Chapter 17 *The Make-over!*

152 4 2
                                    

"Ate Gina.. pupunta ako sa inyo ah. May kasama nga pala ako. In 5 minutes nandyan na kami.

"Sino yun?" tanong ni Ella sakin.

"Ang dami mo talagang tanong noh. Manahimik ka na lang. Ang ingay mo eh.

Hininto ko na ang kotse at bumaba.. binuksan ko rin yung pintuan ni Ella para naman kahit minsan ay masabihan akong gentleman. Pumunta pala ako sa isang salon, hindi dahil magpapayos o magpapagupit ako ng buhok.. basta. Magbasa ka na lang.

"Hello Sir James. Long time no see." bungad ng babae samin.

"Si Ate Gina?"

"Oh James andito ka na pala." bigla namang may lumabas na babae sa isang pintuan.. yun si Ate Gina, ang dating personal make-up artist ni Isabelle.. ang Ate ni Lance.

"Oh eto. Ikaw na bahala dyan ah." sabay tulak kay Ella papunta kay Ate Gina.

Hindi nagsalita si Ella pero tumingin siya sakin at alam ko sa tingin niya ay nainis siya sa ginawa ko sa kanya. Nakakatuwa talaga kapag naiinis siya, ang cute cute niya pero.. hindi pala cute.. lalo siyang pumanget. HAHAHA.

---Ella's POV---

Nasa isang salon ako ngayon kasama si James.. Grabe, hindi talaga gentle man ang isang tao, itulak ba naman ako? Ano ba niya ko? Katulong?! Hmp. Tsaka ano nanaman kayang pakulo ang gagawin ni James at ipapaayos niya pa ko.

"Miss Ella.. maganda ka naman eh.. hindi ka lang talaga marunong magayos." sabi sakin nung Gina ba yun? Hayy ewan.. Basta yung babae.

"Ella na lang po." sabay ngiti ng plastik sa kanya. Sabihan ba naman ako ng ganun? Hindi ko alam kung insulto o compliment eh.

Sinimulan na niyang itali ang buhok ko at nilagyan ng kung anu-anong kaekekan ung mukha ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.. nakapikit lang ako halos buong oras na inaayusan niya ko. Kinulot rin niya yung buhok ko tapos may pa-foot spa pang nalalaman tapos manicure at pedicure rin ang peg nito. Sa sobrang tagal ng pagaayos sakin ay nakatulog na ko.. Nagising na lang ako nung mie-make upan na niya ako. Syempre tinanggal ko muna yung mga muta ko, nakakahiya naman. 

SA WAKAS NATAPOS RIN ANG PAGAAYOS SAKIN. DI ko namalayan na magdidilim na pala. Tapos inayos nila yung buhok ko at pagkaharap ko sa salamin.. Hindi ko alam kung sino ang nandon pero kamukha.. mas maganda nga lang siya ng onti tapos.. tapos.. BASTA ANG GANDA. Namangha ako sa ginawa sakin ni Ate Gina. Grabe. Totoo bang ako to? Hmm. Ano kayang magiging reaksyon ni James pag nakita niya ko? Nganga siguro yun. HAHAH.

"Ayan tapos na. Nagustuhan mo ba?" tanong ni Ate Gina.

"Opo. Maraming salamat po. ANg galing niyo nga po eh, biruin niyo.. napaganda niyo ko? hehe."

"Oh Ate Gina, ayos na ba yan? Ang tagal naman! Nakatulog na ko't lahat-lahat pero.." hindi na napagpatuloy pa ni James yung sinabi niya.. Tumingin ako sa kanya at napahinto siya sa pagsasalita. Namangha siya siguro sa kagandahan ko. 

"Oh tapos na pala eh. Tayo na." sabi ni James sabay talikod.

Yun lang yun?! Hindi man lang niya sinabing ang ganda mo Ella. Lechugas talaga yung lalaking yun.

"Ate Gina, sa susunod na lang yung bayad ah. Nagmamadali kasi kami eh. Tara na Ella." sigaw ni James samin.

"Sige po Ate Gina. Maraming salamat po ulit ah."

"Walang anuman."

Agad na kong kumabas ng salon at sumakay sa sasakyan ni James. In fairness, mas maganda yung sasakyan niya kay LA. Itong kay James kasi parang gwapo yung nagddrive pero ang totoo demonyo yung nagddrive! Inis talaga! Hmp!!!

We're Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon