chapter 4

1.7K 38 4
                                    

"Bat ganyan lang suot mo? Di ka maguuniform?" Tanong niya nang makababa ako ng hagdan. "Hindi. May naka-assign na uniform sakin eh."

"Naka-assign? Bakit. Nakuha mo na yung promotion mo?" Masaya niyang tanong. "Hindi. Umatras nga ko diba?" Pag-uulit ko. Ulyanin kase ang isang 'to. Kakasabi ko lang kagabi na hindi ko nga sila inentertain eh.

"Eh bakit may sarili ka nang uniform?"

''Uniform yun ng ano...."

"Ano? Sabihin mo na kase! Kinuha ka ba ulit nilang assistant?''

"Hindi. Pero personal maid."

"Omo!!!!! Congrats! Hahahahaha. Meant to be talaga kayo ni taeyong!!" Walang araw na hindi to nasigaw.

''We're not meant to be." Tutol ko. Yeah. We weren't. Pinagtagpo lang naman kami noon pero hindi talaga kami ang para sa isa't-isa. Sabihin lang natin na ipinaramdam lang nila yung pagmamahal nila para kahit minsan naman ay maranasan din nating maging masaya.

"Eto yung uniform mo." Binigay sakin ni angel yung paperbag. "Limang pairs yan." Pahabol niya pa bago umalis.

"Salamat." Dumiretso ako ng c.r para magbihis. Pagkalabas ko ng cubicle ay tumigil ako sa harap ng salamin. Fit naman ito sakin at mukhang tamang-tama lang. Nilagyan ko ng hairdresser yung ulo ko tapos lumabas na ko.

They were sick. Ang ayos na ng trabaho ko sa counter doon sa baba eh.

Huminga ako ng malalim. This time, gagawin ko na lang to bilang trabaho ko. Wala nang dapat pang mabuo na kahit ano. Kalimutan na dapat lahat. "Bagay sayo!" -roxanne.

"Tse. Mukha bang bagay sakin magsuot ng ganito?" Naiirita kong tanong Sa kaniya. Simula kase nung lumabas ako ng cr ay hindi na nila ako tinantanan ng tingin.

Syempre, nasa counter ako naka-assign tapos ngayon personal maid naman ako. Anong trip nila? "Eh kung yung pagsisilbihan mo naman ay mga mala-anghel yung Mukha why not diba" sagot niya.

Inirapan ko na lang siya. Dun muna ko tumambay sa dati kong pwesto kung saan naman ngayon ay si jasmine ang pumalit sakin. "Oy jewel. Hanapan mo ko ng pogi dun ah?" Wika niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Oy jewel, sabihin mo kay jaehyun mahal na mahal ko siya." Sabat naman ni roxanne.

"Ano ba ko? Messenger? Hindi ko nga sila kakausapin eh!" Singhal ko. Tumawa naman silang dalawa ng malakas. "Eto talagang si jewel di mabiro." Pahabol ni jasmine.

"Hayaan mo yan. Bitter lang talaga. Ex niya yung makakasama niya eh." Tumayo ako at naglakad palayo sa kanila. naglalakad ako sa hallway ngayon ng makasalubong ko si flair.

"Jewel, ang ganda mo sa damit mo ah? Bagay na bagay sayo." Masaya niya pang sabi. Palit kaya kami. Ewan ko kung mag-enjoy pa siya sa pagsuot nito.

"Thank you." Pilit kong sabi. Naiinis na kaya ako. Mukha kase talaga akong maid nito sa suot ko eh.

"Pumunta ka na pala dun sa kwarto nila. Kanina ka pa nila hinahanap." Dagdag pa niya. "S-sige." Sagot ko. Dahan-dahan naman akong naglakad papunta sa elevator. Pagkapasok ko ay pinindot ko ang 5th floor. Lol hindi ko pala naitanong kung saang floor sila nakacheck-in.

Hayaan mo nga lang. Iisa-isahin ko na lang yung mga kwarto. Pagkalabas ko ng 5th floor ay dumiretso kaagad ako sa isang kwarto na malapit dito. Meron naman kaseng nakasabit sa door knob nito na mga colors. Dun ko malalaman kung sila ba ito o hindi.

Inisa-isa ko lahat ng kwarto dito. Puro mga wala namang nakasabit. Sumakay ulit ako ng elevator at pumuntang 6th floor.  Ganoon din. Sumakay ako ulit. pinindot ko yung 10.

He Who fell in love with me |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon