Roxanne's p.o.v
Aish! Ang tagal naman kaseng bumaba ni jewel! Kanina pa ko nakatunganga dito at nag-aantay sa anino niya na makitang lumabas mula sa elevator.
Parang gusto kong tumakbo sa kung saan dahil sa sobrang naiinip na ko. Akalain niyo ba namang 2 oras na kong nag-aantay dito sa lobby?
Ayoko namang umuwi ng mag-isa dahil walang manlilibre sakin eh haha. Ililibre na naman kase ako ni jewel ng ice cream dun sa ministop malapit sa terminal pauwi samin.
Tumayo ako at naglakad patungo ng elevator. Doon ako sumandal sa pader na katapat nito. Nakailan na ang lumabas mula rito pero wala pa din si jewel. Grr. Nangigigil ako sa babaitang yun. Naku! Baka mamaya eh malaman ko na Lang na sila na pala ulit ni taeyong! Oww. Isang masayang balita iyon kung sakali. Gusto ko talaga si jewel para kay taeyong. They would be a perfect couple kung sakali.
Siguro kung hindi siya iniwan ni jewel noon? Masaya pa rin sila hanggang ngayon. Siguro ay nasa korea pa din sila at baka mamaya ay may lima na silang anak! Nako.
Kapag ikinasal sila, gusto ko na ako ang bridesmaid niya tapos si jaehyun yung best man ko ♡-♡
"Hello jewel!" Sumigaw ako sa line.
"Aray! Nakakabingi ka!" Reklamo niya. "Ang tagal mo kaya! Bwiset! Kanina pa ko nag-aantay dito!"
"Eto na nga! Pababa na ko! Sasakay na ko ng elevator." Umalis naman ako sa pagkakasandal ko sa pader at tumapat sa pinto ng elevator. Sasakalin ko talaga yun pagbukas neto!
Tinignan ko naman yung taas ng pinto ng elevator.
5..
4..
3..
2..
1..
Ting!
Tinakbo ko ito kaagad papasok. Hinawakan ko siya sa leeg at niyugyog. "Hey! Fuck! Get your hell ass out of me!" Parang narindi ako sa narinig ko. Ohmayghad!
Dahan-dahan kong tinanggal ang mga kamay ko sa kaniya. Tiningala ko ito at halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko. "J... jaehyun.." halos magkandautal-utal ang boses ko habang binabanggit ang pangalan niya.
Tinulak niya ko palabas ng elevator. Napasandal ako sa pader. Halata sa mukha niya ang halo-halong emosyon. Potakte! Ang ganda ng first appearance ko sa kaniya no? Pamatay!
"What the fuck did you do to me?'' Inis na tanong niya. Hawak niya pa ang leeg niya na mukha ngang namumula na dahil sa ginawa ko. Napansin ko din sa sahig yung mga nagkalat na burloloy na galing sa leeg niya. Ohmayghad. Nasira ko pa ata yung kwintas niya!
"A.... sorry. Akala ko kase--"
"Roxanne!" Sabay kaming napatingin sa babaeng sumigaw na unti-unting papalapit sa direksyon namin. Napahawak na lang ko sa noo ko at umiling-iling. Hayst. Buti nalang at dumating si jewel. Oh, I'm saved!
"Roxanne! Oh jaehyun... anong ginagawa mo dito?" Napatanong siya kay jaehyun na katapat ko ngayon. "I'm just going outside to have a coffee break and this girl beside me just broke my mood. Kaya aakyat na lang ako ulit."
"Uhm... h-hindi ko kase alam na hindi pala ikaw yung nakasakay dun sa elevator eh." Pangangatwiran ko. Nakakahiya! Jusme! Kung pwede lang na magpakain na ko sa pader na nandito.
Pumamewang si jaehyun at umigting ang panga neto. Shet ♡-♡ ang pogi niya talaga! Anytime ngayon ay pwede na kong mahimatay dahil sa kilig. This human creature is killing me with just a glare. Or let me say, death glare pala. Galit nga pala siya sakin.
BINABASA MO ANG
He Who fell in love with me |COMPLETED
FanfictionHighest Rank: #1 on Istillloveyou Sequel of He Who Fell In Love With A Fangirl I LEFT HIM Oo ganyan ko kase siya kamahal. Kahit masakit para sakin, wala eh. Kailangan ko pa ding gawin. Natakot lang naman ako na baka dumating yung araw na, araw na k...