Chapter 1: DIFFERENCE

5.2K 74 0
                                        

Jho's POV

Tingnan ko ang mga taong kasama ko. Ni isa walang kumukurap. Lahat sila seryosong nakatuon ang atensyon sa tv screen na nasa harap nila. At ang iba parang hindi na nga ata humihinga.

Napangiti ako ng mapait at napailing. Are they fucking serious? Mga tao rin yan kagaya namin. Like them, players lang din yan katulad nila na ang tanging kaibahan ay televised ang laro nila samantalang dito, kinakailangan pang makiusap sa mga kamag-anak para naman may kahit kaunting audience na manuod sa bawat laro.

"What a game! Aatakihin na ako sa puso." Nilingon ko ang kapatid ko na nakahawak sa dibdib niya kaya napailing ulit ako.

Oo nga naman, may isa pa pala silang kaibahan sa amin. They are really playing well to the point na they can give you a heart attack just by watching them save that almost dead ball, diving into the floor or flying so high just to give their team a single point or not to lose any.

Sila yung mga players na gagawin ang lahat para sa laro. Ibubuwis ang buhay para sa bola. Magpapabali ng buto para sa karangalan na makukuha at iuuwi nila. 

They say 'ball is life' pero hindi ako naniniwala sa kanila. Fame, prestige and honor ang buhay para sa kanila na makukuha nila kapag nanalo sila. Their lives are freaking ironic, nagpapakahirap sa laro pero magpapakasasa sa labas ng court.

Itinuon ko ang tingin ko sa TV after the commercial break. Advertisements, another source of income for them. The more the commercials, the more the sponsors. The more the sponsors, the more the money that they will get.

Nakafocus ang camera ngayon sa mga magulang ng mga players. Halatang kinakabahan sila katulad ng mga kasamahan ko ngayon. Pero another difference, sa kanila evident ang grace under pressure samantalang kami walang poise kung makasigaw dito. They are still smiling despite the tight gap between the scores.

Napangiti ulit ako ng mapait. They need to spend thousands just to watch a single game, not to mention the fare or the gas for the transportation. Pero bakit ang daming nanunuod? Kompleto and bawat pamilya at kaibigan ng mga manlalaro. A lot of fans are even present, cheering their hearts out, carrying huge banners, even though they know players will rarely notice them. 

Samantalang sa mga laro namin na halos libre na ang entrance, sobrang konti pa rin ng gustong manuod.

Samantalang sa mga laro namin na halos libre na ang entrance, sobrang konti pa rin ng gustong manuod

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Photo credit: Bea's IG)

"Someday makakalaro din ako dyan. Makakagulong din ako sa taraflex na yan at mahahampas ko rin yang mga bola na halos kapag tatama sa sahig ay papalitan na ng bago." 

Archetype Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon