Chapter 34

1K 23 0
                                    

Pagkababa namin ng eroplano kanina ay sinalubong kaagad kami ng mama ni roxanne. Halata ngang nag-alala ito dahil pagkakita saming dalawa ay niyakap niya na kaagad kami.

Humiwalay na din kami kila jaehyun dahil sa hotel sila dederetso samantalang kami ay sa bahay nila roxanne.

Noong nasa eroplano nga kami ay sinabihan kami nila direk pati nila jaehyun na umattend daw kami bukas sa concert nila. Ngumiti na lang ako bilang tugon.

Pagod na kase ako galing sa flight namin. Parang gusto kong matulog lang ng isang linggo dahil sa hindi talaga ako nakatulog ng maayos.

Tanging si roxanne lang yung nakatulog. Ganyan naman kase yang babaita na 'yan. Kahit nagkakagulo na, nagagawa pa ding makatulog.

Basta talaga dinalaw ng antok.

"A-attend ka ba bukas sa concert nila?" Di ko siya nilingon pero sapat nang marinig ko ang sinabi niya habang naglilipat ako ng mga damit ko sa cabinet.

"Sayang naman kung di ka a-attend. Last day na nila bukas no?! Aalis na din sila pagkatapos ng concert nila." Pahabol pa niya.

"Pagod pa ako eh. Ikaw na lang muna siguro." Walang gana kong sabi.

"Weh? Diba sabi mo kagabi, parang gusto mo pang makausap sila? Ow. I mean si taeyong? So it's your last chance! It's tomorrow or never!" Sumigaw na naman siya.

"Concert na nila 'yun no. Saka di ko na siya kailangan pang kausapin. Malamang, ayaw niya na din naman ako kausap. Saka ayokong sirain ang moment nila bukas."

"Eh pano kung deep inside eh gusto ka din naman palang kausap ni taeyong? What if same lang kayo na gusto kausapin ang isa't isa?"

Umiling ako at medyo natawa. "Imposible Roxanne. Natandaan mo? He finally let me go last night. Siguro para sa kaniya, okay na lahat. Nakamove-on na din siya."

"Pero para sayo?"

Natigilan ako sa paglagay ng polo ko sa cabinet.

Do i finally move on too?

"Sana nga lang, kapag umalis sila parehas na kayong masaya. Hindi yung aalis siya na malungkot ka pa din. Kase alam mo, hindi mo na alam kung magkikita pa ba kayo o hindi."

"Tama nga ako ng hinala noon. Sabi ko na eh, mahal mo pa din siya! Sabi nga nila, first love never dies diba? Eh diba si taeyong ang first love mo? Saka first boyfriend mo pa siya. Kubg magmunukmok ka lang dito, walang mangyayari." Dagdag pa niya.

"Para saan pa kung wala na din naman siyang nararamdaman para sakin? Para saan pa yung sasabihin kong mahal ko pa siya? All this time, akala ko ako lang yung nasasaktan pero hindi pala." Kinakain na ako ng kalungkutan sa sarili ko.

"Alam mo jewel, kung talagang mahal ka niya, kahit gaano mo pa siya nasaktan; kahit sobrang sakit 'nung nagawa mo, kapag mahal ka niya, babalik at babalik pa din yan sayo."

"Nagawa ka nga niyang ipaglaban noon diba? Bakit hindi naman ikaw yung gumawa ngayon? Why you don't try to fight for him? Parehas kayong lumaban kung mahal niyo ang isa't isa."

"Kaso...kaso hindi ko na alam kung paano ko pa masasabi sa kaniya." Pag-aalala ko. Paano kase kapag sinabi niyang 'diba pinakawalan na kita? Bakit andito ka't hinahabol-habol ako?'

"He fights for you. So now, try to fight for him. Wag ka matakot. Wala naman silang magagawa kung ikaw ang gusto ni taeyong. He's also a human. Hindi siya robot na kailangang turuan sa gagawin niya."

"Nararamdaman kong mahal ka pa niya. Hindi ganoon kabilis mawawala ang first love mo no?! It's 5 ago na jewel pero ikaw pa din pala ang mahal niya."

He Who fell in love with me |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon