chapter 21

1.1K 23 5
                                    

"Wow. Ang ganda!" Sigaw nila taeil habang kumukuha ng litrato. "Hoy yuta!z Nangangalay na ko dito!" Reklamo naman ni doyoung na kanina pa naka-pose.

"Teka... lowbat na ata tong cellphone mo eh!" Sagot naman sa kaniya ni yuta.

"Oh! Wag kang tumayo! Baka malunod tayo dito sa bangka!" Suway ni taeil. Sumakay kase kami ng bangka galing ng airport. Isla lang kase ang boracay kaya kailangan mo talagang magbangka bago ka makarating dito. Naglalaking mga puno ang sumalubong samin pagkababa namin.

"Jewel! Picturan mo ko dito sa puno dali!" Sigaw ni roxanne. Kinuha ko naman ang cellphone niya para kuhaan siya ng litrato ng biglang dumikit sa puno si jaehyun. "Luh! Paepal!" Asar nila winwin at doyoung. "Ikaw ba yung puno casper ha!?" Tanong naman ni johnny

Tawa naman ng tawa sina roxanne at jaehyun. Nagkaroon tuloy ako ng idea na kuhaan silang dalawa ng litraro habang tumatawa sila.

*click*

Tinignan ko yung litrato nila at sobrang kinilig ako sa itsura nilang dalawa. Magkaharap sila habang natawa. Nakahawak si jaehyun sa puno at si roxanne naman ay nakahawak sa lalamunan niya.

"Tapos na!" I said while giving her cellphone. Tinalikuran ko na sila at dumiretso na ko para pumasok ng hotel.

Nangunot naman ang noo nito. "Hoy! Di pa nga ako nakaka-pose eh!" Reklamo niya habang humahabol sakin. "Tignan mo kase!" Sigaw ko.

"Bakit andito pa kayo?" Tanong ko kay mark. "Nagpapa-check in pa si direk eh." Sagot niya.

"Sila roxanne, jewel?" Tanong ni doyoung. "Ah.. nandun pa sa labas." Sagot ko.

"Kyahhhh!!!!!!!!" Nabulabog ako sa pagsigaw na narinig ko. Papasok si roxanne habang natili.

"Thank you jewel! Ang cute ko dito!!" Tumalon-talon pa siya niyan -_-

"Ano ba yan roxanne?" Nilapitan siya ni doyoung. "Wala!" Itinago niya na yung cellphone niya sa bulsa nito.

"Hala?! Sige. Nagtatago ka na sakin ah." Bumusangot si doyoung. "Wala nga 'to! Picture ko lang."

"Oo na." Tinalikuran na siya nindoyoung at pinuntahan naman nito si winwin saka niyakap mula sa likod. "Nambabakla ka na naman doyoung eh!" Pabebe na sabi ni winwin. Natawa tuloy ako sa kalokohan nilang dalawa.

"Tara na." Ani direk. Sinundan namin siya sa elevator at sumakay na kami doon. Pagkapasok namin ay napansin ko namang nagdadaldalan sina jaehyun at roxanne. Napangiti ako ng matipid.

"Buti pa sila nagkakamabutihan na jewel.." nagulat ako ng kaunti ng may bumulong sakin.

"Taeil-oppa....."

"Kayo kaya ni TY, kailan kayo magkakamabutihan?" Natulala lang ako sa tanong niya.

Kailan nga ba?

Tinignan ko si taeyong mula sa peripheral vision ko. Nakatayo siya sa gilid ng elevator habang may nakapasak na headset sa tenga nito.

Nakapikit din ang mga mata nito. Napagod siguro sa byahe. Kami lang nila direk, ako, jaehyun, roxanne, taeil at taeyong ang nandito. Nasa kabila sina doyoung, winwin, yuta, johnny, mark at haechan. Kasama nila yung ibang staffs at crew.

"Nako, mami-miss ko talaga ang pilipinas!" Narinig kong sabi ni jaehyun. Nilingon ko silang dalawa na masayang nag-uusap sa gilid. "Ako? Hindi mo ba ko mami-miss yoon oh?!" Nagulat ako ng tawagin niyang yoon oh si jaehyun. Hindi man lang nag-react si jaehyun sa sinabi ni roxanne.

"Syempre mami-miss kita!" Kinurot siya ni jaehyun sa pisngi. Nagtawanan silang dalawa sa mga pinaggagawa nila. Buti na lang at hindi sila naririnig ni direk. May nakapasak din kase sa tenga nito. Baka mamaya kase ay mag-isip ito ng malisya. Magka-issue na naman.

He Who fell in love with me |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon