Sobrang tahimik. Halos walang nagsasalita saming tatlo. Ako, si lux, at si roxanne. Wala din naman siguro akong dapat sabihin kay lux eh. Isinandal ko ang ulo ko sa salamin at pinagmasdan ang mga naglalakihang gusali ng maynila. Masarap magmaneho si lux ng sasakyan. Hindi kase siya kaskasero.
"This time, hindi na ko papayag na hindi ka mapasakin."
Parang nabibingi ako kapag naaalala ko yung sinabi ni lux kagabi. Wala ba kong choice kapag ganun? So kahit ayaw ko eh wala na kong magagawa para pa talikuran siya? Kase sa kaniya din naman ako mapupunta? Ganoon ba yung ibig sabihin ng sinabi niya kagabi?
Ayoko talaga ang ganoon eh. Yung masasaktan ko yung tao dahil lang sa hindi kami parehas ng nararamdaman, katulad na lang dati kay ten. Nasasaktan din ako nung nakita ko siyang umiiyak. Masakit kase para sakin na makita siyang ganoon dahil sakin.
Ayoko din namang makita si lux na umiiyak dahil sa babastedin ko na naman siya. Sinabihan ko na siya noon na hindi na hihigit pa sa pagkakaibigan ang pagtingin ko sa kaniya.
"Kamusta pala yung date niyo kagabi?" Pagbasag ni roxanne sa katahimikan. "It's okay. Nag-enjoy nga si jewel. right jewel?"
"Uh... o-oo! Thank you pala ulit doon ha?" Sumang-ayon na lang ako katulad ng ginawa ko kagabi. Sinabi ko kay lux na sobrang nag-enjoy ako sa date namin. Kahit ang totoo nama'y hindi. I feel uncomfortable last night.
I want to be honest to myself. Yung lahat ng dates namin ni lux? Walang binatbat sa unang beses na isinama ako ni taeyong sa park noong gabi na nag-confess siya sakin. Ganun ba talaga kalakas si taeyong sakin noon kaya hanggang ngayon ay hindi ko iyon makalimutan?
The most unforgettable night of my life.
Nakakainis na andaming tanong sa utak ko ngayon. Hindi ako mapakali. Araw-araw, palaging ganito yung utak ko. Minsan wala pa sa sarili ako na natutulala.
"Jewel?" Napabalikwas ako ng paglabas sa sasakyan. Ayan na naman ako, binuksan na pala ni lux yung pinto tapos ako nakatitig pa din sa kawalan.
"I'm sorry." Siniko ako ni roxanne.
Lumapit sakin si lux. Naramdaman ko naman ang paglayo ni roxanne mula sa tabi ko. Napalunok ako ng laway ko dahil sa sobrang lapit ng mukha ni lux sakin. "Are you okay?" Tanong niya.
"Yeah. Bakit?"
"You look not. Baka masama yang pakiramdam mo, ako na ang magsasabi sa kanila na mag-leave ka muna."
"Hindi! Okay ako at wala akong sakit. Sige papasok na kami." Tinalikuran ko na siya. Hinila ko na si roxanne papasok ng hotel.
"Ayiee!!!! Ang sweet sayo ni lux!" Sigaw niya ng makapasok kami sa elevator. Binatukan ko nga. -_-
"Aray!"
"Anong sweet dun? Tss wala ka pa kaseng nakaka-date kaya akala mo sweet yun." Inirapan ko siya. "Ang sama mo naman. Syempre, hindi pa ngayon. Busy pa si jaehyun ko eh."
"Tss. Day dream again. Itigil mo nga yan naiinis ako." Ayoko talaga yung nagde-daydream nakakainis kase. Basta naiinis ako sa ganun.
"Eh bakit ba kase hindi mo nagustuhan yunh date niyo? Baka naman kase si taeyong yung gusto mong ka-date." Napabalikwas ako dahil kiniliti niya ko sa tagiliran ko.
"Ano ba!"
"Galit agad. Meron ka ba?"
"Meron!"
Sakto pa namang meron ako ngayon tapos ginagalit pa ko ng babaitang 'to. Sarap pektusan eh. Binuksan ko yung pinto. Hindi na kami kumakatok ni roxx. Sabi kase nila jaehyun.
BINABASA MO ANG
He Who fell in love with me |COMPLETED
FanfictionHighest Rank: #1 on Istillloveyou Sequel of He Who Fell In Love With A Fangirl I LEFT HIM Oo ganyan ko kase siya kamahal. Kahit masakit para sakin, wala eh. Kailangan ko pa ding gawin. Natakot lang naman ako na baka dumating yung araw na, araw na k...