Nag-sorry naman kahapon pag-uwi namin si roxx sakin. I accept it naman kase best friend ko siya. Pinagsabihan ko siya na wag niya na ulit gagawin yun or else ay hindi ko na siya papansinin pa.
Matapos din ang araw na iyon ay hinatid kami pauwi ni lux. Medyo nahihiya na nga ako sa kaniya kase hindi ko na masyadong nakakausap at napagtutuunan ng pansin kahit nasa iisang lugar lang kami. Ni hindi nga ako pinapalabas nila jaehyun eh.
Na-miss daw nila kase ako.
"Oh. Spin niyo na." Ani yuta. Dahil sa kakatapos lang ng shooting nila sa mini nct life dito kanina sa hotel, nagpahinga na muna sila at nagyaya naman si roxanne na maglaro nito. Buti nga at sumali rin si taeyong kahit alam kong hindi naman talaga niya passion ang paglalaro nito.
Lahat sila.
Pinaikot na ni doyoung yung bote.
Dahan-dahan itong tumapat kay jaehyun. ''Ako! Ako magtatanong." May pataas pa ng kamay na sabi ni roxanne.
"Pagdating talaga kay jaehyun-hyung, active ka." -mark.
"Syempre. So, jaehyun-hyung." Panimula niya. Nagsigawan naman sila hachechan at winwin. Alam na din kase ng lahat na ang pinaka gusto ni roxx ay si jaehyun. Kaya patuloy siyang inaasar dito. But si jaehyun? Ayun, todo iwas naman kay roxanne.
"Bakit ba ayaw mo kong pansinin? Ni ayaw mo kong kausapin." Malungkot niya sabi. Wala kaseng pagpipilian na category sa laro. Truth lang.
Tumikhim si jaehyun bago nagsalita. Titig na titig si roxanne kay jaehyun at halatang inaantay ang sasagutin nito. "Hindi naman kase tayo masyadong close. Saka wala naman tayong dapat pag-usapan." Pormal niyang sabi.
Halos hindi naka sagot si roxanne sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nasaktan ba siya or nag-iisip ng paraan para maging close sila. Kilalang -kilala ko si roxanne. Kapag may gusto siya, paghihirapan niya.
kung makuha nga niya ang atensyon ni jaehyun.
Di naman siguro siya mahihirapan. Ako nga noon, wala namang ginawa para mapansin ni jaehyun pero ako pa pala yung dahilan kung bakit siya masaya araw-araw. He told me that.
"Jewel!" Nataranta naman akong napatingin sa kanila. Ang lalim na pala ng iniisip ko. Basta talaga si roxx ang sumigaw, matataranta ka dahil sa kaeskandalosahan ng babaitang 'to.
"A-ano?" Tumingin ako sa bote na kasalukuyan palang nakatapat sakin. So that means, ako yung tatanungin?
"Ako magtatanong." Pagboboluntaryo ni johnny. "Hindi! Ako!" Sabat naman ni haechan.
"Ako!" -johnny.
"Ako na hyung!"Ayaw din patalo ni haechan.
"Kayong dalawa na lang!" Sabay na sabi ni taeil at doyoung.
"Ako muna mauna." Wika ni johnny.
"Sige.'' Buti at sumang-ayon naman si haechan.
Napangiti ito ng nakakaloko. Napakamot naman sa batoo sila yuta. Anyare kay johnny at bigla na lang ngumingiti ng ganito?
"Nung umalis ka ba sa korea--"
Pinutol ni jaehyun ang dapat na tatanungin ni johnny. "Johnny, wag yan. Andaming tanong na pwede mong itanong." Sway nito.
Bumunsangot namam ito. "Sige na johnny. Ituloy muna lang. Okay lang." Nginitian ko siya. Gusto kong makita nila na hindi ako apektado sa kung ano mang itatanong ng bawat isa about sa past na nangyari noon.
"Nung umalis ka ba ng korea, masaya ka ba nun? Nung iniwan mo kami?"
Hindi man yun yung in-expect kong tanong niya, ay pinaghandaan ko na kung anong isasagot ko. "Syempre." Naramdaman ko ang pag-angat ng ulo ni taeyong mula sa pagkakayuko nito kanina. Nasa gilid ko lang siya kaya kahit di ko siya lingonin ay nakikita ko naman siya sa peripheral vision ko.
BINABASA MO ANG
He Who fell in love with me |COMPLETED
FanfictionHighest Rank: #1 on Istillloveyou Sequel of He Who Fell In Love With A Fangirl I LEFT HIM Oo ganyan ko kase siya kamahal. Kahit masakit para sakin, wala eh. Kailangan ko pa ding gawin. Natakot lang naman ako na baka dumating yung araw na, araw na k...