Chapter 23 *Misunderstanding*

85 2 0
                                    

Sorry po kung ngayon na lang ulit nakapagUD. Madami po kasing sinalihan na activities sa school at madami ring projects and assignments. Kaya natagal ang pagUD. Sana basahin niyo parin po ito hanggang sa matapos. 

Don't forget to vote and comment!! :DD

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

---Ella's POV---

Sa lahat naman ng pwedeng katangahan na mangyari sakin ay bakit ang pagsubsob pa? T____T

Nakakahiya talaga kay Lance. Nakakaasar! 

"Araaayyyy!!" sigaw ko habang nililinis ni Nanay yung sugat ko. 

Para mang bata pero palaging si Nanay ang naglilinis o gumagamot sa mga sugat ko. 

Kahit ngayong malaki na ko.

Para bang sa tuwing nasasaktan ako, lagi siyang nadyan para pawiin lahat ng sakit.

Na kahit maraming taong hindi naniniwala sa kakayahan ko, handa siyang tumayo at ipaglaban kung ano ung pinaniniwalaan niya.

Hindi man kami mayaman, wala man akong tatay, ay masaya naman ako na may nanay akong katulad niya.

Bakit wala akong tatay? Hindi ko rin alam.

Sa buong buhay ko, hindi ko pa nakita ang tatay ko. Tanging s Nanay lang ang nandyan para sakin.. para samin ni Tristan. Kahit magisa lang siya ay napupuno naman nioya kami ni Tristan ng pagmamahal.

"Ayan tapos na. Sige na anak, baka malate ka pa sa school." 

"Thank you, Nay. Alis na po ako. Pakisabi na rin kay Tristan ha?"

"Osige. Magiingat ka ha?"

"Opo, Nay."

Dahil may sugat ako sa tuhod, medyo mahirap maglakad mula sa bahay palabas ng eskinita. Makirot kasi ung sugat ko. Tapos may band-aid pa ko sa mukha. Mukha tuloy akong gangster. Huhu. Katangahan ko talaga kahit kailan.

Medyo malayo pa man din yung sakayan kaya lalakarin ko pa papunta dun.

Habang naglalakad ay may narinig akong bumusina sa likod ko.

Di ako tumingin pero tumabi lang ako sa gilid.

Maya-maya pa ay may bumusina nanaman.

ANO BA YON?!

Kailangan bang sa gilid na gilid ako dumaan ha?

We're Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon