"Opo tita."

"Salamat po tita. Pasensya na din po sa abala." Wika ko.

"Nako, wala iyon. Basta mag-iingat kayong dalawa ha." Paalala niya.

"Opo." Sabay naming sabi. Bago Lumabas ng bahay ay itinaklob ko na ang hood sa ulo ko at nagsuot ng face mask.

Bago kami makalabas ay biglang nagtanong ang tita ni jewel. "Saan kayo ijo pupunta ngayon?"

"Maghahanap po muna siguro kami ng matutuluyan. Hindi po kase ako pwedeng magpalabas-labas lang. Baka bigla nila kong dakipin." Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni jewel sa kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"Sige po tita. Aalis na po kami."

"Mag-ingat kayo." Tumango ako. Lumabas kami ng gate at pumunta sa itinurong kanto ni jewel. Doon daw minsan nadaan ang mga jeep at kahit anong sasakyan.

Naka hoodie din si jewel at naka mask tulad sakin. Habang naghihintay kami ng sasakyan ay di ko maiwasang hindi tumingin sa kaniya. I miss her so bad.

Akala ko wala nang patutunguhan yung mala-fairytale love story namin. Kapag para talaga kayo sa isa't-isa, gagawa ng daan ang tadhana para magtagpo ulit kayo.

Pinara kaagad ni Jewel yung dumating na taxi. Sa backseat kaming dalawa sumakay. "Mcfoster hotel tayo." Wika ko. Doon kami nag-stay ng isang buwan kung saan si jewel nagtatrabaho.

"Bak--"

"Kilala mo naman ang mga nagtatrabaho doon diba? Malamang hindi naman nila tayo isusumbong." Nang sinabi ko iyon ay hinawakan ko siya sa ulo at pinasandal ito sa balikat ko.

Hangga't kaya kitang ipaglaban, ipaglalaban kita. Sana nga lang, sa pagkakataon na 'to, parehas na tayong lumaban. Hindi mo na sana ako iwan.

Pagkababa namin ng taxi ay pumasok kaagad kami sa hotel. Tinanggal ni jewel ang mask niya tapis dumiretso siya sa counter. Naiwan ako dito sa lobby at hinihintay siya.

Mukhang nagulat din yung assistant na nandoon nang makita nito si jewel. Matapos ang sampung minuto ay lumapit sakin si jewel.

"Di daw niya tayo isusumbong," Nakangiti nitong sabi. "Tara." Hinawakan niya ko sa kamay at hinila patungong elevator.

Damn! Everytime i see her smiling, my heart starts to race.

Pagkapasok namin ay nagmask ulit siya. Kahit naka-mask at hoodie na siya ay kita ko ang ngiti base sa mga mata niya na unti-unting naniningkit. Sa kabila ng ganito naming sitwasyon, nagagawa pa din niyang ngumiti.

He Who fell in love with me |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon