Chapter 12 *The Other Side of the Wall*

104 2 2
                                    

SORRY. Slow update. Busy ako ngayong araw eh, pero eto na. :D

===========================================================================

Kung magppractice sila, malamang maingay yon, istorbo sa tulog ko. Dun na nga lang ako sa isa ko pang tambayan, sa likod ng clinic. Alam kong wala ng iba pang napunta dito bukod sakin dahil medyo maalikabok dito pero para sakin, ito ang pinakamagandang lugar dito sa school kasi tahimik at ako lang mag-isa. Nagkakaroon ako ng oras na makapag-isip-isip sa mga bagay.

Medyo maaga pa bago magsimula ang klase, dito muna ako tatambay. Kung makakatulog man ako sa next subject nalang namin ako hahabol.

"Hayy. Makatulog na nga." Nagearphones ako at nagpatugtog ng rock music.. Hindi ko alam pero mas gusto ko to at mas nakakatulog ako kapag ganito. Pagkatapos ay pumikit na ko para makatulog.

---Ella's POV---

Para makabawi sa mga absents ko at sa mga late ko ay papasok na ko ng maaga simula ngayon. Mag-aaral na lang muna ako habang naghihintay sa oras ng klase. Dun ulit ako pupunta sa tambayan ko, san pa ba? Kundi sa likod ng clinic, medyo madumi man don ay tahimik naman at makakapag concentrate ka talaga sa pagbabasa.

Naupo na ko at sumandal sa isang pader at nagimula na kong magaral. Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko, parang may naririnig akong tunog pero sobrang hina lang. Sinubukan kong hanapin kung san nanggagaling yun kasi nakakadistract sa pagbabasa ko. Napansin ko na parang sa likod ko nagmumula yung tunog, nakita kong may tao pala dun sa kabilang side ng pader, lalaki, naka-earphones at rinig na rinig yung mga kanta na pinapakinggan niya.

"Anong klaseng tenga ba meron ang lalaking to?" tanong ko kahit alam kong hindi yung maririnig nung lalaki.

Na-curious ako kung sino yon, dahan-dahan akong tumayo at naglakad papunta sa lalaki nang biglang...

"RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING ~"

Nagbell na! Kaya naman nataranta ako at dali-dali kong kinuha ang bag at mga libro ko at tumakbo paakyat sa classroom namin. Habang tumatakbo ako ay naalala ko yung lalaki. Sayang, hindi ko man lang nakita kung sino yun.

Pagkapasok sa classroom ay agad na kong naghanda para sa 1st subject namin.

---James's POV---

Hindi ko alam kung nananaginip lang ako o totoong si Ella yung nakita ko kanina. Hindi ko kasi masyadong makita eh, medyo malabo pero parang siya. Siguro panaginip ko lang yun. Pero pati ba naman sa panaginip ko nandun parin ung babaeng yun? Ano bang nangyayari sakin? Bakit may panget akong napapanaginipan? Ang labo naman. Tae.

Di bale, oras na ng klase. Kaso tinatamad naman ako umattend ng first class lalo na't Math ang first subject namin. Tae yan. Ang aga-aga, pampadugo ng utak. Hay.

Imbis na pumunta ako sa classroom namin ay dumiretso ako sa quarters (kwarto nila) ng tropa. Nakita ko ang mga ginamit na intrument nila Darwin. Kinuha ko ang isang guitara at hinawakan ko ang kabuuan nito.

Matagal na rin akong huminto sa pagtugtog ng guitara dahil dati ay nagkainjury na ko dahil dito. Sa kagustuhan kong matuto at tumugtog nito ay tinitiis ko ang sakit at hapdi ng mga sugat sa daliri ko. Isang beses pa ay sumali ako sa isang competition pero natalo rin ako at simula noon ay pinatigil ako ng mga magulang kong tumugtog. Wala daw akong mararating sa pag-gui-guitara ko, aksaya lang daw yun ng oras. Pero hindi ako nakinig sa kanila, lagi naman kasi silang tutol sa lahat ng gusto ko kaya rin siguro ako naging rebeldeng anak. Wala naman kasing magiging problema sa bata kung maganda ang pagpapalaki sa kanila ng mga magulang nila eh.

We're Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon