"Wow! Manok!" -doyoung.
"Ang bango!!" Tuwang-tuwa naman na sabi ni winwin. "Chooks to go!" Sabat din ni roxanne.
"Hoy kayong dalawa diyan! Magpapractice ba kayo o hindi?" Sigaw ni taeil mula sa sala.
"Iiwan ko muna kayo mga anak. Mamaya, magtutuos tayo." Halos humaglpak sa tawa sila doyoung at winwin sa kalokohan nila. Hindi talaga halata na may ganoong problema si doyoung. Masyado siyang magaling magpanggap at magtago.
Nag-aalala lang ako, baka kapag dumating yung araw na makita niya na yung kapatid niya, iwan niya na ang NCT. Sabi kase niya, kaya lang naman siya sumali ay para mahanap ang kapatid niya.
"Jewel. Tutulungan mo ba ko o hindi?" Nagbalik ang huwisyo ko ng tawagin ako ni roxanne.
"Syempre, tutulungan kita. Ikaw lang naman tong hindi tumutulong sa akin eh." Pinaningkitan niya ko ng mata.
Inalis namin yung mga manok sa plastic at pagkatapos ay tinanggalan ito ng foil. Nilagay namin ito sa malalaking plato. Pagkatapos ay nagsaing na muna ko habang si roxanne naman ay nagpupunas ng lamesa.
빨리빨리 피해 right
Cherry bomb feel it yum
빨리빨리 피해 right
Cherry bomb feel it yum
빨리빨리 피해 right
Cherry bomb feel it yum
빨리빨리 피해 right
Cherry bomb feel it yum
I’m the biggest hit
I’m the biggest hit on this stage
I’m the biggest hit
I’m the biggest hit on this stage
I’m the biggest hit
I’m the biggest hit on this stage
I’m the biggest hit
I’m the biggest hit on this stageNapasayaw naman si roxanne habang nagpupunas. Nagsimula na kaseng magpractice sila yuta. Nilingon ko si roxanne. Nagtaka ako dahil wala na siya sa lamesa.
Naglakad ako papuntang sala at nakita ko siyang sumasayaw doon. "Oh!!!!" Sigaw nila johnny. Pano ba naman, nag-showdown pala sila roxanne at doyoung.
Hindi rin nagpatalo si roxanne sa paghataw. Si roxanne pa ba!? Eh lahat ng choreography ng sayaw ng NCT kabisado ng gaga na 'to. Pati nga ata size ng brief saka medyas ng mga 'to ay alam niya din.
"Ang galing ni noona!" Wika ni haechan habang napalakpak.
I’m the biggest hit
I’m the biggest hit on this stage
I’m the biggest hit
I’m the biggest hit on this stage
If you are happy and you know it, clap your hands yo (in this beat)
If you are happy and you know it, clap your hands (in this beat)"Oh yeah!" Sila taeil ay nakisayaw din. Hingal na hingal sila doyoung at roxanne nang mang matapos silang sumayaw.
"Pano mo nakabisado yun roxanne?" Nagtatakang tanong ni yuta sa kaniya. "I told you guys. I'm a diehard fan of NCT." Pagmamalaki niya.
"Grabe. Ang galing niya pa sumayaw." Dagdag pa ni mark.
"Edi ang swerte mo pala dahil nakasama mo kami?" -taeil.
"Oo naman oppa! Sobra! Ang tagal ko nang fan niyo eh. Parehas kami ni jewel." Natigilan ang lahat at pare-parehas na tumingin sakin. Tinignan ko lang sila isa-isa.
Hindi ko kase alam kung anong sasabihin ko. "Pero dati lang yun. Nag-mature na daw kase siya ngayon." Pahabol na sabi ni roxanne.
Bumalik na lang ako sa kusina para ipaghain sila ng pananghalian nila. Nagulat naman ako sa pagsulpot ni haechan sa harap ko. "Oh. Bakit hae?"
BINABASA MO ANG
He Who fell in love with me |COMPLETED
FanfictionHighest Rank: #1 on Istillloveyou Sequel of He Who Fell In Love With A Fangirl I LEFT HIM Oo ganyan ko kase siya kamahal. Kahit masakit para sakin, wala eh. Kailangan ko pa ding gawin. Natakot lang naman ako na baka dumating yung araw na, araw na k...