Ramdam ko ang pag-angat sakin patayo ng guard. Kaso medyo nahirapan ako dahil nga sa padapa akong bumagsak.
"Ikaw kase, kung sumama ka na lang kanina, hindi ka pa nahirapan. Tsk tsk. Mga baliw talaga sa koreano.." Ani ni kuyang guard.
"Stop." May narinig akong pamilyar na boses. Unti-unting lumalapit ang yapak ng dalawang paa palapit sakin.
"P-po?" Nag-aalanganing tanong ni kuya.
"Sabi ko itigil mo na yan. Tanggalin mo yang posas sa kamay niya." Wika ng may-ari ng pamilyar na boses. Naramdaman ko ang pagkalas ng posas sa dalawang kamay ko sa likod.
Sinubukan kong tumayo pero nabigo ako. Sobrang nanginginig na ang buong katawan ko. Kaya napaupo na lang ako.
"S-sigurado po kayo?" Tanong ng guard.
"Yes."
Narinig ko ang pagdating ng maraming tao kahit nakayuko ako.
"TY!!?"
Nabuhay ang sistema ko ng marinig ko ang dalawang letra na binigkas ng sinuman. Umiyak ako dahil sa saya ko.
Siya ba yung nasa harap ko ngayon?
Hindi pwede.
May daliring humawak sa baba ko at unti-unti nitong iniangat ang mukha ko.
I see him again.
Akala ko hindi ko na siya makikita pa.
Lalong umagos ang luha sa mata ko ng makita ko ulit ang mukha niya. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang hinlalaki niyang daliri.
"I-i..." Kinakabahan kong sabi. Hindi ko masabi kung ano ba dapat ang sasabihin ko.
Hindi siya kumikibo. Marahil ay hinihintay niya kung anuman ang bibigkasin ng bibig ko.
"Taeyong! Aalis na tayo!" Nabaling ko ang tingin ko sa mga lalaking nasa likod niya.
"We have to go! Male-late na tayo sa flight natin!" Sigaw ng lalaki na marahil ay staff nila. Nilingon ito ni taeyong sabay baling ulit sakin.
Ngumiti siya. Pagkatapos ay tumayo at tinalikuran ako. Kaagad akong napakapit sa laylayan ng pantalon niya kaya napatigil siya sa akmang paghakbang.
Nakatigil lang siya pero ni hindi niya ko nililingon. Nagulat ako ng may humawi sa kamay ko para mabitawan siya. Pagtingin ko ay mga guards na pala.
"Teka!!" Sigaw ko. Napansin ko ang unti-unting paglakad ni taeyong palayo sakin.
Hindi.
"I Still Love you Taeyong!"
Pilit kong isinigaw iyon. Natigil lahat ng tao sa buong paligid. Kahit si taeyong, natigilan sa paglalakad niya.
Hinila nila ako palayo kay taeyong. "Kailangan ko siya makausap!!" Pagmamakaawa ko.
"Taeyong!!" Sigaw ko.
May lumapit kay taeyong at inalalayan siyang makalapit sa pintuan kung saan siya daraan patungo sa eroplano.
"Taeyong!!"
Pero hindi pa din siya tumitingin. Unti-unti na kong inilalayo sa kaniya.
"Taeyong!!"
Mahal na mahal ko siya.
I can't lose him again.
How do i live Without him?
"Miss. Pakitikom nga po ng bibig niyo!!" Pinagalitan ako ng lalaking naka-formal na damit.
Pero hindi ako nakinig. Patuloy ko pa ding isinigaw ang pangalan niya. Ganito na ba 'yun? Ganito na ba yung kapalit ng mga ginawa ko?
BINABASA MO ANG
He Who fell in love with me |COMPLETED
FanficHighest Rank: #1 on Istillloveyou Sequel of He Who Fell In Love With A Fangirl I LEFT HIM Oo ganyan ko kase siya kamahal. Kahit masakit para sakin, wala eh. Kailangan ko pa ding gawin. Natakot lang naman ako na baka dumating yung araw na, araw na k...