Chapter 25

100 4 0
                                    

Ola! Ang tagal ding ON-HOLD nito. XDD

Hindi ko na nga alam ung story ehh. Kwento niya nga. Chos. Pero dahil 1K na siya, actually matagal na siyang nag 1K, ay iu-update ko na to. At sa kaibigan kong makulit na pilit akong pinipilit na iUD to, hoyy eto na! :)))

READ | VOTE | COMMENT

==========================

 Narrator's POV

"Isang vegetables salad tapos white chicken and pineapple juice. Un lang. Ikaw Ella?" tanong ni Andrea kay Ella. Nasa restaurant sila ngayon at mamahalin to syempre. Hindi alam ni Ella ang isasagot dahil wala naman siyang kaalam-alam sa mga pagkaing sosyal.

"Kayo na lang pumili. Kumakain naman ako ng kahit na ano eh." sabi ni Ella.

"Sigurado ka?" paniniguro ni Lance.

Nagnod lang siya at sinarado ang menu at pinatong sa lamesa.

"Syempre, lahat kinakain mo, taga-squaters ka eh, diba?" napatingin ang dalawa kay Andrea, samantalang si Ella ay halatang na-offend sa sinabi ni Andrea.

"Andrea, your mouth!" pagsasaway ni Lance.

"Ooopps. Sorry." sabi ni Andrea at tipong nagtaray pa. 

"Okay lang. Punta muna ako ng restroom, excuse me." sabi ni Ella na halatang umiiwas sa dalawa. Halata naman niya na ayaw siyang makasama ni Andrea ehh. 

Pag-alis ni Ella ay siya namang pagexcuse rin ni Andrea kay Lance. Hinawakan niya ang kamay nito at tila namang nagulat si Lance.

"Excuse me rin. I need to go to the restroom." sabi ni Andrea sabay ngiti kay Lance. Nakatayo na si Andrea at akmang papunta na sa restroom nang tawagin siya ni Lance.

"Andrea, please don't do something silly." sabi ni Lance.

"Silly? Are you kidding? Of course, I won't. Trust me. :)" sagot ni Andrea at tuluyan ng pumunta sa restroom.

Sa restroom. 

Nakaharap lang si Ella sa salamin at hinintay na mawala ang tao sa loob. Nang wala na ay tinignan niya ang sarili sa salamin. Napahinga siya ng malalim at sinabing "Kaya mo to Ella. Ikaw pa? Eh da best ka diba? Wala kang uurungan, diba?" sabay pikit at huminga ulit ng malalim.

"Ganyan na ba ung uso ngayon sa squatters? Kinakausap ang sarili magisa?" nagulat si Ella nang may nagsalita sa tabi niya. Pagdilat niya ay nakita niya si Andrea sa tabi niya na nagreretouch. Napatingin lang siya dito.

"Bakit ka ba nandito Ella? Ano bang gusto mo? Pera? Kung un lang bibigyan kita. O baka naman gusto mo na ng pangmatagalan, kaya pati si Lance nililigawan mo na." hindi alam ni Ella kung anong sasabihin. Kahit na naging kaibigan niya si Andrea ay hindi niya inaasahan na magiging ganito ang tingin sa kanya ng kaibigan na tinuring niya.

"Ganyan ba talaga ang tingin mo sakin, Andrea ha?" maluha-luhang sabi ni Ella. "Pumasok ako sa Southville University para magkaroon ng magandang kinabukasan at hindi para mangakit ng kung sino-sinong lalaking mayaman!" medyo mataas na ang boses ni Ella habang sinasabi niya to.

"Marumi man ang lugar kung san ako nakatira, pero malinis naman ang budhi at pagkatao ko. Sa public school man ako grumaduate ng elementarya at nag-aral ng ilang taon sa highschool ay mas mukha pa kong may pinagaralan kesa sa mga taong anak mayaman na wala namang ginawa kundi magwaldas lang ng pera nila!" sa pagkakataong ito ay pasigaw na ang pagkakasabi ni Ella. Hindi na niya kasi napigilan ang sarili na magsalita. 

We're Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon