Chapter 10 *Andrea's Special POV*

80 3 0
                                    

First time magkakaron ni Andrea ng POV!! Basahin niyo kung bakit siya nagbago at kung bakit niya nilayuan si Ella.

Don't forget to vote and comment or any suggestion for the future chapter? :)) Free to suggest, just comment or message me. :) 

===========================================================================

---Andrea's POV---

Ako si Andrea, Andrea Nicole Perez. Anak ng isa sa mga may pinakamayamang investor ng Javier Food Corps. Dahil dun ay nakilala ko si Lance, si Lance Angelo Javier. Siya ang aking first crush pati na rin ang first love. Actually kababata ko si Lance pati na rin si James. Sila ang palagi kong kalaro nung bata pa ko, ibang-iba si Lance kay James. SI James kasi ay makulit at palagi akong inaaway kaya ayoko sa kanya pero si Lance.. Si Lance yung tipo ng lalaki na mabait, gentleman, gwapo, matalino, masipag magaral, masunuring anak sa mga magulang, every girl's ideal man kumbaga. Pero kung ayaw niya sayo o isa ka lang sa ordinaryong babae na nakikita sa tabi-tabi ay hindi ka talaga niya papansinin kagaya ng ginagawa niya sakin. 

Hindi naman ako kung sinu-sino lang eh. Kababata niya ko, dapat nga close kami  hanggang ngayon pero habang tumatanda kami ay parang lumalaki ung space sa pagitan naming dalawa. Para we're not meant for each other peroo.. PERO UN UNG GUSTO KO MANGYARI. Gusto ko na kami hanggang sa huli, gusto ko kami yung magkakatuluyan! Kaya naman nung nalaman ko na lumalabas si Ella at si Lance, hindi ko napigilang hindi magalit kay Ella kahit alam kong wala siyang ginagawang masama. Hindi naman talaga ako naniniwala na kaya niyang agawin si Lance sakin eh pero dahil sa sobang pagmamahal ko kay Lance ay nakagawa ako ng mga bagay na hindi tama.

Aaminin ko, ako yung nagkalat ng pictures nila Ella at Lance dun sa bulletin board. Yung iba ring nakasulat dun ay ako ang nagsulat. Wala talaga ako sa sarili ko nung mga oras na yun kaya ko nagawa ang mga bagay na hindi ko dapat ginawa. Gusto ko man makipagbati kay Ella pero huli na, kailangan ko ng panindigan kung ano tong ginawa ko. Nakakakonsensya nga lang dahil ginawa ko yun sa isang taong tinuring akong totoong kaibigan. Ang sama-sama ko.

Nung mga oras na pinagtutulungan na siya ng mga estudyante ay nakatingin lang ako, pero nung binuhusan siya nung isang lalaki ng tubig ay dapat aawat na ko pero nandun si Lance para gawin yun. Sa ginawa niya, para lang nilang pina-realize sakin na tama ang mga ginawa ko kay Ella. Masama na kung masama pero mahal ko talaga si Lance.

Hindi kasi siya ganun sakin eh. Kahit na sabihin mo pang magkaibigan lang sila ni Ella ay hindi ko maiiwasang hindi magselos. Kasi ako, kababata niya ako eh, pero never pa niya kong niyaya lumabas. Never pa siyang nagopen up sakin nagkwento man lang ng tungkol sa buhay niya. Nakakaselos talaga.

Halos lahat na ginawa ko para lang mapansin at magustuhan ako ni Lance. Pero hanggang ngayon wala paring epekto. Meron pa kong dalawang alam kung pano.. 

Una ay dapat ako ang maging lead sa musical play sa school dahil alam ko na si Lance ang kukunin nilang lead actor don. 

Dalawang taon ko rin tong pinagpinaghandaan. Alam ko na mangyayari to dahil 18th Anniversary ng school to at sinabi rin to ng Mommy ni Darwin kela Daddy. Kung hindi parin ako makakapasok ay wala na kong ibang magagawa kundi pilitin sila Daddy na ipa-arrange-marriage ako kay Lance tutal kami naman ang pinakamayamang investor ng Javier Food Corps eh. Desperada na kung desperada pero lahat ng gusto ko ay nakukuha ko, si Lance lang talaga ang hindi. At sa lahat ng gusto ko, siya ang pinaka-gustoo ko kaya lahat gagawin ko para maging akin lang siya..

===========================================================================

Ang scary po ni Andrea. Baliw na ata siya. Oh well. Abangan kung ano pa ang magagawa ni Andrea kay Ella lalo na kung malalaman niyang makakalaban niya ito sa pagiging lead sa musical play. ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA. ;)

We're Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon