chapter 18

1.1K 35 3
                                    

Jewel's p.o.v

Natahimik ang kaming lahat habang nakatitig kina jaehyun at roxanne na magkayakap. Saktong pagbukas ng pinto ni doyoung ay sila kaagad ang nakita namin. How that happened? Nagkamabutihan na ba silang dalawa?

"Hindi mo na pala kailangang hanapin doyoung." Ani johnny. Inutusan kase ni taeil na hanapin ni doyoung sila jaehyun dahil siya na lang ang hindi nalalagyan ng make-up sa mukha.

Kumalas naman ang dalawa mula sa mahigpit nitong pagyayakapan kanina. Pumasok lang ng walang sinasabi sila jaehyun, ni si roxanne. Tuloy-tuloy ang lakad nila papunta sa couch.

Silence.

Silence.

"San kayo galing?" Tanong ni doyoung.

"Ayiee!! Nagseselos si doyoung oh!" Asar na naman ni winwin. "Lul! Anong nagseselos? Ano bang gusto mong itanong ko?" Bumusangot naman si winwin at pinagkrus ang mga braso nito.

"Aminin mo na lang kase." Ani winwin.

"Sa labas lang. Diba sabi niyo, samahan ko si jaehyun?" Sabat ni roxanne.

"Ang tagal niyo kase jaehyun. Kanina ka pa hinahanap ni Ms. Rose." -yuta.

Si Ms. Rose ang bago nilang make-up artist. Hindi ko pa natanong kung bakit hindi na si ms. ayah ang make-up artist nila.

"Okay lang. Nakapahinga naman ako ng kaunti eh." Wika ni Ms. Rose, mukha naman siyang mabait. Never ko pa kaseng nakausap itong si ms. Rose.

Mas focus kase kami ni roxanne sa mga gawaing bahay sa hotel unit nila taeyong. Kung assistant pa rin pala ako, siguro ay naka-usap ko na ng ilang beses itong si Ms. Rose. Mas maganda siya ng kaunti kay ms. Ayah, pero mas matangkad si ms. Ayah at mas sexy.

Kasalukuyang inaayusan ni ms. Rose si jaehyun ng biglang dumating si direk at yung assistant niya. "10 minutes before the rehearsal." Aniya. Nagsitayo kami at inayos ang mga kalat sa loob ng dressing room.

"Sige po direk. Maraming salamat po." Ako na ang sumagot dahil nataranta na sila mark sa pag-aayos. "Maraming salamat pala jewel." Nagulat ako sa sinabi ni direk.

"Po?" Hinawakan ako ni direk sa batok.

"Thank you. Alam mo kase itong pagsama niyo sa NCT. Hindi na kase ito part ng trabaho niyo, pero ginagawa niyo pa din." Nakangiti niya pang sabi.

"Wala po yun direk. Masaya po ako sa trabaho ko."

"Mahirap kase talaga ang trabaho niyo. Yung ipagluluto niyo sila araw-araw, eh ilan sila. Siyam diba? Buti at napag-titiisan niyo."

"Kaya naman po."

"Sige. Wag kayong mag-alala, 2 weeks na lang at aalis na din naman yang mga yan." Parang hindi ako natuwa sa sinabi ni director josh. Yung sinabi niya na 2 weeks na lang naman, ba't parang ang laki ng epekto sakin? Ba't parang imbes na maging masaya ako, mas nangingibabaw yung kalungkutan ko?

"Pakisabi na lang na aalis na ko."

"O-opo direk. Salamat po."

"Hoy. Okay ka lang?" Inakbayan ako ni roxanne. "Ba't ako ang tinatanong mo huh? Dapat nga't ikaw ang tanungin ko kung bakit kayo magkayakap ni jaehyun kanina." Kiniliti ko siya sa bewang. Alam na alam ko kase ang kahinaan nito.

"Oy! W-wala yun.....!!" Pagpigil niya sakin.

"Wala daw? Asus! Kaya pala magkayakap kayo. Grabe ka talaga ah."

"Wala yun."

"bakit nga ba kayo magkayakap?"
"Ah... wala, ako naman yung yumakap sa kaniya. Natuwa lang ako kase pumayag siya na maging magkaibigan na kami." Paliwanag ni roxanne. Natigil kaming dalawa ng sumabat si doyoung.

He Who fell in love with me |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon