chapter 5

1.7K 29 4
                                    

"Sige salamat mark." Wika ko bago makalabas ng kwarto nila. Pagkalabas ko ay naglakad na din ako papunta ng elevator.

"Oy Kamusta?" Bungad niya sakin ng makababa na ko ng first floor. Hindi ko siya sinagot. Nilagpasan ko lang siya. Alam ko namang susunod naman ito sakin. "Oy! Kinakausap kita!" pagsasalita niya. Hindi ko lang siya pinapansin.

Tumigil ako sa tapat ng sakayan ng jeep. Kailangan ko pa maghintay ng jeep na dadaan. Wala na kaseng jeep dito kapag gabi. "Oy!" Hinawakan niya ko sa balikat at iniharap sa kaniya.

"Ano bang nangyari sayo??" Tanong niya.

"Wala." Masungit kong sagot. Nakakainis kase! Kapag naaalala ko yung nangyari kanina!

"Nako jewel, kilala kita. Ano bang nangyari?" Buti at may dumaan ng jeep. Pinara ko ito tapos sumakay ako. Siya naman ay sumunod lang. Pagdating sa bahay ay nagmano ako kay tita at saka umakyat sa taas.

"Hoy jewel! Nakakainis ka naman eh! Kanina pa ko mukhang tanga na nagsasalita!" Medyo may inis na sabi niya.

Huminga muna ko ng malalim bago nagsalita. "I-it's..."

"Taeyong diba?" 

Tumango lang ako. "What did he said to you?"

"Wala naman. K-kinamusta niya lang ako." Pagsisinungaling ko. Pero parang hindi naman ito naniwala. "Yung totoo jewel. Anong sabi niya?" Tanong ulit niya.

Bigla akong dinalaw ng kaba. Pag sinabi ko kase kay roxanne na ganun pa din pala yung nararamdaman sakin ni Taeyong, panigurado ay mangungulit ito. Ayoko na eh! Kung ano man yung nararamdaman ni Taeyong para sakin, dapat ay itapon niya na yun.

"Uhm...... na-miss niya daw ako. Yun lang." Pagkatapos ay binuksan ko na yung pinto. "Oh. Anong sagot mo?!" Tanong niya. "Sinabi ko na hindi ko naman siya na-miss."

Halatang nagulat siya. Eh anong gagawin ko? Alangan namang sabihin ko na na-miss ko si taeyong na ang totoo naman kase eh wala naman akong naramdaman nung magkaharap kami kanina kundi galit lang.

"Kamusta naman ang trabaho mo?" Pangungumusta ni tita. Kinuha ko yung mangkok ng ulam bago nagsalita. "Okay naman po."

"Sinabi sakin ni roxanne na nakita mo daw ang dati mong boyfriend?" Tinignan ko si roxanne at sinamaan ng tingin. Grabe talaga tong babaeng 'to. Palagi na nga kami magkasama pero nasabi niya pa sa mama niya.

"O-opo."

"Eh kamusta naman siya?" Ewan ko kung bakit ako tinanong ng ganun ni tita. Eh hindi naman ako nag-oopen sa kaniya. I mean, hindi naman kase ako tinatanong ni tita ng mga personal na bagay na.

"Ah.... okay lang po." Bahagya kong sinipa si roxanne sa paa. Magkatabi lang naman kamk eh. Hindi naman iyon mahahalata ni tita tess kase nakatago sa ilalim ng mesa yung paa namin.

"Balita ko pa, eh katulong ka daw nun?" Nanlaki yung mata ko. Alam na alam na talaga ni tita. Pero sana she didn't know na sikat yung tinutukoy niya.

"Ah. Opo tita."

"Sana, maging maayos ang samahan niyo." Nakangiti niyang sabi. Sana nga.

Pagkatapos naming kumain ay naghugas na kami ng plato ni roxanne. "Ikaw talaga! Ang daldal mo!" Pagalit kong bulong sa kaniya.

"Hayaan mo na! Wala ka bang tiwala kay mama?"

"Meron. Pero dapat ay di niya na yun malaman. Kase tapos na yun." I stated.

"Tapos? Eh ikaw lang naman yung palaging nagsasabi ng 'tapos na yun!' Kahit sa loob-looban mo naman ay gusto mo!" Natamaan ako sa sinabi ni roxanne.

He Who fell in love with me |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon