Chapter 5

68 2 0
                                    

Isang linggo nang nakalipas simula nung inaway ako ng mga babae sa school at hanggang ngayon ay mainit parin ang ulo nila sakin pero dahil kasangga ko si Andrea ay hindi nila ako nasasaktan. Pero ngayong araw, hindi ko pa nakikita si Andrea sa school, baka umabsent siya? Hala? Pano na ko nito? Sino na lang magliligtas sakin laban sa mga malditang yun?

"Dapat maging positive thinker ka, Ella. Kaya mo to. Walang mangyayaring masama sayo."

Matapang kong sinabi ito sa sarili ko at nagsimulang maglakad sa hallway papuntang classroom. Nang biglang hinarangan ako ng mga babae. Ito na nga ba yung sinasabi ko eh.

"Oh Miss Magtalas, himala at hindi mo kasama si Andrea?" sabi nung isa.

"Baka naman iniwan ka na? Ayaw na ata sa low class na katulad mo?" sabi pa nung isa.

Hindi ko sila pinagpapansin at dumiretso ako sa paglalakad nang hinila nung isang babae ung buhok ko.

"Bastos ka ah! Kinakausap ka pa namin eh, ganyan ba ang ugali ng mga taga-squatters? ha?"

Tulad nung huli, pinagtulungan nanaman nila ako pero mas grabe ngayon. Sinabunutan nila ako at piangtulungan pero bigla silang huminto nung may sumigaw..

"Girls! Sila Lance ohhh!" sabay tili ng mga babae.

Sabay-sabay akong binitiwan ng mga babae at tuluyang napahiga sa sahig nang biglang tinayo ako ng isang lalaki at hinila papalayo sa mga babae..

"Aray! Ano ba?!" Pagkakasigaw ko sa lalaking humila sakin. Bigla naman niya kong binitawan at humarap sakin..

"James?!" nagulat ako sa nakita ko. Ano nanamang trip ng lalaking to?

Sa pagkakakita ko ng pagmumukha niya ay sobrang nainis ako. Kahit wala pa siyang sabihin ay sobrang naiinis na ko sa pagmumukha niya, kung pano niya ko tignan, kung pano siya tumayo. BASTA NAKAKAINIS!!

"Ano nanamang problema mo? Wala akong panahon makipagbiruan sayo ah." pagkatapos ay lumakad ako papalayo pero hinila niya yung braso ko.

"Teka, teka. Ano? Ganun na lang yun? Wala man lang 'thank you'?" sabi niya.

"Ha?"

"Niligtas kita dun sa mga babaeng yun noh.

"Ligtas ba tawag dun? Akala ko kasi harassment eh.

Pagkasabi ko non ay umalis na ko pero hinabol niya parin ako..

"Hoy teka lang. Teka lang ulit.

"Ano nanaman?!" Pagtataray ko sa kanya..

"Yung uniform na suot mo ngayon.. Hindi ka man lang ba magt-thank you dahil dyan?" sabay ngumiti siyang mukhang nangaasar sakin..

Hindi ko halos alam kung anong sasabihin ko, kapag tinarayan ko naman siya, sasabihan niyang walang hiya ako. Pati ba anaman to utang na loob ko pa? hayy.

"Oh eh di thank you. Happy? kthnxbye!" sabi ko sa kanya at naglakad papalayo pero humarang ulit sya sa harapan ko..

"Ano bang problema mo ha? Ano nanamang trip mo? Pwede ba? Kung magloloko ka lang ulit, wag mo na ko idamay!"

"Grabe ka naman makasalit. Tao din naman ako noh."

"Taong walang puso!!!" sigaw ko sa kanya.

"Kung wala akong puso bakit pa kita binilhan ng bagong uniform? Kung wala akong puso bakit pa kita niligtas dun sa mga babaeng nangaaway sayo?"

"kung may puso ka, bakit mo ko nagawang buhusan ng pintura?!"

"Babae ka talaga! Ang ingay mo eh." matipid na sagot niya. Wala ngang konek ung sinabi niya sa sinabi ko eh..

"Ano ba talagang kailangan mo sakin?"

"Hmm.. Gusto kasi sana kitang yayain lumabas.. kung pwede. Teka! Wag mong isipin na type kita ah. Hindi bumababa sa cup C ang mga nagiging GF ko. Gusto ko lang sana bumawi sa mga nagawa ko sayo."

"Ang feeler mo ah. Pano naman ako magkakagusto sa walang pusong lalaking katulad mo? Wag na, baka utang na loob ko pa yan sayo eh."

Hindi na nakapagsalita si James dahil tinawag ako ni Lance.

"Ella!"

"Oh? Lance! Bakit?"

"Hmm. Gusto kasi sana kita yayain lumabas mamaya after class, yun ay kung free ka.."

Actually gagawa pa ko ng mga assignments ko eh pero dahil crush ko ang nagyaya, gorabels na lang. Kaya ko naman gawin yun mamaya.

"Ahh sige ba. Kita na lang tayo mamaya ah." sabay ngiti kay Lance at nung pagkaharap ko kay James ay sumimangot ako.

---James's POV---

Nakakainis naman yung babaeng yun. Siya nga lang yung unang babae sa school na  niyaya kong lumabas eh. Samantalang yung mga babae yung nagkakandarapa sakin na makipagdate sa kanila. Babae ba talaga yun? Tibo ata yun eh.

Tapos nung si Lance yung nagtanong sa kanya kung pwede sila lumabas, payag agad siya. Hindi man lang nagdalaawang-isip. Anong bang meron kay Lance na wala sakin? Pareho naman kaming gwapo, katunayan mas gwapo nga ako sa kanya eh at pareho pang Javier ang apelyido namin. May sayad talaga yung babaeng yun!

We're Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon