Chapter 6 *A day with HIM*

71 3 0
                                    

Tapos na ang klase kaya naghintay ako sa lobby para kay Lance.. Dumating na si Lance at sabay kaming lumabas ng school at sumakay na kami sa sasakyan niya. Napansin ko na habang naglalakad kami ay madaming babaeng nakatingin at nagbubulong-bulungan. Hayy. Inggit lang sila, kasi hindi pa sila nayaya ni Lance na lumabas. Bleh. Nganga kayo ngayon. Hahaha.

"San nga pala tayo pupunta?" tanong ko kay Lance..

"Hmm. Sa mall. Bibili kasi ako ng jewelry, ehh hindi naman ako magaling sa mga ganun.

"Ahh. Sige."

Jusko. Kahit nga ako, hindi marunong pumili eh. Hello uniform nga di ko pa mabili, alahas pa kaya?

Nasa jewelry shop na kami.. May kinuhang singsing si Lance at sinubukang isukat sakin..

"Sukatin mo nga to.." nagulat ako sa sinabi niya.

Lance? Propose agad? Hindi pa nga tayo eh. Oo, crush na crush na kita pero di naman ako pa-easy to get noh. Maghirap ka muna.

"Ella. Okay ka lang?"

Hindi ko na namalayan na ang dami ko na palang naiisip at natulala na ko. Napahiya nanaman ako kay Lance. :((

"Ah oo. Sino ba kasi yung bibilhan mo nyan? Bakit hindi na lang siya yung isama para mas sure ka. Diba?"

"Eh basta.. Secret na yun."

Secret? Jusko. Eto na nga ata yung pinakahihintay kong mangyari sa buhay ko. May gusto na ata talaga sakin si Lance.

"Miss kukunin ko to pati din yun tsaka eto pang isa." sabi ni Lance dun sa babae.

"Okay sir." sagot naman nung babae sabay kuha dun sa mga pinagtuturo ni Lance.

Mga mayayaman talaga, turo lang ng turo, nakukuha na agad yung gusto nila. Ang sarap siguro maging mayaman.  

Pagkatapos naming bumili ng kung anu-ano ay kuman ulit kami ni Lance dun sa kinainan namin nung huli. Favorite niya daw kasi dun kaya pumayag na rin ako tsaka masarap din naman yung mga pagkain dun eh.

Habang naghihintay ng order ay ginawa namin ni Lance ung homewrok namin. Diba nga classmates kami? Kaya ayun, sa mga tanong na nahihirapan siya ay tinuturuan ko siya at ganun naman din siya sakin. After naming gumawa ng homework ay nagkwentuhan kami. Madaming joke na alam si Lance na talaga namang nakakatawa. Hindi ung tatawa ka lang kasi crush mo yung nagjoke sayo. Iba talaga si Lance sa mga lalaki dyan sa tabi-tabi. Hindi siya friendly sa iba, sakin lang talaga. Oh diba? Jackpot. Haha. So ayun, umuwi na kami, hinatid niya ulit ako samin..

Pagkarating ko ng bahay..

"Mukhang napapadals ang paglabas niyo ni Lance, anak ah." sabi ni Nanay.

"Ahh. Hindi naman po Nay. Nagpatulong lang siya sakin na bumili ng singsing."

"Singsing? Bakit Ate? Ikakasal na kayo? Agad-agad?!" sabi naman ni Tristan.

"OA lang? Nagpatulong nga diba? NAGPATULONG. Gusto mo spell ko pa sayo?"

"Oh siya siya, kumain ka na ba?" sabi ni Nanay.

"Opo Nay eh."

"Hmm. Nagseselos na ko dyan kay Lance ah. Baka mamaya makalimutan mo na ang lasa ng luto ng nanay mo dahil sa kung san-sang restaurant na kayo nagkakakain."

"Pwede ba yun, Nay? Ikaw kaya ang dabest na Chef sa buong mundo para sakin!" sabay kiss kay Nanay at yakap.

"Sige Nay. Magpapahinga na po ako ah? Good night po."

------------------------------------------------------------------------------------------------

We're Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon