Roxanne's p.o.v
Nauunang maglakad sa aming dalawa si jaehyun. Hindi ko siya masabayan dahil sa ang haba kaya ng bias niya (T.T~)
Malamang ay ang hahaba ng paghakbang niya kaya ako namang si buang ay habol ng habol. Ganito ba talaga siya sakin? Bakit kailangan niya kong pahirapan? Alam niya na ngang mah--
Opps. Tama na masyado na kong madrama dun. Baka mainis kayo lol.
"jaehyun ang bilis mo maglakad!" Sigaw ko mula sa likuran niya. Ewan ko ba sa taong 'to kung saan din siya pupunta. Ang nakakainis pa, parang bingi! Wala atang naririnig o baka akala niya ay wala siyang kasama.
Pero kahit ganito 'tong tao na 'to, mahal ko ito no. Ow, walang papalag, hindi ko pag-uupdatin si author sige kayo :D
Sa sobrang paghabol ko ay hindi ko na namalayang tumigil na pala siya kaya ayun, nag-landing tuloy ako sa likod niya. Buti na nga lang at sa likod niya dahil kung sa pader yun, nauntogs na ko. Ganyan ako magsabi ng nauntog with letter 's' sa dulo. Oh pake niyo na naman!
"Ano ba." Galit niyang sabi.
Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Aber? Eh bigla ka kayang tumigil sa paglalakad." Pagdadahilan ko.
"Ako pa ang may kasalanan? Diba dapat ay ikaw ang humingi ng sorry?" Masungit niyang sabi. Abnoy din ata tong lalaking 'to! Kapag kaharap ying ibang members, ang bait-bait. Tapos kapag ako parang pinagbagsakan ng langit at lupa!
Nako. Nataas ang dugo ko dito.
Pasalamat ka at mahal kita nako. Ayokong mai-stress at baka mangulubot ang aking face at baka hindi mo na ko pakasalan. May angal kayo? Hindi ako assumera ah. Nagsasabi lang ako ng totoo. I can predict my future and jaehyun's future lol.
"Oh ano pang itinatayo-tayo mo diyan? Mag-sorry ka." Utos niya. Napakamot na lang ako sa batok ko saka hinawakan ang gilid ng palda ko at nag-bend ng mala prinsesa. HAHAHAHAHA ay syempre, prinsipe ko kaharap ko ngayon.
"Sorry......" wika ko.
Di ko alam kung anong nakakadiri sa ginawa ko at mukhang nandiri si jaehyun sa pagsi-sorry ko. Ang arte talaga.
tumingin ako sa paligid ng kinatatayuan namin. Nasa pinakababa na pala kami netong building. Eto kase, may elevator naman pinahirapan pa ko sa pagbaba ng hagdan hmp! Nasa likod kami ng buidling. Hindi kase pwede sa kabila, maraming fans siguro ang nandoon.
Ganyan niya ko mahalin. Wagas na wagas. Na maaari ko nang ikamatay bukas. (- - #)
"Ganyan ka ba talaga sakin? Bat ang sungit mo?" Tanong ko. Alam niyo, kung masungit si taeyong na ex ni jewel, mas malala pa ata ang isang 'to. Palagi atang nireregla! Ang sungit-sungit. Pero wala naman akong maiaangal sa kaniya, pogi kase ♡-♡
"Try to be matured. Masyado kang isip-bata. Hindi bagay sayo." Cold niyang sabi. Nagseselos na tuloy ako kay jewel. eh kase kapag siya yung kausap ni jaehyun, ang saya-saya ng mokong na 'to. Tapos kapag ako, halos anino ko lang ayae niya nang makita!
Haysss. I'm starting to hate this man.
"Eh ikaw, bagay ka naman sakin." Shuteng inerns! Owemjiiii. Ano bang meron sa bibig kong 'to? Letche!
"Sorry!!" Sabi ko habang pilit na binabawi yung sinabi ko kanina. Nakakaloka! Ganito ba ko kabaliw sa nilalang na 'to?
"Hindi naman ako affected. Go ahead, say what you want to say." Sagot niya. Sinimangutan ko na lang siya. how to be jewel? Para naman mapabait ko na din siya. Kung sabagay, hindi nga naman talaga mature mag-isip yung utak ko.
So siguro yun na yung dapat na baguhin ko.
Tinignan ko lang siya na nakatingin sa malayo. Napansin kong kahit nakatago yung mukha niya sa hoodie, gwapo pa din. Hindi mo pa din maitatago yung itsura niyang titigan mo lang, tigok ka na.
BINABASA MO ANG
He Who fell in love with me |COMPLETED
FanfictionHighest Rank: #1 on Istillloveyou Sequel of He Who Fell In Love With A Fangirl I LEFT HIM Oo ganyan ko kase siya kamahal. Kahit masakit para sakin, wala eh. Kailangan ko pa ding gawin. Natakot lang naman ako na baka dumating yung araw na, araw na k...