Chapter 4 *Trouble oh Trouble*

84 2 0
                                    

Sa sobrang saya ng araw ko, halos nakalimutan ko na yung ginawa ni James sakin. Pero sa tuwing naaala ko parin kung pano nangyari sakin yun, kung pano nila ako pinagtawanan ng mga kabarkada niya, masakit. Hindi ko aakalain na ganito ang trato sakin ng mga estudyante dito porket mahirap lang ako. 

Ngayon, papasok nanaman ako. Makikita ko nanaman ung pagmumukha nung asungot na yun. Pagkapasok ko pa lang ay pinagtitinginan na agad ako ng iba, siguro dahil sa naka-civilian ako. Habang naglalakad ay nagbubulungan ang mga tao, hindi ko alam kung bakit, nagtataka talaga ako.

---James' POV---

Hindi ko talaga aakalain na magagawa ko to dahil lang napagalit at napaiyak ko ang isang babae. Nakakahiya, kita mo Ella, pagbabayaran mo tong ginawa mo sakin. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng kapit mo kay Lance.

Kasalukuyan akong nasa stage kasama ang tatlo ko pang mga kaibigan na si Darwin, Nikko at Miggy. And guess what? Hihingi kami ng tawad kay Ella dahil sa ginawa namin. Nakakahiya pero kailangan naming gawin to para hindi mawala si Lance sa grupo namin. 

"Dude, sigurado ka ba sa gagawin natin?" tanong ni Nikko.

"Bro nakakababa ng pagkalalaki natin to." sabat naman ni Miggy

.

"Tumahimik na nga lang kayo. Gagawin natin to, kailangan natin si Lance sa grupo."

"Bakit pa? EH Javier ka rin naman ah." sabi ni Darwin.

"Pwede ba tumahimik na lang kayo. Ang dadaldal niyo eh." sabi ko sa kanilang tatlo.

Hinhintay naming dumating si Lance pati na rin si Ella. Madaming ng estudyante ang nakakakita samin, akala ata ay nagpprosisyun kami dito. Sa wakas, dumating na si Ella.

"Attention everyone." sabi ko sa mga taong nandun.

"Kaya kami nandito ay para humngi ng tawad sa ginawa namin kay Ella Magtalas kahapon. Ella, pasensya sa nagawa naming kalokohan sayo kahapon. Pangako namin ay hindi na namin uulitin.

Hindi pa ko tapos magsalita pero umalis na agad si Ella. Nakakainis naman. Sakanya ko na nga lang ginawa to eh tapos ganun pa ung gagawin niya? Sa isang banda ay nakita ko si Lance na nakangisi samin. Nakakainis talaga. 

Bumaba ako ng stage at hinabol si Ella. Ibibigay ko sana ung uniform na inorder ko kahapon.

"Ella, saglit lang! Kung ayaw mong tanggapin ang sorry namin, okayb lang. Pero sana, kahit ito lang tanggapin mo." Inabot ko sa kanya ang isang paperbag na naglalaman ng uniform.

Pero ayaw niyang abutin. Ganito ba talaga katigas ang babaeng to? Grabe ah.

"Fine. Kung ayaw mo. Bahala ka sa buhay mo. I already did my part."

Pagkatapos nun ay iniwan ko na siya at bumalik sa stage para tawagin si Darwin, Nikko at Miggy. Pagkababa namin ay nakasalubong samin si Lance at nakangiti. Yung ngiti niya, halatang nangaasar.

"Oh anong nginingiti mo dyan? Dude, we already did what you want, si Ella na lang yung talagang may ayaw tanggapin yung sorry namin." sabi ko kay Lance.

"Yes, I know. Hindi ko lang inexpect na gagawin niyo talaga.

Naiinis talaga ako. Siya yung unang babaeng sinabihan ko ng sorry tapos ganun lang? Kahit nanay ko nga di ko nasasabihan ng sorry eh. Badtrip talaga.

---Ella's POV---

"Siya na nga yung may kasalanan, siya pa yung may ganang mainis? Grabe ah. Kahit naman minsan, subukan naman niyang magkumbaba. Ganun ba talaga ang mga mayayaman? Hmp. Tsaka ano naman tong binigay niya?"

Pinulot ko yung paperbag at pagkabukas ko, nakita ko na ang daming uniform. Hindi ko alam kung matutuwa ako, tatanggapin ko ba to? Sayang naman kung hindi. Pero pano kung may kapalit din to? 

Habang nakatayo ako ay napapansin kong nilalapitan ako ng mga babae. Nakatingin silang lahat sakin na parang kakainin nila ako ng buong-buo.

"Sino ka sa tingin mo para gawin un kela James?" sabi nung isang babae.

"Alam mo bang marami na silang napaiyak na babae dito sa campus pero ni-isa dun sa mga yun ay hindi sila humingi ng tawad? Sayo lang!" sabi pa nung isa.

"Tapos hindi mo pa tatanggapin? Grabe ah."

"Feeling maganda, hindi naman maganda. Diba bagong salta ka lang dito? Akala mo kung sino ka maka-asta ah."

Hindi ko na halos alam kung anong gagawin ko. Hindi naman ako pwedeng tumakbo dahil napapalibutan na nila ako. Walang ibang tutulong sakin dito kundi ang sarili ko lang pero kahit ang sarili ko hindi ko na matulungan kung ganito kadami ang kalaban.

Pinagtutulak na ko ng mga babae hanggang sa napaupo na lang ako..

"Hoy tigilan niyo nga siya." Narinig ko ang isang pamilyar na boses.

Nagsilayuan ung mga babae sakin, nung pagkatingin ko, si Andrea pala. Buti na lang dumating siya kundi hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sakin. Lumayo kami sa mga babaeng nangaway sakin..

"Ano? Okay ka lang ba? Ano bang ginawa nila sayo?"

"Ahh. Okay naman ako. Salamat nga pala ah. Lagi kang nandyan para tulungan ako. Ang dami ko ng utang sayo." sabi ko sa kanya.

"Ano ka ba? Okay lang yun noh. Nakikita ko kasi ang sarili ko sayo eh."

"Bakit? Ganito ka ba dati?"

"hmm. Medyo, bagong salta ako kaya palagi akong napagttripan ng mga tao."

"Ahh kaya pala. Pareho nga tayo."

Nagkwentuhan pa kami ni Andrea tungkol sa nangyari pero tumunog na ung bell kaya naman pumasok na kami sa kanya-kanya naming mga classroom. Senior na si Andrea pero kasing-idaran ko lang. Maaga daw kasi siyang nag-aral kaya ganun.

After ng klase ay niyaya niya ko na lumabas. Pumayag naman ako. Masaya ako na kahit isa lang ang kaibigan ko sa school ay mabait naman ito at hindi plastik. Hindi katulad ng ibang mga babae sa school, ang aarte pa.

We're Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon