"Gumising ka na jewel!!" Nagmimistulang alarm clock ko ang isang 'to araw-araw. Kung makagising kase parang bingi naman ang ginigising. Yung sigaw niya, abot hanggang kabilang kanto.
"Eto na nga! Pwede bang hina-hinaan mo yang pagsigaw mo?" Panenermon ko.
"Sorry na. Excited na kase ako eh. Trip to boracay!" Kakasabi ko lang na wag sumigaw.
-___-
"Hindi ka na ata natulog eh." Wika ko.
"Anong hindi? Natulog ako ah! Mga 2 hours." Proud pa niyang sabi.
"Mag-ayos ka na pala ng maleta mo, mamaya maiwan tayo sa ating flight to boracay!!" Nag-hand gesture pa siya na akala mo ay nasayaw ng ballet. Baliw talaga.
"Eh ikaw?" Tanong ko.
"Ayos na kagabi pa! Ikaw kase, patulog-tulog sa kangkungan!"
pinaikutan ko siya ng mata ko. "Hindi mo kase ako katulad. Di naman ako atat na pumunta sa boracay." I said while preparing my clothes.
"Oo na, ako na ang atat." Malungkot niyang sabi. Sus! Napakapabebe pa!
"Sige. Maliligo muna ko." Aniya habang papasok sa c.r
Binuksan ko yung aparador ko at kumuha ng mga damit. Kumuha ako ng apat na jeans at tatlong blouse. Hinila ko yung drawer ko ng mga panty at medyas.
Endure the last 2 weeks jewel.
Napangiti ako ng mapait. Oo, meron na lang silang 1 week and 2 days na pamamalagi dito sa pilipinas. After it, isang masayang alaala na lang ulit ang lahat. Hindi ko na ulit alam kung kailan pa ulit kami magkikita nila jaehyun.
Madadagdagan na naman ang mga memories ko sa kanila.
Pero sana bago man sila umalis, malaman ko kung bakit ganoon makitungo sakin si taeyong. Saka, sana magkaayos na rin kaming dalawa. Okay na ko sa kaibigan. Atleast, yung dati kong boyfriend ay kaibigan ko ngayon.
Siguro may point si TY. I believe in a saying na, everything has a reason. So maybe kaya ganoon makitungo si taeyong ay dahil galit siya sakin.
Or baka umiiwas lang siya dahil kay Lux?
Napailing na lang ako sa pinag-iisip ko. Kinuha ko yung medyas ko na nasa pinakailalim-laliman ng drawer ko ng may makapa akong matigas na bagay.
Nangunot ang noo ko. Wala akong natatandaan na nilagay dito. Baka si roxanne. Pero baka meron nga akong nilagay. It's been a month simula nung huli kong tiklop at ayos dito eh.
Hinila ko at inilagay sa kutson yung lagayan. Tinanggal ko lahat ng medyas ko at panty na nakalagay dito.
Nanlaki yung dalawang mata ko ng makita ko kung ano yung matigas na bagay na nahawakan ko. "T-tinapon ko na 'to ah?" Wika ko na may kasamang pagtataka .
I hold the necklace with care as i observed it's design.
May basag nang bahagi ng kwintas. Kinakalawang na rin ang ibang bahagi nito.
Sa pagkakaalam ko, itinapon ko na ito. 1 week after ko makauwi galing ng Korea. Eto yung jewel necklace na iniregalo sakin ni taeyong noong 18th bithday at debut kuno ko sa studio nila.
"Jew--"
Napalingon kaagad ako kay roxanne ng magsalita ito. Nakatingin siya sa hawak kong kwintas. "Ikaw ba yung naglagay nito sa drawer ko?"
Dahan-dahan siyang tumango. "Diba itinapon ko na ito?!" Tumaas ang tono ng boses ko. Wag niyang sabihin na kinalkal niya pa ito sa basurahan?
"I..... i pick it up from..... the bin. Sayang kas--"
BINABASA MO ANG
He Who fell in love with me |COMPLETED
FanfictionHighest Rank: #1 on Istillloveyou Sequel of He Who Fell In Love With A Fangirl I LEFT HIM Oo ganyan ko kase siya kamahal. Kahit masakit para sakin, wala eh. Kailangan ko pa ding gawin. Natakot lang naman ako na baka dumating yung araw na, araw na k...