[A/N: Sorry po kung masyadong matagal ako mag-update.. Medyo busy na rin po kasi ako ngayon kasi may pasok. Salamat po sa nagbabasa parin. :))]
---Ella's POV---
Papasok na ko sa school..
Papapasukin kaya ako?
Baka di na ko makilala ng mga kaklase ko pati nung guard. :O
"Good morning Ma'am!" sabi nung guard sakin with matching smile pa.
Nakakapagtaka, hindi naman ako binabati ni Manong dati eh. Oh baka pili lang yung mga estudyante na binabati niya?
Ganito na ba talaga ka-unfair ang mundo? Porke panget basta-basta na lang ang pagtrato? Grabe ah.
Kahit nabago ang itsura ko ay wala namang nabago sa ginagawa ko. Kapag napasok ako, palagi parin akong napunta dun sa likod ng clinic para magaral.
Nung malapit na magstart ang class ay umakyat na ko pero napatigil ako nung may narinig akong mga babae na nagkkwentuhan..
"Girl, nakita mo na ba yung girl na bago? Balita ko maganda daw siya eh."
"Ayy may napansin ako kaninang kulot yung hair tapos maputi na girl. Un ba yun?"
"Oo. Sabi nila si Ella daw yun? Eh imposible namang maging si Ella yun noh. Ang layo kaya ng itsura ni Ella sa kanya."
"Naku. For sure magiging friend natin yun. You know, I have the feeling kasi na kikay rin siya like us, diba?"
"Yea, right."
Mga babaeng conyo. Mga babaeng hindi marunong magenglish ng fluent. Sila dapat yung sinasabihan na social-climber eh. Hmp.
"Excuse me." sabi ko sa mga babaeng nagdadaldalan dahil nakaharang sila sa daan.
"OH MY GOD?! ELLA IS THAT YOU?" sabi nung babae sakin na akala mo ay nakakita ng artista.
"Yes, it's me. Ella Magtalas. The once ugly duckling you're talking about."
"Ella? Ikaw ba talaga yan?"
"You're so pretty na kasi eh. Kaya hindi na kita nakilala."
"I know, right."
Nginitian ko na lang sila at nagsimula ng maglakad, ayokong magsayang ng laway ko sa mga babaeng pinaplastik ka lang naman.
Pagkatanaw ko sa classroom ay mukhang maingay sila. Nagkakasiyahan ata ang mga loko.
Pero napatigil sila nung pagbukas ko ng pinto. Yung mga mukha nila, akala mo nakakita ng anghel na bumaba galing sa langit.
Pati ako napatigil sa reaksyon ng mga mukha nila. Hindi ko alam kung sakin ba talaga sila nakatngin o may iba pa silang magandang babae na nakikita sa likod ko?
Umupo na lang ako sa upuan ko at nagaral.
Napansiin kong lalapitan sana ako nila Darwin pero dumating na si Miss kaya hindi na nila tinuloy.
Kahit ang mag teacher ay hindi ako nakilala.
Kahit na sino sa school..
Kahit si Lance..
Tanging si James lang ang nakakaalam kasi siya naman ang may pakana ng lahat ng ito eh.
Dahil kasama kami sa musical play ay half-day lang ang klase namin. The rest ng time ay magppractice kami.
Hindi pa ko nakikita ng iba..
Ano kayang magiging reaksyon nila sa pagbabago ko?
Kahit si James, hindi ko pa nakikita.
San kaya pumunta yung lalaking yun?
Wag mong sabihing hindi siya papasok? Hmm.
Ang daya naman.
===========================================================================
Bitinin ko muna kayo. Haha. Masyadong sabaw ako ngayon. May gagawin parin ako. Pero it-try kong magUD pa ng isa mamaya.
Don't forget to vote and comment! :D
BINABASA MO ANG
We're Perfectly Imperfect
Teen FictionAnong pipiliin mo kung sakaling nagkagusto sayo ang crush mo pero hindi lang siya kundi pati yung pinsan niya.. Pero may nararamdaman ka na ring ibang feeling para dun sa pinsan niya. Sinong mas pipiliin mo? Ang ultimate crush mo o yung isang lalaki...