Chapter 22 *Fail*

108 2 0
                                    

"Ella." narinig kong may tumawag sakin kaya napalingon ako.

"Lance, ikaw pala yan." sabay ngiti sa kanya. 

Tinabihan niya ko.

"Congrats ah?"

"Ha?! Para san?"

"Ang galing-galing mo kanina. Parang ibang Ella ung nakita ko."

"Anong ibig mong sabihin ha? Na hindi ka naniniwalang maganda ang boses ko?"

"Ahh. Hindi naman sa ganun. Hindi lang halata sa itsura mo nung una."

Napatigil ako sa sinabi niya.

"So ibig sabihin pala ay kung hindi pa ko gumanda, hindi ka maniniwala na may boses ako?"

"Ella.. Hindi naman sa ganun."

"Pero ganun naman diba? Porke panget ang itsura ng isang tao ay agad mo na siyang iju-judge. Grabe. Hindi ko alam na ganyan ka, Lance."

Nakita ko ang pagkagulat ni Lance sa mukha niya. 

Hindi niya siguro ine-expect na ganun ang sasabihin ko.

Hindi na siya nakapagsalita pa..

"So ano? Ayos ba acting ko?" sabay ngiti sa kanya na may halong pagtawa.

"Acting lang ang lahat?"

Hindi na ko nakasagot sa sobrang pagtawa ko.

"Akala ko totoo na. Nakakainis ka. Bakit ka ganyan Ella Magtalas? Ha?"

"Hahahahahahha. Alam mo kung nakita mo lang yung mukha mo kanina, hindi ko alam kung pano ide-describe pero sobrang nakakatawa. HAHAHAHHAHA."

"Ella Magtalas, humanda ka talaga sakin."

Tumakbo ako palayo habang palingon-lingon kay Lance na tipong nangaasar.

"Belat! Bleh!"

"Alam mo para kang bata. Anong akala mo? Hahabulin kita? Magisa ka." narinig kong sabi ni Lance sakin kaya tumigil ako saglit at humarap sa kanya.

"Oh talaga? Kailan pa naging pambata ang pagtatakbo? Ang sabihin mo, hindi mo lang ako kayang habulin. Belat!"  

"Anong hindi ka dyan? Akala ko ba ultimate fan kita? Hindi mo ba alam na madami na kong awards na nakuha dahil sa mga marathon?"

"Neknek mo. Wala pa kong nababasa na may napanalunan ka na sa mga marathon noh!"

"Aba. Ayaw mo talaga maniwala ah. Gusto mo patunayan ko pa sayo. Humanda ka Ella Magtalas!"

Nakita ko na tumakbo na siya papunta sakin kaya tumakbo na rin ako ng mabilis. Hindi ko alam pero ang saya-saya ko nung mga panahong un.

Alam kong masaya kami.

Para kaming mga bata na naghahabulan.

Mga batang walang kamuang-muang sa mundo.

Mga batang parang walang problema na hinaharap.

Tumakbo ako papunta sa malaking puno para magtago.

Sinilip ko si Lance kung nasan sya banda, pero di ko siya nakita.

May pakiramdam ako na baka nasa likod ko na siya kaya tumakbo ulit ako pero sa hindi inaasahan..

Nadapa ako. 

We're Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon