Chapter 4: STATIC ELECTRICITY

2.8K 69 2
                                    

Naputol ang daydreaming ko dahil sa nagsalitang babae sa intercom na nakakabit sa speakers ng mga rooms namin.

"Dinner's ready, ladies. Please proceed here na." Napangiti ako with the thought na kahit na umiba ang boses niya because of the machine, bakas na bakas pa rin ang saya dito. I really like the vibe of this girl. How I wish I have Alyssa Valdez's jolly aura.

"Let's go, Jho! Bawal pinaghihintay ang pagkain." Nakatayo na si Marge sa gilid ng bed ko kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo na rin.

Hindi na ako nag-abala pang ayusin ang sarili ko kasi ganito naman ako usually kapag nasa bahay. They said feel at home kaya yun din ang gagawin ko.

Pero naconscious ako noong nakarating kami sa dining hall. Kahit na sa ganitong oras pala ayos na ayos pa rin sila.

"After eating, we'll divide the tasks na, okay? And kapag inilabas na ang official line-up that's also the time na we will assign your official roommates." Akala ko si Marge na ang roommate ko pero temporary lang pala yun.

Ano ba yan, sana wag naman yung masyadong maarte or bratinela. Okay na ako kay Marge, eh. Lord please, si Marge nalang po.

Nag-umpisa na sila sa pagkain. Nagsimula na rin ang asaran at joke time. Akala ko hindi nila alam ang ganitong bagay, akala ko sa lahat ng oras seryoso sila.

Si ate Ella ang nag-uumpisa palagi at gagatungan naman ni ate Ly, ate Den or ate Ki. Minsan nakikisali rin sa asaran ang iba pero madalas yung seniors talaga.

After eating nag-assign na ng groups sa pagluto ng dinner and paghugas.

Ate Ly, ate Den, ate Mae and Marge sa ang group 1.

Mich, Ana, Gizelle and Jirah is the group 2.

Ate Ayel, BT, Kim and Kat is the group 3.

Risa, Therese, Amy Jaime and Jia ang group 4.

And Beadel, ate Els, ako and Maddie naman ang group 5.

Rotation ang napagkasunduan namin para hindi maging unfair.

Lahat sila may nasabi kanina, either suggestions or violent reactions. Pero ako? As usual, tahimik at hinayaan lang sila.

14 out of 21 lang ang magiging part ng team. The other six will stay with us, but they are not required to attend trainings and meetings. Tatlo na sa mga anim na yon is si Kat Tolentino at Ana Gopico na may ACL and Risa Sato who still needs to undergo residency.

"Jho! Where's your province again?" Napatingin ako kay ate Ayel dahil sa tanong niya.

Lahat na pala sila alam na scholar ako at galing probinsya. Di na nakapagtataka kasi hindi naman nila kilala ang dala-dala kong surname.

"Batangas." Simple kong sagot para mawala na ang atensyon nila sakin. Takot din akong magkamali sa harap nila and naniniwala ako na the more the talk, the more the mistake.

Pero hindi pa rin sila tumigil. Ang dami pa rin nilang tanong sakin. I'm not aware na profiling ko pala ang dinner na to.

"What's your family business?" Ayan na naman tayo sa tanong na ganyan. Buti pa hindi ko nalang sinabi na business ang bumubuhay samin.

"Shoot! What brand? Audi? BMW?" Manghang tanong ni Beadel noong sinabi ko ang business namin at parang lahat din sila naging interesado.

"Toyota." Sagot ko na parang ikinalugi nila kasi sabay-sabay lang silang tumango ng dahan-dahan.

Archetype Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon