Chapter 1 *First Day-Bad Day*

163 3 1
                                    

"Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing~" [Kunwari tunog ng alarm clock. :P]

"Ella gising na. Maaga pa pasok mo."

"Hmm."

"Ate gising ka na daw sabi ni Nanay!"

"Yes, bunso. 5 minutes pa. Saglit na lang, babangon na si Ate."

"Ate malalate ka na eh. Sige ka, baka di mo makita si LA dun."

Pagkasabi palang ng kapatid ko ng LA ay agad na kong nagising. Nagmadali akong kumilos at kumain para makapsok ng maaga.

Ako nga pala si Ella, Ella Magtalas, hindi mayaman, hindi sexy, at wala ring ibubuga pagdating sa kagandahan. Ang tanging maipagmamalaki ko lang ay ang talino ko, yun ang tanging yaman na meron ako. Hindi ako mayaman pero yung school na lilipatan ko ay pangmayayaman, pangsosyal kumbaga. Nakapasok lang ako dun dahil sa tulong ng scholarship, ako kasi ang nakakuha ng pinakamataas na grade sa entrance exam sa Junior section kaya naman pasok agad ako. 

Ung LA pala na tinutukoy ng kapatid ko ay yung ultimate crush ko ever! Mas crush ko pa siya kay Daniel Padilla. Siya rin ang dahilan kung bakit ako lilipat sa school na yun. Si LA ay anak ng mga Javier, sila lang naman ang nagmamay-ari ng pinakamalaking shipping company dito sa Pilipinas, mayari rin sila ng iba't-ibang Hotel sa iba't-ibang lugar sa bansa, at mayari rin ng Javier Food Corps. at marami pang iba. Basta mayaman sila.. Pero hindi ko siya nagustuhan dahil sa mayaman siya ah, nagustuhan ko siya dahil sa mga ngiti niya. Basta, ang gwapo-gwapo niya kapag nakangiti siya at feeling ko rin ang bait-bait niya.

First day of class, wala pa kong mga kakilala dito. Nagmumukha tuloy akong loner, walang rin namang kumakausap sakin. Nakaka-inggit yung iba na may kadaldalan. Dahil first day ay wala pang klase. Puro orientation muna tapos nagpapakilala rin ung mga teacher at sinasabi na kung anong section ka. Sobrang tagal ko ng nakaupo, medyo namamanhid na yung pwet ko tapos nagugutom na rin ako, kaya naisipan ko munang pumunta sa canteen saglit. Hindi ko alam kung anong meron sakin, pinagtitinginan ako ng mga tao, may dumi ba ko sa mukha? Hayy bahala na nga sila. 

Bago pa ko makapunta ng canteen, natapunan ako ng isang babae ng juice at natapon ito sa uniform ko. Nagulat pa ko nung nagalit sakin yung babaeng nakatapon. Siya na nga yung nakatapon, siya pa tong galit?

"Ayan kasi! Hindi marunong tumingin sa dinaraanan. Kawawang bata." sabi sakin nung babae.

Nakita ng lahat kung ano yung nangyari, yung iba nakatingin lang, ung iba nakangisi. Mali ata ako ng school na pinasukan, mas masahol pa yung ugali ng mga estudyante dito kesa sa dati kong paaralan. Tumingin ako sa paligid at tsempong papalabas ng cafeteria si LA. 

Agad akong tumalikod para hindi niya makita ung mantsa sa uniform ko. Kasi pag nakita niya yun, patay na ko. Kahit hindi niya pa ko kilala ay matatandaan niya ko dahil maaalala niya na ako ung babaeng may mantsa ang uniporme sa first day. 

"Kapag minamalas-malas ka nga naman oh." Bulong ko sa sarili ko.

Agad na kong tumakbo papalayo at sinubukang hanapin ang malapit na CR. Nung nasa CR na ko, may mga babae pang nagma-make-up at naglalagay ng kung anu-anong pangkulay sa mga mukha nila pero nung nakita nila ako, agad silang umalis. Hindi ko alam kung anong meron sakin.

"May ginawa ba kong masama sa kanila para gawin nila sakin to? Grabe ah." Sabi ko sa sarili ko habang pinipilit na tanggalin yung mantsa sa uniform ko.

Hindi ko alam na may nakarinig pala sakin. Bigla na lang may lumabas sa isang cubicle, isang matangkad na babae na kulot-kulot ang buhok.

"Anong ginawa nila sayo?" tanong niya sakin.

"Huh?

"Ah eh sorry ah. Narinig kasi kita kanina eh. First day na first day, pinagtripan ka na nila agad?"

"Hindi naman nila ako pinagtripan. Aksidente yung nangyari."

"Eh ano nga?"

"Natapunan ako nung isang babae sa canteen ng juice kaya eto, tignan mo." Pinakita ko sa kanya yung mantsa.

"Naku, halatang-halata pala. Oh eto, heramin mo muna." Sabay abot sakin ng jacket.

"Ibalik mo na lang sakin bukas."

"Naku, salamat ah. ako nga pala si Ella, Ella Magtalas." pagpapakilala ko sa kanya.

"Walang anuman. Andrea nga pala, Andrea Nicole Perez." sabay ngumiti siya sakin.

Kahit papano may mababait din palang estudyante dito. Hindi lang pala puro kaartehan at kamalditahan ang pinapairal ng mga tao dito. Buti na lang at may nakilala na ko. At least hindi na ko loner.

Buong araw kaming magkasama ni Andrea. Pinakilala rin niya ko sa mga iba pa niyang kaibigan. Nilibot niya rin ako sa buong school at nilibre pa ko ng lunch. Ang bait-bait niya talaga.

Half-day lang muna dahil daw first day pero bukas at sa mga susunod na araw ay whole day na. Parang orientation lang talaga ang nangyari ngayong araw. Umuwi na ko agad samin para hindi na ko makilala ng iba. Nakakahiya talaga yung nangyari sakin kanina lalo na't nakita pa ko ni LA. 

"Ang sama naman ng first day of class ko."

Dapat puro maganda ang nangyari sakin sa unang araw para swertehin ako sa buong taon. Hay nako. Okay lang yun, may next time pa naman eh. Babawi na lang ako sa susunod.

We're Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon