Chapter 14 *The Result!*

105 3 2
                                    

Ilang araw rin ang hinintay ng mga estudyante para malaman kung sino ang mga pasok sa audition. Maraming tao na hindi nakapasok dun sa role na gusto nila pero kahit papano ay kasama parin naman sila sa play. Binigay lang sa kanila yung mga roles na babagay sa kanila. Halos lahat ng role ay sinabi na maliban sa mga lead. 

---Ella's POV---

Maraming magagaling kumanta at sumayaw na hindi pasok dun sa gusto nilang role pero kasama parin sila sa play. Yung iba back-up dancer, yung iba 2nd voice. Kung sila nga na magagaling ay hindi nakapasok, pano pa kaya ako na hindi man lang pinaghandaan ang pagkanta ko?

"Miss Magtalas and Miss Perez procede to the Music Room." sabi ng isang boses.

Agad naman akong pumunta.. Pero ang iniisip ko, bakit pati si Andrea kasama? Tungkol ba to sa musical play? O sa iba pang bagay? Hindi kaya kalaban ko si Andrea sa pagiging lead? PATAY NA. Ano ng gagawin ko?! Hindi pa kami bati dun sa huling issue tapos dadagdag pa to? Anak ng tinapa naman talaga oh. 

>___<"

---Andrea's POV---

Pinatawag kami ni Ella? Tungkol san naman to? Wala akong panahon para makipagaway ngayon. Bahala na. 

Pagkarating ko sa Music Room kinausap ako ng isang teacher na naging judge nung audition day. 

"So tungkol pala to sa musical play?" tanong ko dun sa teacher.

"Yes, Miss Perez.

"Alam ko namang ako na ang napili niyo para maging lead eh.. Diba?"

"Hintayin mo muna natin si Miss Magtalas bago tayo magsimula." yun lang ang tangi niyang naisagot sa akin. Hintayin? Bakit pa? Hmp!

Tumatakbong papasok si Ella sa Music Room. Hindi ako nagsalita ng kahit na ano, tinignan ko lang siya pero inalis ko rin kaagad yung tingin ko sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at kinausap na kami nung teacher.

"I called both of you because we will talk about the musical play.." sabi nung teacher.

"Sasabihin ko rin kung sino ang pasok sa inyong dalawa para sa lead. Actually dalawa lang naman kayo na nag-audition for that role eh pero ganun pa man ay nahirapan parin kami kung sino sa inyo."

"Alam ko anmang ako yan eh. Bakit niya pa papatagalin?" sabi ko sa teacher.

"Hmm. Miss Perez wag kang masyadong maging kampante. Kahit na alam ng lahat na talented ka ay maganda din ang boses ni Ella." sa sinabi sakin nung teacher ay parang nasaktan ako. 

"So ibig sabihin, si Ella ang pasok?" tanong ko sa kanya.

"Wala pa kong sinasabing pangalan Miss Perez. Pwedeng huminahon ka muna?" sabi sakin nung teacher.

"Ang pasok sa inyo ay si..

Grabe, kabado ako. Parang nasa may pagaent lang ako. 

"Congratulations Miss Perez. Ikaw ang napili ng mga judge para gumanap ng lead actress sa musical play."

"See? I told you." Buo kong pagmamalaki sa kanilang dalawa. Nakita ko ring yumuko si Ella. Hindi na dapat siyang magexpect pa lalo na kung ako naman ang kalaban niya.

"But.. Miss Magtalas you'll be the one who'll substitute Andrea when something happens to her.

Ano namang mangyayari sakin noh? Hindi pa naman siguro ako mamamatay bago magmusical play eh. 

Binigay na saming dalawa yung scripts. 

"Wag kang magalala Ella. Hindi mo na kailangang magmemorize pa ng script.. Wala namang mangyayaring masama sakin eh. Kaya ko to. Hindi na kita kailangan." sinabi ko yan kay Ella pagkaabot sakin ng script at matapos i-scan ito. Pagkatapos kong magsalita ay agad na kong lumabas ng music room para kumain. 

Ako naman yung napili eh.. Pero bakit hindi parin ako masaya? Dream came true nga diba? Siguro dahil kasama parin si Ella sa play. Pero syempre, hindi ko naman hahayaang mangyari yun. Malakas ata to noh.

---Ella's POV---

Sabi na nga ba hindi ako yung napili eh. Bakit pa kasi ako nagexpect?! Hayy. Tapos ang sakit pa magsalita ni Andrea. <///3

"Wag kang magalala. Wag mong intindihin ang sinabi sayo ni Andrea, basta gawin mo yung best mo ah. Next month, magsisimula na ang practice natin, magmemorize ka na ah." sabi ni Miss Ocampo.

Tumango ako at lumabas na ng music room. Alam kong kahit si Andrea ang napili ay hindi parin siya masaya dahil nandun ako.. Pano kung umalis na lang kaya ako? Mag-quit na lang kaya ako? Trip-trip ko lang naman yun eh. Hayy. Ang hirap naman magdecide.

===========================================================================

Magq-quit kaya si Ella sa musical play nila kahit si L.A. ang makakapartner niya don para lang sa friendship nila ni Andrea? O ig-grab na lang niya ang chance na lalo pang mapalapit kay L.A.? ABANGAN.

Don't forget vote ang comment! :D

We're Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon