"Jewel. Gising na!" Inalog-alog niya yung braso ko. Hindi ko naman na sinamaan ng tingin kase okay na din yung ganito, at least di ako late. Bumangon ako at tiniklop ang kumot at itinayo ang kutson sa gilid. Hobby na ni roxanne ang iwan ako tuwing umaga.
Siya kase ang naglalatag kapag gabi tapos ako naman ang magtitiklop nito tuwing umaga. Pumunta ako sa maliit na lamesa ng aming kwarto ni roxanne at inalis sa paper bag ang binili kong damit kagabi. Kinuha ko yung kabayo at plantsa.
Nagplantsa ako ng blouse at palda. Nilinisan ko yung black shoes ko. Pagkatapos ay naligo na ako.
After ko maligo ay nagsuklay ako at nagbraid ng buhok. Tinirintas ko ito ng isang buo at nag eye-liner. Konting foundation at okay na. Ngayon ko palang ginawa ito. Oo hindi talaga ako nagme-make up. Syempre unknown visitors ang makakaharap ko mamaya. Alangan namang humarap ako sa kanila na mukhang pulubi.
Pagkatapos ay naglipstick ako ng light lang. Pink ang ginamit ko at inayos ang bag ko tapos bumaba. "Hala! Ang ganda ni jewel! Nakinang!" Sigaw ni roxanne.
"Luh. Nambola ka pa." Wika ko. Lumapit siya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "Grabe! Ang ganda mo talaga! Nako kung si taeyong lang ang makakaharap mo, malamang mababaliw lalo sayo yun!" Masaya niyang sabi.
Hindi na lang ako nag-react. Hindi dapat masira ang araw ko sa taong yun. Dapat ay mas focus ako sa gagawin ko. Dapat ay kalimutan at isantabi ko ang pagdating nila. Oh god! Bakit ko ba naiisip yung nilalang na yun?
"Oy natameme ka na!" Sigaw niya na ikanabalik ng ulirat ko. "A-anong sabi mo?"
"Hayst. Yan, kakaisip mo sa promotion mo, nawawala ka na sa katinuan. Kumain ka muna." Hinawakan niya ko sa kamay at hinila papuntang kusina. "Mama!!! Ang ganda ng best friend slash kapatid ko oh!" Tinuro niya pa ko.
Nakangiti naman si tita tess habang nakatingin sa akin. "Halika nga dito..." lumapit ako sa kaniya tapos niyakap niya ako. "Ang ganda-ganda mo talagang bata! Nako kung nabubuhay lang ang mama at papa mo, panigurado ay proud na proud yun sayo! Maganda ka na, mabait ka pa!" Puri niya na medyo ikinahiya ko.
Sana nga, kung nabubuhay lang sila mama at papa.
"Salamat po tita. Nako pasensya na din po. Kailangan ko na pong umalis eh. Marami pa po akong aasikasuhin sa hotel." Wika ko. Nagtaka naman siya.
"Eh bakit tong si roxanne?"
"Ma, hindi ako papasok, may pupuntahan akong importante!"
"Opo. Ako na lang ang magpapaliwanag." Sagot ko. Tumango naman ang mama niya. After it ay lumabas na ko at naglakad papunta sa sakayan. Habang naglalakad ay may nakakasalubong akong mga teenager na naka t-shirt ng nct. Yes teenager. I call them as teenager. Ako kase hindi na. I am 22 years old na ngayon and next month will be my 23rd birthday.
Sana makuha ko itong promotion ko. Eto na kase ang advance birthday gift ko sa sarili ko. Pupunta ata sa airport ang mga yun. Grabe sobrang sikat na nila taeyong and kahit ganoon, wala na kong pakialam sa kanila. Whenever they come here in the philippines, i don't have a care for them. Sabihan niyo na kong masama.
Sabihan niyo na kong parang hindi ko siya minahal noon. Pero tama na Yung sakit na naramdaman ko dati. I don't want my life to be ruined again because of my mistakes. Because of that love that isn't meant to be.
Itinulak ko ang glass door na umiikot sa entrance ng hotel. Oh Diba? Mala hotel ng ibang bansa ito. Sosyal talaga.
Pagpasok ko ay dumiretso kaagad ako sa office ni ma'am arevalo. "Ipinapaayos ko na ang mga kwarto na pagtutuluyan nila. VIP kase sila. Hopefully, maentertain mo sila ng maayos." Wika ni Ms. Arevalo.
BINABASA MO ANG
He Who fell in love with me |COMPLETED
FanfictionHighest Rank: #1 on Istillloveyou Sequel of He Who Fell In Love With A Fangirl I LEFT HIM Oo ganyan ko kase siya kamahal. Kahit masakit para sakin, wala eh. Kailangan ko pa ding gawin. Natakot lang naman ako na baka dumating yung araw na, araw na k...