Chapter 13 *The Audition*

80 3 0
                                    

---Ella's POV---

FRIDAY NAAAAA !!!!!

"Papasok ba ko o hindi?" 

"Papasok ba ko o hindi?" 

"Papasok ba ko o hindi?" 

"Papasok ba ko o hindi?" 

Paulit-ulit sa isip ko ang tanong na yon. Kung aabsent ako, hindi ako mapipilit ni Miss Ocampo na mag-audition pero malaking kawalan rin yun sa pagaaral ko. Ilang araw na rin ako umabsent noon, baka hindi na ko bigyan ni James ng kopya ng lecture niya. Hayy.

"Audition lang naman diba? Anong masama? Isa pa, imposibleng makapasok ako sa play na yun."

Nakapag-desisyon na ko. Papasok ako, wala namang mawawala kung susubukan kong kumanta at mag-audition. Tanging dignidad ko lang ang mawawala. Huhu.  Bahala na talaga. Basta papasok ako.

Kinuha ko yung CD kung san nakalagay ung minus one ng kakantahin ko. Sabi ko naman sa inyo ayaw ko talaga mag-audition, napilitin lang ako. Hehe. 

-fast forward-

2:45 na! Hmm. Magtatago na ko, baka makita pa ko ni Miss Ocampo. Pupunta sana ako sa tambayan ko nang makita ko yung sumbrero na suot nung lalaking narinig kong kumanta sa kabilang side ng pader. Kaya naman eto ako biglang habol dun sa lalaking naka-cap pero syempre hindi dapat ako magpahalata na sinusundan ko siya.. 

Dahan-dahan ko siyang sinundan, sa bawat lingon niya ay tumatalikod ako. Para kunwari medyo busy tapos hindi ko talaga siya sinusundan.. 

Hindi ko na namalayan na malapit na kami sa Music room, nakita kong pumasok yung lalaki dun sa Music room at nagulat ako kung sino ang nakita ko..

O_____O

Si James?

O_____O

Ilang segundo rin akong natulala. Hmm. Imposible yun noh. Pwede namang magkapareho lang sila ng cap eh. Diba? Kaya imposible talaga na si James yun!

Nakatanaw lang pala ako sa bintana, papaalis na sana ako pero nung pagkatalikod ko ay nakita ko sa harap ko si Miss Ocampo.

"Ma'am?

O__O

"Oh Ella, andito ka na pala. Akala ko di ka magpapakita eh. Halika na pasok na tayo sa loob, malapit na magsimula yung audtion." agad naman akong hinila ni Miss Ocampo papasok ng Music room. Hindi na ko nakaimik pa dahil nakapasok na kami sa loob.

Napakalaki ng Music room dahil madaming musical instruments ang nakalagay dito. Meron ding isang kwarto sa loob non kung san dun ka kakanta at papakinggang ng mga judges. Isa pa, dito nagre-rehearse yung mga dancers bukod sa gym.

Madami rin palang estudyante na interisado sa musical play na to. Tiyak na magagaling talaga sila. AT alam kong wala akong laban dun. 

Isa-isa ng tinawag ang mga pangalan namin.. 

Ang tagal ngang tawagin yung pangalan ko eh. Naiinip na ko..

>_______________<

Papaalis na sana ako pero yun din yung time na tinawag na yung pangalan ko. Kung alam ko lang na ganun lang ang mangyayari eh di sana kanina pa ko nagbalak na umalis. Masyado akong kinakabahan, ni-hindi ko nga alam kung ano ang kanta na kakantahin ko eh.

Dapat ba ko magmataas?

o magmababa?

Eh bakit may option pa?

HINDI NAMAN AKO SINGER EH. hayy.

 Bahala na.. 

Pagkapasok ko sa loob ay tinanong nila ako kung anong kakantahin ko at inabot ko na lang sa isa ung CD.

We're Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon