Nagbayad ako kaagad kay kuya at lumabas ako ng taxi. Nakipagbanggaan ako at nakipagsiksikan para makalapit sa main entrance."San siya pupunta?"
"Bakit papasok pa lang siya?"
Nang makarating ako sa entrance ay hinarang ako ng tatlong guard. "San ka neng?"
"Kuya please. May access po ako. Kailangan ko po makapasok sa loob." Pagmamakaawa ko.
"Nasan ang access mo miss?" Tanong nung isa.
"Personal maid po nila ako. Saka, saka kasama po ako. Hindi lang po ako nakapunta ng maaga." Pero ayaw nilang pumayag. "Kuya please naman po." Nagsimula na kong pagtinginan ng ibang NCTzen na nagsisilabasan.
"Hindi talaga pwede." Napaiyak na lang ako. Hindi ko na alam yung gagawin ko eh. Bigla kong naisip ang back door. Pwedeng doon sila dumaan palabas!
Tumakbo ako patungo doon. May mga nasalubong akong mga grandia na sasakyan na galing doon pero di ko na lang pinansin. nadatnan ko si roxanne na palabas na.
"Roxanne!" Sumigaw ako ng sobrang lakas.
Nakakunot ang noo niya habang papalapit sakin. Mukhang malungkot siya. "Roxanne!" Hinihingal ko sabi.
"A-anong ginagawa mo dito?" Gulat niyang tanong. "Nasan sila? Nasaan sila taeyong?!" Sunod-sunod kong tanong.
Sobrang natataranta ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. "Teka! Kumalma ka!" Wika niya.
"Hindi!! Nasaan sila?!" Naiiyak kong sabi. Nahsisimula na din akong magwala.
"Ano bang nangyayari sayo?!" Medyo naiinis na siya.
"Sabihin mo kung nasaan sila!!" Humagulgol ako.
"Papuntang airport na sila. bakit?" Parang tumigil yung mundo ko.
Huli na.
Ang tanga ko sobra.
Napatulala ako at parang napako ang paa ko. Pinunta ako ng mga paa ko sa gilid ng kalsada. Napaupo ako at dahan-dahang tumulo ang luha ko.
Isang Buwan.
Isang Buwan ang nakalipas.
Pero ano yung ginawa ko?
Imbes na tanggapin ko siya, itinaboy ko pa siya palayo.
Napansin ko si roxanne na unti-unting tumatakbo palayo sakin. Napatingala ako sa langit. Punong-puno ng mga bituin na kumikislap.
"Beshie???!" Nabalik ako sa huwisyo at napatingin kay roxanne.
"Habulin natin sila!" Pinilit niya kong itinayo.
Anong nangyayari?
May isang taxi sa gilid namin. Isinakay niya ko doon at kaagad na sumakay din siya. "Manong, sa terminal 2 po. NAIA. Manong yung pinakamabilis niyo na. Parang awa niyo na po." Wika ni Roxanne.
Patuloy lang ako sa pag-iyak. "H-hindi mo naman na 'to kailangang gawin beshie." Ani ko.
"Anong hindi? Kung hindi natin sila hahabulin, paano ka na? Paano na kayo ni taeyong?" Hinawakan niya ko sa magkabilang pisngi ko.
"Di ako papayag beshie. Beshie kita diba? Saka nangako ako kila tita noong nasa ospital pa tayo, gagawin ko lahat maging masaya lang ang best friend ko."
Lalo akong napaiyak. Niyakap ko siya at humagulgol ako sa balikat niya. "Paano kung hindi na natin sila maabutan? Paano kapag--"
"Maabutan natin sila."
BINABASA MO ANG
He Who fell in love with me |COMPLETED
FanfictionHighest Rank: #1 on Istillloveyou Sequel of He Who Fell In Love With A Fangirl I LEFT HIM Oo ganyan ko kase siya kamahal. Kahit masakit para sakin, wala eh. Kailangan ko pa ding gawin. Natakot lang naman ako na baka dumating yung araw na, araw na k...