---Andrea's POV---
Nakita at narinig ko ang hiyawan at palakpakan ng mga tao sa ginawa ni Ella kanina.
Ibig sabihin ba nun ay mas magaling na siya sakin?
Ibig sabihin ba nun ay matatalbugan na niya ko?
Hindi ko na hinayaan pang makita ang mga sumunod na nangyari.
Tumakbo na ko papalayo para hindi na ko masaktan.
Hanggang sa paglabas ng gym ay naririnig ko parin ang palakpakan at hiyawan nila.
Ang sakit..
ANG SAKIT SAKIT.
Ngayon, wala na kong kaibigan..
Dahil yung kaibigan na tinuring ko noon ay kinakalaban na ko ngayon..
Sabi na nga ba eh..
Gusto niya lang agawin sakin si Lance at ang pagiging lead sa musical play.
Well done Ella.
Kung akala mo kaya mo kong patumbahin ay hindi.
Wala na kong mapuntahan.
Kahit saang sulok ako ng school pumunta ay may mga tao.
Dun sa ilalim ako ng puno pumunta para naman hindi masyadong halata ang pagiyak ko.
Onti lang ang tao dito.
Wala naman sigurong makakakita sakin na umiiyak diba?
Ang sakit talaga..
Lalo na't wala akong kaibigan na masasabihan ng mga problema ko.
Niisa sa mga kaklase ko hindi man lang inintindi kung okay ako.
"Ang sama-sama mo Ella. Akala ko ba kaibigan kita? Bakit ito ang ginagawa mo sakin? Kung gusto mo talagang magkabati tayo, eh di sana hindi ka na lang kumanta o di namana kaya pinangitan mo yung boses mo kanina. Nakakaasar ka. WALA KA TALAGANG KWENTA!!!"
"Tama na.."
Napatigil ako nung may nagsalita.
Boses lalaki.
Medyo pamilyar pero hindi ko matandaan kung sino.
"Walang magagawa ang pagiyak mo."
"Ano bang paki mo ha? At teka nga. Sino ka ba?!"
napatigil ako nung pagkaangat ng ulo ko.
Si Vince..
Sino siya?
~Flashback
"Dad, diba pinagusapan na natin to?!"
"Yes Ija pero ito lang ang tangi kong paraan para masiguro kong nasa mabuti kang kamay pag nawala na ko."
"I can manage myself, Dad. I don't need anyone. At kung meron man si Lance yun, Dad."
"Anak, tigilan mo na nga yang kahibangan mo kay Lance. Hindi pwedeng maging kayo."
"At bakit naman?"
"Ampon lang ng mga Javier si Lance. At kung sakali mang mawala ang mga Javier ay malamang aagawin ni Isabelle ang lahat ng ari-arian nila kay Lance."
"Ano?! Kahit na! Si Lance parin ang gusto ko! Siya lang at wala ng iba. That's final!"
"Andrea! Tandaan mo! Hindi ikaw ang magdedesisyon para sa sarili mo. Hangga't nandito ako ay gagawin ko ang lahat ng makakabuti para sayo. Hindi kita papabayaan. Kaya please. Ito na lang ang huli kong hiling sayo. Matanda na ko para alagaan ka pa. May sakit ang Daddy, at anytime ay pwede na kong kunin ng nasa itaas. Please, Andrea. If you love me and your mother, you'll do this for us."
BINABASA MO ANG
We're Perfectly Imperfect
Novela JuvenilAnong pipiliin mo kung sakaling nagkagusto sayo ang crush mo pero hindi lang siya kundi pati yung pinsan niya.. Pero may nararamdaman ka na ring ibang feeling para dun sa pinsan niya. Sinong mas pipiliin mo? Ang ultimate crush mo o yung isang lalaki...