chapter 19

1.1K 20 12
                                    

"Dali jewel!" Hinila ako ng mabilisan ni roxanne papunta sa harap ng stage. "Teka"

Magsisimula na kaseng mag-perform ang NCT ng latest nilang mv. Dito kami pumwesto sa may bandang harap. Libre kami dito dahil kasama naman kami ng staffs at saka nila direk eh.

Umupo sa gilid sina anne, vice, vhong at yung iba pang hosts.

"Omo... ang wafu ni jaehyun." Ani roxanne. Naririndi na ko sa babaitang 'to. Wala nang bukangbibig kundi si jaehyun, jaehyun, jung yoon oh, casper. Ano pa ba ang ibang pangalan ni jaehyun?

Wala na siyang binabanggit pag-uwi, jaehyun. Paggising, jaehyun pa din. Masyado siyang umaasa. Hindi naman porket ganoon ang nangyari sakin dati, na na-inlove sakin si jaehyun at taeyong kahit personal assistant lang ako, ay pwede na ding ma-inlove si jaehyun kay roxanne.

Baka masaktan lang siya sa huli.

Nang magsimula yung tugtog ay lumakas ang sigawan, tilian, at marami pa. Di ko na nga marinig yung tugtog eh. Mga bunganga lang nila ang naririnig ko  (- _ -)

neowa nan zero mile
Girl you’re just mine mine
neowa nan zero mile
(Girl you don’t mind,
You don’t mind at all)

I feel the beat up all night
jigeum urin machi geojitmal gata
We don’t speak that’s all right
modeun geol da neukkil suga itjana

"Go jaehyun!!" Todo cheer si roxanne. Nakatitig lang ako dito na patuloy pa din sa pagtili at pagsigaw.

Napansin ko naman si Lux sa likod ng backstage na nakatingin pala sakin. May isinesenyas ito. Hindi ko naman maintindihan.

May itinuturo ito sa likod niya. Napakunot tuloy yung noo ko. 'I have a call' yan lang yung naintindihan ko na sinenyas niya. Tumango lang ako at sinenyasahan siya na 'go ahead'

Itinuon ko lang ang tingin ko sa NCT. "Shet!! Taeyong buntisin mo ko!!!" Nagulat kaming dalawa ni roxanne nang may sumigaw nang ganoon. Napalingon kami sa may bandang likuran sa taas. Pataas kase yung style ng studio nito.

"Buntisin daw oh? Ano resbakan na natin?" Hinampas ko siya ng bahagya sa braso nito. 
"Para kang ewan diyan. Kala mo naman mabubuntis yan ni taeyong, mapansin nga lang hindi magawa eh. Buntisin pa!" Awtomatikong nagdaldal ang bunganga ko.

"Hala! Ikaw ah!!" Pangangasar niya. "bakit? Ikaw lang ba yung bubuntisin ni taeyong?" Dagdag niya pa.

"Wala akong sinabi!" Pagtanggi ko. Eh nakakainis kase yung babae! Andaming pwede sabihin yun pang 'buntisin' ew. Hindi na ba siya nahiya?

"Sus. Kahit hindi mo sabihin, alam kong nagagalit ka dun sa babae. Ikaw jewel ah." Patuloy pa din siya sa pangungutya.

"Hoy. Fyi, wala akong sinabi. At first of all, hindi ko na pag-aari pa si taeyong para kainisan ko sila."

"Eh ano naman? Malamang tanga ka!" Parang nanakit ng bahagya ang dibdib ko sa sinabi niya.

'Tanga'

Limang letra, isang salita. Pero parang milyon-milyon ang epekto sakin. Ganoon nga ba ako katanga kaya iniwan ko siya? Well, hindi ko naman pinagsisihan iyon.

Napasabunot ako.

Ilang beses ko bang sasabihin sa sarili ko na hindi ako tanga. Hindi ko siya iniwan dahil tanga ako. Iniwan ko siya dahil para naman iyon sa kapakanan naming dalawa. Kung hindi ko siya iniwan, mararating ba nila yung meron sila ngayon? Siya pa kaya ang leader ng NCT 127? Buo pa kaya ang grupo nila? Marami pa kaya silang fans?

He Who fell in love with me |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon