Chapter 8 *Scandal! :O*

84 2 0
                                    

Ilang araw ng nakalipas pero hindi parin ako kinakausap ni Andrea, wala na ring lumalapit sakin na kahit na sinong estudyante. Ung mga dating students na nagpapatulong sakin, mas piniling bumagsak na lang kesa magpaturo sakin. Grabe. Ganito ba talaga dito. Now, I can say that I'm a certified loner. Hindi ko ata kakayanin yung ganito.

Habang pababa ako ng building ay may nakita ako na nagpatigil sakin. Ang daming babae na nagbubulungan dahil dun sa nkapost sa bulletin board. Sinubukan kong makipagsingitan sa kanila para makita kung ano yun.. Nung nakita ako ng mga babae ay agad silang gumilid..

Nagulat ako sa nakita ko, ako ang nandun pati.....  pati si Lance. Yun ung mga araw na lumabas kami at pumunta kami ng mall. Ang daming litrato na nagkalat sa bulletin board, meron din dung shot na sinuotan ako ng singsing ni Lance. 

At talagang pinakamasakit dun ay yung mga nakasulat sa bulletin board. Kaya pala nagkakagulo ang mga babae dahil isa yung sa mga bulletin board na pwede kang magsulat ng mga saloobin mo tungkol sa kung anuman ang nakalagay dun. 

MALANDI. MANGAAGAW. SOCIAL CLIMBER. 

Ang dami nilang tawag sakin. Ang dami kong nabasa na masasakit na salita. Gusto kong i-explain sa kanila ang lahat pero alam kong sayang lang ang laway ko dahil hindi naman nila ako iintindihin.

"Hindi totoo yang mga pinagsasabi niyo! Mali yung pagkakaintindi niyo sa mga nangyayari." sinigawan ko silang lahat.

"Oh dear, don't be so in denial. Ayan na ang pruweba oh."

"Hindi.. hindii!"

"Anong hindi? Aminin mo na kasi! Kaya ka nandito para makakuha ng mayamang lalaki na maiaahon ang pamilya mo sa hirap." sabi nung isang babae.

"Wala kayong alam tungkol sa pamilya ko! Hindi niyo alam kung anong pinagdadaanan ko. Hindi niyo ko kilala kaya wala kayong karapatan na husgahan kung sino ako at ang pamilya ko!"

"Oo nga. Hindi ka nga namin kilala kaya dapat hindi ka namin basta-basta pinagkakatiwalaan."

Nagulat ako sa boses na nagsalita. Si Andrea.. si Andrea yung mismong nagsabi nun. 

"Andrea.."

yun na lang ang sinabi ko at may tumulong luha sa mga mata ko. Ayoko mang umiyak pero hindi ko na napigilan. Naglakad papalayo si ANdrea habang ako ay naiwang pinagtutulakan at sinasabunutan ng mga babae. Wala na kong ibang kakampi kundi ang sarili ko. Wala na.. kundi ako na lang. Sa mga panahong ganito, kailangan kong lumaban pero hindi ko na nagawa. Masyado silang madami.

Halos hindi ko naramdaman ung pananakit na ginagawa nila sakin dahil mas masakit sa pakiramdam na talikuran ka mismo ng sarili mong kaibigan. Ano bang ginawa kong masama sa mga to? Wala naman eh. Halos talo ko pa si Manny Pacquiao dahil sa dami ng pasa ko sa katawan. Hindi pa sila nakuntento sa pambubugbog na ginawa nila sakin, tumigil sila saglit at akala ko ay okay na. Akala ko titigil na sila pero hindi. Binuhusan pa ko ng isang lalaki ng tubig. Basang-basa ako habang nakahiga na ko halos sa sahig. 

May narinig akong sumigaw, isang lalaki at tinigilan ako ng mga babae. Hindi ko na halos mamukaan kung sino ung sumigaw dahil blured na yung mga nakikita ko. Halos wala na rin akong marinig. Hanggang sa pinilit kong tumayo pero sa pagkakatayo ko, bigla na lang dumilim ang paningin ko at hindi ko na alam kung ano pa ang sumunod na nangyari..

---Lance's POV---

Habang papaakyat ako ng classroom kasama ang tropa ay may nakita akong mga babae na nagkakagulo, parang may away pa nga eh. Hindi naman talaga ako mahilig makiusi sa mga ganun dahil madalas nanamang nangyayari yan sa school. Pero nagulat ako sa nakita ko, hindi ko alam kung namamalikmata lang ako, mukhang si Ella ata yung pinagtutulungan nung mga babae. Lalo pa kong nagulat nung buhusan ito ng tubig ng isang lalaki.

We're Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon