Jewel's p.o.v
Hindi ko alam kung sino ba ang dapat kong tulungan sa kanilang dalawa. Parehas silang nasugatan at hindi ko alam kung bakit kay Lux ako dinala ng mga paa ko.
Kitang-kita kong nanggigil pa din siya kay lux kaya hinawakan na siya nila yuta para mailayo sa amin. Tinulungan ko si Lux. Sobrang basang-basang na ng damit niya dahil nga sa nilublob siya ni taeyong sa pool.
Kahit nanghihina ako ay pinilit kong tulungan pa din si Lux. I don't know if it's the right thing to do now. Hindi ko alam bakit sa kabila nang ginawa niya sa akin ay nagawa ko pa siyang tulungan.
"Jewel tumayo ka na." Utos ni direk sakin. Inalalayan ako nung mga staffs para makatayo. Sobrang nangangatog pa din ako dahil sa mga kanina.
At hanggang ngayon, di pa din ako makapaniwalang dumating si taeyong para... Para iligtas ako kay Lux. Ayae magsink-in sa utak ko na nandito siya ngayon.
Binalingan ko siya ng tingin habang nakabalot ako sa makapal na tuwalya.
Umiiyak siya.
Pero bakit?
Nakakapagtaka na ngayon ko na lang ulit siya nakitang umiyak simula noong dumating siya dito. Sobrang naguguluhan ako. I want to talk to him pero wala akong lakas ng loob para gawin iyon.
Gusto ko siyang tanungin kung bakit at paano niya nalaman na may nangyayari na saking masama?
Dinala ng mga pulis si Lux pero bago pa man iyon mangyari, kinausap nila ako kung ano ba talaga ang nangyari.
Ikinuwento kong gusto niya kong saktan at gawan ng masama. And then, taeyong came in so i was saved.
Isasama na din sana sa prisinto si taeyong pero sinabi kong wala naman siyang kasalanan. He just saved me.
Sinundan ko sila na pinapaligiran si Lux patungong sasakyan. "Wait!" Pigil ko.
Nagsitinginan yung mga pulis sakin at kaagad kong nilapitan si Lux. "I- I'm sorry.." Umiiyak niyang sabi. Naging maamo na ulit ang mukha nito.
Pilit niyang inabot ang kamay ko at hindi naman ako nagatubiling ihawak iyon sa kaniya. "Sorry Melissa... Please forgive me." Umiiyak siya at saka lumuhod sa harap ko.
Hinayaan lang siya ng mga pulis na ganoon. "Oo naman. Alam ko namang hindi mo yun sina--"
Hindi ko na natapos yung dapat kong sasabihin sa kaniya nang may humila sakin papalayo kay Lux. Paglingon ko ay si taeyong iyon.
Hindi ako nakapagsalita kaagad. "Isama niyo na po yang hayop na yan." Aakma pa sana siyang lalapit kay Lux pero napigil ko siya.
"Pwede ba!? Tumigil ka na!!" Nanggigil ako at nasigawan ko siya ng wala sa oras.
Napansin ko sa likuran niya sila direk na mukhang nagtaka sa ikinilos ko. Pati yung mga staffs. Lahat sila nagulat.
"Ganyan? Isasagot mo sakin pagkatapos kitang iligtas dun sa hayop na 'yun?" Wika niya. Nanggilir ang mga luha sa mata niya at namula siya ng todo.
Alam kong galit siya. Pero mas galit ako. "Tapos siya pa talaga yung nagawa mong tulungan? Nasaan ang utak mo jewel?!"
"Bakit?! Ginusto ko ba?! Ginusto ko ba yung mga nangyari kanina?" Singhal ko. Wala siyang karapatang sigawan ako. Kung noon mahina ako at takot sa kaniya, ngayon ay ako naman ang manunumbat.
Sawang-sawa na ako sa mga ganyang gawain niya sakin. Sawa na kong mapahiya sa harap ng maraming tao. "What is happening?" Tanong ni direk.
Hinila niya ko palabas ng resort. "Huwag niyo na po silang sundan. Hayaan niyo po silang mag-usap." Narinig kong sabi ni jaehyun bago kami makalabas.
BINABASA MO ANG
He Who fell in love with me |COMPLETED
FanfictionHighest Rank: #1 on Istillloveyou Sequel of He Who Fell In Love With A Fangirl I LEFT HIM Oo ganyan ko kase siya kamahal. Kahit masakit para sakin, wala eh. Kailangan ko pa ding gawin. Natakot lang naman ako na baka dumating yung araw na, araw na k...