Epilogue

1.9K 37 4
                                    

"Wifey ko, gising na." Minulat ko dahan-dahan ang mga mata ko at tumambad ang makinis at maputing nukha ni taeyong. Nginitian ko lang siya. Ayoko nga magsalita! Baka mamaya maamoy niya yung hininga ko na mabaho.

Hindi pa kase ako nagmumumog.

Nagtakip ako ng unan sa mukha. Naisip ko na baka may muta pa ko sa mata. Tinanggal niya yung unan sa mukha ko kaya napa-pout ako.

"Wag ka na magtakip. Kahit may muta ka pa at panis na laway, maganda--" Napabalikwas ako sa pag-upo.

"May.... May panis na laway ako?!" Kinapa ko yung gilid ng pisngi ko. "Wala naman eh! Niloloko mo ako!" Naiinis kong sabi.

"Joke lang yun. Bakit naglalaway ka ba?" Iniwan ko siyang mag-isa na natawa at dumiretso ako ng Cr para maghilamos.

Nang makalabas ako ay wala na siya sa kama. Nakaamoy ako ng mabangong pagkain kaya lumabas ako ng kwarto. Nang makita ko yung sala ay nagbalik lahat ng alaala ko, 5 years ago.

Dito nagsimula lahat, lahat ng saya, sakit, kalungkutan, at pagmamahal. Napangiti ako habang tinatanaw silang nababa ng hagdan isa-isa.

"Noona!!" Narininig kong tawag sakin ni jisung, ang pinakabatang member nila. Grabe. Ang laki na din ng ipinagbago niya, he's really a man now!

Niyakap niya ko ng mahigpit. "I miss you Noona!!" Masaya niyang sabi. Kasunod ng pagyakap din nila chenle, mark, jeno, jaemin pati yung iba.

Dinala nila ako sa dining room ng dorm. Mas malaki na ito kaysa dati. Eh 18 members na kaya sila. Malamang ay mas madami na itong kwarto.

4th floor house storey na ito ngayon. Samantalang noon, 2nd floor lang. Saka sama-sama na sila sa iisang dorm. "Paupuin niyo ang reyna!" Wika nila doyoung at winwin. Natatawa naman akong umupo.

Pakiramdam ko tuloy, prinsesa na talaga ako. "Sila Taeyong, taeil, haechan at mark ang nagluto ng agahan natin!" -lucas.

Dalawang mahabang lamesa ang inupuan namin. "Ang cute ni Lucas no?" Puna ko habang nakain. Inaagawan kase ni Lucas sila Jungwoo at winwin ng ulam gayong marami naman sa harap niyang naka serve.

Sila lucas, Jungwoo, at kun ang baging miyembro ng NCT. Noong naging p.a nila ko 5 years ago, they're only 15 pero nadagdag yung tatlo kaya 18 na sila.

"Jewel. Magseselos niyan si Tanda!" Sigaw ni doyoung. Kasabay nito ang malakas na tawanan sa buong dorm. Nakakatuwa, hindi ko akalaing magbabalik ako sa lugar na ito.

Sinamaan lang ng tingin ni taeyong si doyoung. "Ako lang naman yung pinakagwapo sa paningin niya kaya wag ka na mangasar."

"Kamusta na pala jewel? It's been 5 years." Tanong ni ten na katapat ko ngayon. Mas lalo siyang gumwapo pero maliit pa din. Napag-iwanan na.

(Sorry sa mga ten stans diyan peace!)

"Okay naman Ten. Ikaw ba?" Masaya kong tanong.

"Okay din. Mas lalong pumogi." Sabay-sabay silang nagsiubuhan sa sinabi ni ten. Grabe ang supportive nila diba?

Wala nga pala dito si Jaehyun ngayon. Nagpaiwan sila kahapon. Yes, umalis din kaagad kami kahapon patungo dito sa Korea dahil aayusin na daw ni taeyong ang kasal namin. Atat lang?

Hindi pa ko legally na citizen dito sa Korea dahil sa deportation ko noon. Kaya inaasikaso na ni taeyong ang nga papeles para makapagpakasal na kami at maregister na ang citizenship ko dito para di na ko pabalikin sa pilipinas.

"Haechan! kami naghugas kagabi! Ikaw naman ngayon." Reklamo nila jeno at chenle.

"Hoy? Anong ako?! Nagluto ako ngayon!" Nagsimula na ang bangayan sa magkabilang lamesa. Hindi naman sila galit, mukhang nag-aasaran lang.

He Who fell in love with me |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon