Chapter 27

987 20 0
                                    

Bumaba na ang lagnat ni taeyong kahapon pero ito na nama't tumaas ngayon. Buti na nga lang at hindi na ako ang nagbabantay sa kaniya nang magising siya. Pinaakyat na din sila ng malaman na may sakit pala si taeyong kaya di muna sila nag-rehearsal.

Maganda na ang panahon ngayon kaya itinuloy na ang shooting kahit nagpapahinga si taeyong dito sa kwarto niya. Yes, ako ulit ang idinuro ng mabait kong kaibigan para magbantay kay TY.

Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko napansin na kanina pa pala nanginginig ang lalakibg 'to. Buang din si doyoung talaga. Itinodo ata nito ang aircon.

Di ko naman ramdam ang lamig dahil normal naman ang init ko at talagang mainit. Pero syempre, may sakit kase itong si taeyong kaya nanginginig na ito. Kinuha ko yung remote sa maliit na lamesa sa tabi ng higaan ni taeyong.

Hininaan ko ito at pagkatapos ay naisipan kong hilain yung maliit na couch sa sala ng room nila taeyong. Lumabas ako saglit ng kwarto nito at dumiretso sa sala. Hinila ko ito papasok sa kwarto ni taeyong.

Itinabi ko ito ng sa kama ni TY at dito ako umupo ng patagilid. Inaantok ako kapag ganito eh. Mas gusto kong may ginagawa.

Dinalaw ako ng antok kanina, tapos ngayong nandito na ko sa couch biglang nawala? Baliw na ata sistema ng katawan ko eh.

Tumayo ako at nag-unat. Nilapitan ko si TY at hinaplos ang noo nito.

Ang taas ng lagnat!

Nataranta ako sa pagkuha ng mainit na tubig sa thermos at malamig na tubig galing sa gripo. Nilagay ko ito sa maliit na stainless na planggana. Tumakbo ako kaagad sa kwarto ni TY at inilapag ito sa lamesita.

Binasa ko at piniga ko ang twalya. Kasabay nito ang pagdampi ko sa noo ni taeyong. Dahan-dahan kong idinampi ito at baka kapag dito ko ibinuhos lahay ng galit ko.... Joke lang haha.

Baka kase magising siya't sigawan pa ko. High blood pa naman sakin itong tao na 'to. Tinitigan ko ang mata niyang nakapikit na panay ang galaw.

Sabi sakin noon ni mama, kapag ganito daw ay nasa panaginip na. Pero bakit ako? Kapag may lagnat ako hindi ako nananaginip? Ang nararamdaman ko lang noon ay mabilis na tibok ng puso ko.

Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Kahit ano namang kabutihan ang ipakita ko kay taeyong, mangingibabaw pa din sakin ang galit niya. Parang noong unang araw na nagkita kami, ang sabi niya ay mahal niya pa din ako.

Kung nagbabago nga ng ganoon kabilis ang panahon, ang tao pa kaya?

Siguro yung babaeng tinutukoy niya din noon sa fansigning event nila sa megamall ay yung babae na kasama nito noong isang gabi. Maganda naman yung babae at halatang gusto talaga ni TY.

They would be a perfect couple someday.

Hindi na din naman siguro magre-react ang mga tao dito kapag nalaman na nila. That girl was quiet gorgeous unlike me. Saka mukhang may dating nga talaga. Hindi katulad ko noon na personal assistant lang.

She's lucky.

Ibinalik ko sa planggana ang twalya umupo ako sa couch. Nabibingi na nga din ako sa sobrang tahimik dito sa kwarto ni TY. Tanging ingay lang na ibinubuga ng air con ang naririnig ko.

Sinulyapan ko ulit siya. Kung magising man siya, handa na yung sarili ko na masabihan ng 'why are you here?, umalis ka na, ayaw kitang makita.'

Napatingin ako sa pinto dahil may narinig akong nagbukas mula sa labas. Tumayo ako at pinuntahan ang pinto saka ito binuksan. Dumiretso ako sa sala. Nakasarado na ang pinto.

Napatingin naman ako ng bahagya sa kusina dahil may narinig akong kalansing ng pinggan at kutsara. Nanginig ako. jusme, kelan pa ba nauso yung magnanakaw na sa kusina nadaan?

He Who fell in love with me |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon