"Ate nakita mo na ba si LA?" pambungad na tanong sakin ng kapatid ko pagkauwi ko ng bahay.
"Oo." matipid kong sagot.
"Oh nakita mo na pala eh, bakit ganyan parin ung mukha mo?"
"Eh kasi minalas si Ate eh."
"Ano nangyari?"
"Wag ka na makulit. Gusto ko na magpahinga. Tignan mo na lang tong uniform ko, siguro magegets mo na yun."
"Natapunan ka ng juice?!"
"Ay hinde, nagswimming ako sa juice. Wag nga sabi makulit. Dun ka na."
Lalo pa siyang nagtanong kung anong nangyari pero hindi ko parin sinasagot. Kailangan ko muna ibabad ung uniform ko. Iisa lang kaya yung uniform ko. Hindi kasi kasama un sa libre eh, tuition fee lang talaga. Kaya dapat araw-araw kong labhan.
---LA's POV---
Ako nga pala si Lance Angelo Javier, LA for short. Pero yung talagang mga nakakakilala lang sakin ang pwedeng tawagin ako sa pangalang LA. Karamihan ng estudyante sa school, 'Lance' ang tawag sakin. First day of class, naging maayos at maganda naman para sakin pero siguro, hindi para sa iba. May nakita akong babae kanina na natapunan ng juice, grabe ung mantsa sa uniform niya. Dapat lalapitan ko siya at ibibigay ang varsity jacket ko pero bigla na lang siyang tumakbo. Hindi ko siya kilala pero naaawa ako sa kanya nung mga oras na yun. Halos pagtulungan kasi siya kanina ng mga estudyante, pero siguro kung nilapitan ko siya at tinulungan, mas lalong dadami ang mangaaway sa kanya.
***2nd Day of Class***
Siguro wala parin kaming gagawin ngayon. Magpapakilala lang sa bawat subject tapos essay. Lagi naman ganun pag pasukan eh. Ano pa bang bago? Speaking of bago, may bago pala kaming kaklase. Babae daw tsaka matalino, siya nga daw ung nakakuha ng pinakamataas na grade sa entrance exam eh. Hmm. Matignan nga kung talagang may ibubuga to.
Nung nagpakilala na kami isa-isa, nakita ko ulit yung babae na natapunan ng juice kahapon. Siya pala yun. So siya rin ung sinasabi nilang bago na matalino. Hayy. Matalino nga, hindi naman marunong magayos. Mukha tuloy pulubi.
"So Ella Magtalas pala, Ella ang pangalan niya." hindi ko alam kung bakit ako bigla naging interisado sa kanya. Sa katunayan, mas magaganda pa nga ung ibang mga babae sa kanya eh. Hmm. Siguro dahil matalino siya. Mukhang mapapalaban ako nito ah.
Ako kasi ang Top 1 dito, kahit lalaki ako at madaming kalokohan ay nakukuha ko parin namang magaral. Nung uupo na si Ella, bigla na lang hinili nung isa kong kaklase yung upuan niya kaya nung uupo na siya ay nahulog siya. Ang lakas ng tawanan sa classroom, hindi ko alam kung anong nakakatawa don? Pinaglalaruan nila ang isang babaeng walang kamuang-muang kaya naman sinita ko yung kaklase ko.
"Hoy James, tigilan niyo nga yan. Ang aga-aga para sa mga kalokohan na ganyan."
"oh pare? Anong nangyayari sayo? Masyado ka namang apektado. Naglalaro lang naman kami eh"
"Hayaan niyo muna siya, bagong salta palang eh. Kawawa naman."
"Okay. Sabi mo eh"
Si James nga pala, isa sa mga pinsan kong loko-loko. Kahit kailan hindi ko pa siya nakitang nagseryoso sa buhay kahit sa pag-aaral. Hindi naman siya bumabagsak pero laging mababa ang nakukuha niyang marka kaya palagi kaming napagkukumpara na dalawa.
---Ella's POV---
Alam mo talaga yung nakakainis? Malas ka na nga pagnandyan ung crush mo sabayan mo pa ng mga masasamang estudyante dito sa paaralang to. Pasalamat sila at mayaman sila kaya wala akong panlaban sa kanila. Sa talino ko na lang sila lalamangan.
Kinilig din ako kanina nung narinig ko na sinuway ni LA ung mga kaklase namin na pinagtitripan ako. Feeling ko concern na concern siya sakin. Sana matapos na tong kamalasan na to at matapos na rin ung mga kalokohan ng mga kaklase ko na pinaggagagawa nila sakin.
Lunch time na. Wala akong pera pambili ng pagkain sa canteen pero nagbaon ako ng pangluch ko. Halos lahat sila sa canteen bumibili ng kakainin, pinagtitinginan at pinaguusapan nanaman ako ng iba..
"Look that girl oh. What's that? Nagbabaon pa siya like she's junior na diba? At ano ung food niya like eww." sabi nung isang maarteng babae.
"Yea. And it smells like yuck? Is that a garbage or something? It smells awful. Eww. Nakakawalang gana tuloy kumain." sabi naman nung isa.
Ang dami nilang pinagsasabi, like eww like yuck? Conyo? Jusko, mas magaling pa ko mag-english sa kanila eh. Magaganda't mayayaman nga, wala namang laman ang utak. Dibale na lang.
Masarap naman tong ulam ko ah. Tuyo, favorite ko nga to eh tapos ang bango bango pa, ang sarap. Tsaka handa to ni Nanay kaya special to kumpara sa mga mamahaling pagkain na tinitinda sa canteen.
Buti na lang at dumating si Andrea, naupo siya sa tabi ko kasama yung iba niyaang mga kaibigan. Parang ayaw pa nga nilang maupo sa tabi ko eh, nandidiri na ewan, wala naman akong sakit sa balat para mandiri sila. Buti pa si Andrea, walang kaarte-arte. Maganda na mabait pa.
Ilang linggo na ang lumipas at medyo naging sanay na ko sa mga tao dito, nasanay na rin sila siguro sakin at sa pagkain ko ng kaunti kaya hindi na nila ako masyadong pinagpupuntiryahan.Medyo naging sikat pa nga ako sa classroom namin dahil palagi kong nasasagot ang mga tanong ng teacher ko na hindi alam ng mga kaklase ko. Madalas na nagpapaturo pa sakin ung taga-ibang section pag may homework sila. Nakakatuwa dahil dun ay medyo dumami na rin ung mga kakilala ko.
BINABASA MO ANG
We're Perfectly Imperfect
Teen FictionAnong pipiliin mo kung sakaling nagkagusto sayo ang crush mo pero hindi lang siya kundi pati yung pinsan niya.. Pero may nararamdaman ka na ring ibang feeling para dun sa pinsan niya. Sinong mas pipiliin mo? Ang ultimate crush mo o yung isang lalaki...