Kinuha ko ang iniabot saking tubig ng waterboy ng team habang nakatingin sa mga taong nanunuod.
Medyo madaming tao ngayon unlike ordinary days. Ito din kasi ang hinihintay at pinag-iipunan ng iba.
Ang final game ng laro ng school namin. Ito lang ang araw na halos kalahati ang tao sa arena na pinaglalaruan ng mga players namin na kalahati din ang size ng arena na pinaglalaruan ng mga taga-Manila.
Lumaki ang mga mata ko sa nakita ako. "Alyssa Valdez" bulong ko sa ere.
Nandito ang phenom. Nandito ang Final's MVP ng UAAP ngayong season.
Kasama siya ng assistant coach ng Ateneo at pareho silang naka blue.
Kung may isa man akong taong hinahangan sa mundo ng UAAP, iyon ay ang pangalan na binanggit ko. Halos sa Manila na rin siya lumaki. She transferred when she was in grade 5 to prepare playing for the UST team for the high school division. Lumipat siya sa Ateneo noong tumuntong siya sa college at sobrang pumutok ang pangalan niya dahil sa galing niya.
But despite all the fame and prestige na nakuha niya, she remains humble. Magkababayan kami at sobrang idol ko siya kaya alam ko. Pareho kaming Batanggueño at galing din sa simpleng buhay. Ngayon, kahit na ang taas na ng naaabot niya, ang simple niya pa ring tao. Palaging nakangiti na akala mo ang gaan-gaan ng buhay.
Nagwhistle ang referee as a sign na magpapatuloy na ang game kaya naglakad na ako pabalik sa gilid ng court. Naririnig kong nagbubulungan ang mga players about the coaching staff and other players from UAAP pero hindi ko na sila pinansin.
I can see no emotion from the coaching staff na para bang hindi sila bilib sa nakikita nila kaya hindi na rin ako umasa.
Mga impit na sigaw sabay yakap sa mga teammates nila ang nakita ko after that winning point kaya napangiti ako. Our team won, my babies won.
A lot of people congratulate us pero yung kay mama, Baham, at Audrey lang ang sobrang nagpasaya sakin.
Baham is my best friend turned lover while Audrey is my cousin slash childhood best friend.
"Grabe, ate! First championship natin together! Ang kaibahan nga lang coach ka player ako." Masayang bungad sakin ni taba I mean Jaja kaya napayakap ako ng mahigpit sa kanya.
"Jho, someone wants to talk to you." Pormal na sabi ni coach kaya wala akong nagawa kundi magpaalam ng saglit sa pamilya ko at sumama sa kanya.
Nagulat ako sa nadatnan ko. Isang Alyssa Valdez na nakatingin at nakangiti sakin.
"Good I mean great game!" Bati niya sa akin kaya napangiti ako pero deep inside gustong-gusto ko ng tumili dahil sa kilig.
Daig pa nito ang naramdaman ko noong sinurprise ako ni Baham last birthday ko. Gosh! Pero teka, di naman ako naglaro, ah. "I'm Alyssa Valdez by the way."
Gustong-gusto kong sabihin na alam ko at idol ko siya pero nagpakilala nalang ako at inabot ang kamay niyang nakaextend sakin.
"We're here to give you this." Turo niya dun sa lalaking kasama niya kanina na kausap ngayon ni coach at ibinigay sakin ang isang envelope. "Inside is a contract for you if you're open to play for us uhm with us."
Nanghihina ko itong inabot at tingnan. Paano? Bakit? Na mukhang nabasa niya naman ang expression ko kaya tumango siya. "We saw your form. The way you toss the ball sa players and magturo sa kanila kanina before the game. All you need is power that I think we can improve later on if you join our team."
BINABASA MO ANG
Archetype
FanfictionShe's an epitome of class and perfection and I'm a typical girl in an ordinary world. Ang layo ng mga mundong ginagawalan namin. Our characteristics are way different. We are total opposite because we're the archetypes of different personalities. I'...