Chapter 35

1.1K 22 2
                                    

Pagkatapos 'nun ay nagyaya na si roxanne na gagala muna kaming dalawa. Tutal wala na din naman kaming pasok kila taeyong. Kahapon na yung huli naming pasok bilang katulong sa kanila.

Napabuntong-hininga ako.

Tapos na.

Tapos na lahat.

Wala na kong iisipin pa.

Pagkatapos nito, magiging mas tahimik na ang mga buhay namin. Ako, si roxanne at sila jaehyun. Masaya nila kaming iiwan dito.

Pero ba't ganun? Binabagabak ako ng sarili ko. Parang hindi ako kuntento sa kung anong napag-usapan namin ni taeyong kagabi.

"

Ingat kayo Jewel!! Oy punta kayo bukas ha! Backstage entrance pa namin kayo!!" Sigaw nila doyoung at winwin.

"Oo!!" Nakipag-sigawan din si roxanne. Tinapik ko siya sa balikat. Rinig na rinig naman kase sa hallway yung boses niya.

Dumiretso kami ng SM. Balak daw niyang mamili ng damit para bukas. Mas mukha pa nga siyang excited kesa kila taeyong eh.

"Beshie. Okay na ba 'to?" Ipinakita niya sakin yung dress na kulay pula.

Maganda naman ang hubog ng katawan ni roxanne kaya siguradong babagay ang bestida na hawak niya sa kaniya.

"O-oo. Pwede na yan." Sagot ko.

"Sure ka?"

"Oo nga. Paulit-ulit ka."

Akala ko ay tapos na siya bumili. Hindi pa pala. Naghanap pa siya ng high heels. Aba tinalo talaga sila taeyong! Kala mo talaga may aapakan siyang red carpet doon.

"Wala ka na bang bibilhin?" Tanong ko.

"Wala na." Pagkasabi niya ay dumiretso kaagad ako ng counter at pumila. "Jewel!" Sigaw niya.

"Bakit?" Hinihingal siyang lumapit sakin. "Wala ka bang bibilhin? Sayang naman nandito na tayo sa department store." Wika niya.

Umiling lang ako. "Sure ka? Eh anong isusuot mo bukas? Don't tell me na hindi ka pupunta!"

"Hindi naman ako importante doon eh. Kahit wala ako, magagawa pa din nilang makapag-concert." Walang gana kong sabi.

Eh para san pa ba na nandoon ako? Ayokong mas lalo pang maging malungkot dahil makikita ko sila bukas ng gabi na aalis na. Parang noon, gustong-gusto ko silang itanpy, pero ngayon; ba't ang gulo ng utak ko?

"Grabe ka naman. Wala ka man lang bang support sa kanila?" Napalingon ako sa kaniya.

"Hindi mo kase ako naiintindihan roxanne." Wala sa sarili kong sabi sa kaniya. Ayoko munanh makipagtalo sa kaniya.

Hanggang ngayon ay naguguluhan ako at nalilito sa sarili ko. Sarili ko maman ito, pero bakit hindi ko alam kung anong gusto ko?

Buti nga't hindi na siya umimik pa. Hindi talaga ako pupunta bukas. Hindi ko kaya eh. Siguro nga, pinagtagpo lang kami ni taeyong noon para maranasan namin parehas na maging masaya kahit sa panandalian lang na panahon.

Nagpapasalamat pa din ako sa tadhana dahil naranasan ko ang mahalin ng isang katulad niya. Milyon-milyong babae ang naghahangad sa kaniya.

Pero sa dinami 'nun, ako ang bukod tanging napagtuunan niya ng pansin. Sobrang swerte ko talaga.

"Tara Jewel. Kain tayo dito sa Korean Resto. Libre na kita." Aniya ng matapat kami sa isang korean Resto dito sa loob ng mall.

"Sige." tipid kong sagot. Pumasok kami doon at naghanap ng bakanteng upuan.

He Who fell in love with me |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon