Chapter 3 *Paint Me*

99 2 0
                                    

Tumigil na sa panlalait ang ibang mga estudyante maliban sa isa... si James. Hindi ko alam kung ilang beses siya iniri ng nanay niya sa sobrang kulit niya. Nakakairita na talaga. Tapos ngayon nagpapatulong pa siya sakin na gawin ung assighnment sa Trigo, eh bakit hindi na lang siya magpatulong kay LA? Pero sabagay, magkatropa sila ni LA at kung magkatropa sila, lagi silang magkasama. Kung magpapaturo sakin si James eh di kasama si LA? Yiee. Pasalamat na lang siya at kasama dun si LA kundi nako, hindi ko talaga siya tutulungan. 

Sa school na to, may sariling room ang barkada nila LA, yung isa kasing katropa nila ay anak ng mayari nitong school kaya parang sila yung naghahari-harian dito sa school. Hindi ko nga alam kung bakit napasama dun si LA samantalang ibang-iba siya kumpara sa mga katropa niya. 

Papunta na ko sa room nila, pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay biglang may natapon saking dilaw na pintura. Nakasabit ito sa taas ng kisame para kung sinuman ung magbubukas ng pinto ay matatapunan nung pintura na yun. Nakakaasar talaga! Nakakainis! Trap lang pala un ni James, naloko nanaman niya ko. Nakakainis, nakakagalit, pati libro ko nabasa tapos ung kaisa-isang uniform ko wala na. Jusko, wala na kong ipapampalit nito, nakakahiya sa ibang mga estudyante.

Sa sobrang galit ko, yung latang nahulog mula sa taas ay pinulot ko, meron pa dung tirang pintura. Binuhos ko yun lahat kay James. 

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" sigaw niya sakin.

"At ikaw pa ang naglakas ng loob na sabihin yan sakin ah. Bakit? Sino bang biktima dito? ikaw ba ha? At isa pa kaya mo naman to ginagawa para magiing masaya ka diba? Oh ayan, binuhusan rin kita ng pintura para makita ko kung gano kasaya pagtripan ang isang tao. Pero alam mo, hindi parin tayo patas eh. Kasi ikaw mayaman ka, madami kang uniform na pwedeng ipampalit, maraming kang pera na pambili ng bagong mga libro. Samantalang ako, kaisa-isa na nga lang yung uniform ko, eto pa ang nangyari, kulang-kulang na nga ung mga libro ko nabuhusan lang ng pintura."

Sa sobrang galit ko, nalabas ko lahat ng gusto kong sabihin at wala akong pinagsisihan ni-isang salita na sinabi ko sa pagmumukha niya. Halos wala siyang imik.

"Oh siguro naman masaya ka na? Napagtripan mo na ko, nagalit mo pa ko. Diba gusto mo na palaging nagagalit sayo ung mga tao? Eto na. At salamat sa pintura ha? I appreciate it a lot. Masyado ka namang nagabala para sakin."

Halos walang imik ang buong tropa nila. Kahit yung ibang mga kaibigan ni James ay walang imik at tahimik lang.

"At kayo naman. Sana sa susunod maghanap naman kayo ng ibang mapagttripan niyo. Masyado niyo ata akong favorite eh. Tsaka sana wag puro yabang at pera ang pinapairal niyo, gamitin niyo naman ung utak niyo para kahit papano makagawa kayo ng tama!"

Wala na kong ibang masabi pa. Aalis na sana ako pero nakita ko si LA na nasa pintuan. Halos wala na kong mukhang maihaharap sa kanila lalo na kay LA. Grabe tong school na to, school ba to ng mga demonyo? Napakamali talagang lumipat ako sa private school na to.

---LA's POV---

Si clumsy girl (Ella), nakita ko nanaman na nadisgrasya pero this time feeling ko sobra-sobra na. Hindi un aksidente, alam kong sinadya yun nila James.

We're Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon