chapter 25

1K 23 11
                                    

Bzzt- bzzt- bzzt

Dali-dali akong bumangon. Kinuha ko yung cellphone ko na nag vibrate sa tabi ng lampshade. "Hello po?" Walang gana kong sagot.

"Jewel pakigising na sila Taeyong."  Nagising ang diwa ko dahil sa boses na narinig ko mula sa kabilang linya.

"Ay.. sige po direk."

Napakamot ako ng ulo. Sakit ng ulo ko! Ang dami ko atang nainom kagabi.
Ano nga bang nangyari kagabi?

Ang natatandaan ko na lang ay nag-inuman kami ni Lux. Tapos nakisama sila jaehyun saka roxanne. Hayst. Buti na lang at medyo okay na din si Lux at jaehyun.

Dumiretso akong cr at naghilamos. Nag-toothbursh na din ako at nagsuklay ng buhok. Tinignan ko yung suot ko. Nakapjama ako at naka tshirt ng maluwag. Ngayon ko lang na-realize. Dapat pala hindi ko tinapon yung t-shirt na iniregalo ni doyoung sakin nung debut ko.

Baka kase tanungin niya bigla yung damit eh. Pati yung cup na binigay ni jaehyun sakin. Iniwan ko yun kila tita. Sinilip ko si roxanne. Sarap ng tulog ng bruha na 'to. May hangover pa pala 'to! Andaming nainom kagabi. Ayan kung ano-ano ituloy ipinutak ng bibig nito.

Flashback

"Roxanne! Tama na!" Pigil ko. Sige kase ang lagok niya ng wine na nasa baso. "Hindi! Isa pa!" Nagwawala na siya kaya pinapatigil na namin. Hindi sanay uminom ang best friend ko eh. Baka mamaya, abutin na naman ito ng ka-dramahan dahil sa kalasingan.

"Miss! Isa pa po please!" Nagpabebe na dun sa bartender. "Oy mark! Tawagin mo nga si doyoung dun sa kabilang sand bar!" Utos ni jaehyun kay mark.

"Roxanne! Tumigil ka na!" Naiirita kong sabi. Kahit din kase ako lasing na. Gusto ko na matulog kaso di ko naman pwedeng iwan tong bakulaw na to dito.

"Miss, wag niyo na pong bigyan please." Pigil ni jaehyun sa bar tender. "Hala!? Yoon oh!!" Reklamo ni roxanne.

"Tama na roxanne. Lasing na lasing ka na eh." Wika ni jaehyun. Inayos nito ang buhok ni roxanne at ipinusod ito. Napatawa ako ng palihim.

"I love you yoon oh...... hehe." nagulat bigla si jaehyun sa sinabi ni roxanne. Pero di niya ito pinansin.

Namimikit na kase ang mga mata ni roxanne at halatang babagsak na kahit anong oras. Dumating naman si doyoung at napagpasiyahang bubuhatin na lang si roxanne kaso ayaw naman nito pumayag kaya pibagtulungan na lang siyang akbayin nila doyoung at jaehyun papunta sa room namin.

Inihiga ni jaehyun dahan-dahan si jewel sa malambot at malaking kama. Kasunod nito ang paghila sa kumot at ibinalot kay roxanne. Kung sila man, ang magkatuluyan, sobrang swerte nito. Halos lahat ng hinahanap ng babae sa isang lalaki, nasa kaniya na. Siguro, kung hindi man kami nagkatuluyan ni TY, or let's say na si jaehyun ang nakatuluyan ko. Ganiyan din kaya sakin si jaehyun kahit iniwan ko na siya?

I think so. Mas malawak ang pang-unawa ni jaehyun at marunong itong makisama. Unlike taeyong, naiintindihan ko naman si TY kung ganoon siya. Pero sana naman maramdaman niya naman na may nasasaktan siyang tao dahil sa ipinapakita niya.

"Thank you jaehyun." Wika ko bago ito makalabas ng kwarto.

"Walang anuman. Matulog ka na din, lasing ka na din eh." Nag-aalala niyang sabi.

"Hmm. Sige." Nakangiti kong sabi kahit na nahihilo na talaga ako. Palabas na siya ng pinto ng hawakan ko siya sa braso. Napalingon naman kaagad siya sakin ng may pagtataka.

"Salamat.." ulit ko.

"Walang anuma-"

"Hindi." Pagpigil ko. Hindi niya kase alam kung ano ang ipino-point ko sa pagpapasalamat ko.

He Who fell in love with me |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon