---James's POV---
Sinadya ko talagang hindi pumasok ng maaga. Tinatamad din kasi ako magklase, sa practice na lang ako a-attend.
At isa pa.. Si Ella..
Ayoko na lagi akong nandyan para ipagtanggol siya sa iba.
Kailangan rin niyang ipaglaban ang sarili niya sa mga taong umaapi sa kanya. Alam kong sapat na ang ginawa kong pagbabago sa itsura niya para magkaron siya ng confidence na lumaban.
Actually andito na ko sa music room.
Hanggang sa padami na ng padami ang mga tao pero wala parin akong Ella na nakikita.
"Pumasok kaya siya?" bulong ko sa sarili ko.
Bigla naman akong tinapik ni Darwin.
"Wag ka magalala pre. Pumasok si Ella ngayon."
"Ella ka dyan? Manahimik ka nga. Hindi si Ella yung hinahanap ko noh."
"Oh pre, ayan na pala si Ella eh."
Paglingon ko ay may isang napakaagandang babaeng pumasok sa pintuan ng music room.
TEKA TEKA. Ano yung sinabi ko? 'napakaganda?' Erase! Erase! 'Maganda' lang pala.
Bakit ko ba nasabi yun? >/////////////<
Sa paglingon ko sa kanya ay agad kong iniwas ang mga tingin ko.
Ayokong maging nganga tulad ng iba.
Tsaka si Ella parin naman yun eh. Inayusan lang ng onti.
---Ella's POV---
Medyo late na pala akong pumunta ng music room.
Hindi ko na kasi namalayan ang oras eh.
Pagkapasok ko sa music room ay nakatingin ang lahat sakin na parang gulat na gulat.
Ay oo nga pala! Minake-over ako ni James.
Speaking of James, andito na pala siya? Pero wala siya kanina?
Ayaw niya lang sigurong magklase. Hmm.
Nung pagkakita ko kay James ay parang wala lang sa kanya yung itsura ko.. Hindi man lang siya tumitig kahit mga 5 sec lang. Kainis! Wala man lang ba talagang epekto ung gandang meron ako ngayon?!
HMP!
Bahala nga siya.
"Sorry kung late ako. Sige na, let's start." Sabi ni Miss Ocampo na kasunod ko lang din pala papunta ng music room.
"Oh? Iha? Bago ka ba?" tanong sakin ni Miss.
Eh nakatalikod ako kaya hindi niya ko sigurong masyadong nakilala.
Humarap ako kay Miss.
"Oh Ella! Ikaw pala yan. Wow! Ang ganda-ganda mo na ah. Ano na? Start na tayo ah?"
Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o hindi. Alam mo yun?
Panget ba talaga ako dati? Hmp!
Magsisimula na sana kami pero dumating din si Andrea na late.
"Sorry Miss, I'm late." Sabay yuko sa harap ni Miss.
"It's okay. Pumwesto ka na para makapagstart na tayo."
Pumunta na si Andrea sa tabi ko kasi magkatabi talaga kami ng pwesto, nakita ko na nagulat siya sa ayos ko. Kahit sino naman talaga ay magugulat eh.
Pero katulad ni James ay umiwas na lang din siya ng tingin.
---Andrea's POV---
"Ang ganda pala ni Ella noh?"
"Oo nga eh. Hindi ko alam na mas maganda pa siya kaysa kay Andrea."
"I know, right. Baka matalbugan na niya ang dakilang prinsesa ng campus.."
"Excuse me." Sabi ko sa dalawang babaeng naguusap na nakaharang sa daan.
Narinig ko lahat ng sinabi nila sakin at kay Ella.
SI Ella..
Hindi ko alam kung pano ako magrereact sa bago niyang itsura..
Naiinis ako.
Bakit siya nagpaganda? Para ba matalbugan ako?
Akala ko ba totoo siyang kaibigan sakin?
Pero bakit ganito?
Ibig sabihin ba nito ay..
Ano ba sa tingin niya ha?!
Hindi niya ko matatalbugan. HINDING-HINDI.
Tapos na ang rehearsal pero parang gusto ko pang sumayaw.
Ipapakita ko sa iba na hindi ako kayang talbugan ni Ella Magtalas.
Na si Andrea Nicole Perez ay hindi matatalbugan ng kahit na sino kahit si Ella Magtalas pa yan.
Pumunta ako sa gym at napansing break na rin pala ng lahat.
Magandang pagkakataon to.
Umakyat ako ng stage..
Biglang tumugtog ang kanta ng Run The World.
[A/N: I-play niyo po yung nasa gilid para mas maganda. :)]
Girls, we run this motha (yeah!) [x4]
GIRLS!
"Ang galing talaga ni Andrea noh?"
"Oo nga eh. Bilib ako sa kanya sa pagsayaw."
Dahil sa narinig ko.. lalo pa kong ginanahan magsayaw.
Who run the world? Girls! [x4]
Who run this motha? Girls! [x4]
Who run the world? Girls! [x4]
Some of them men think they freak this like we do
But no they don't
Make your check come at they neck,
Disrespect us no they won't
My persuasion can build a nation
Endless power, with our love we can devour
You'll do anything for me
Who run the world? Girls! [x4]
Narinig ko ang hiyawan ng mga tao pagkatapos kong sumayaw.
"Ang galing mo talaga Andrea! Wooo!"
Basta ang daming sigawan at hiyawan.
Siguro naman matatauhan na ung mga babae na nagsabi sakin kaninang matatalbugan ako ni Ella.
I know she can't do that.
Hindi lang dito nagtatapos ang plano ko ngayon. May isa pa.
At tiyak maipapakita ko na deserving talaga ako sa role na binigay sakin at hindi ko na kailangan pa si Ella o kahit na sino para maging substitute ko.
===========================================================================
Ano kaya ang isa pang plano ni Andrea? Pano to makakaapekto sa buhay niya at ni Ella? ABANGAN.
Don't forget to vote and comment! :D
BINABASA MO ANG
We're Perfectly Imperfect
Ficção AdolescenteAnong pipiliin mo kung sakaling nagkagusto sayo ang crush mo pero hindi lang siya kundi pati yung pinsan niya.. Pero may nararamdaman ka na ring ibang feeling para dun sa pinsan niya. Sinong mas pipiliin mo? Ang ultimate crush mo o yung isang lalaki...